Chapter 27

3K 36 0
                                    

"Ayos ka lang, Tatiana? Nakatulala ka riyan?" tanong ng kasamahan nito.

Tumango-tango lang siya. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala." sagot nito.

Nagkibit-balikat lamang ito at nagtungo muli sa kaniyang kinauupuan. Nakatulala pa rin siya sa kaniyang pwesto bago tingnan ang mga papeles na kailangan niyang gawin. Katatapos pa lamang niya sa isang report, may panibago na naman siyang gagawin.

Wala naman siyang magagawa kung hindi tapusin iyon dahil utos ng amo niya na hindi pa rin lumalabas sa opisina. Sinimulan niya ang kaniyang trabaho at pagkalipas ng ilang oras ay narinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid niya.

Nakarinig rin siya ng bulungan at matunog na takong ng isang sapatos. Umangat ang kaniyang tingin sa isang babae na balingkinitan ang katawan, matangkad at maputi ngunit naamoy niya agad ang bitchy aura ng babae. Tumaas ang kilay niya, pinanood niya ang babae na lumapit sa kaniya.

Hindi niya makakalimutan ang babaeng umalipusta sa kaniya kaya biglang nag-init ang kaniyang ulo nang makarating sa harap niya si Arida. Ang EX ng kaniyang amo.

"Hey, slut!" maarteng tawag nito.

Did I hear it right? She call me slut? Tanong ni Tatiana sa kaniyang isipan. Ang kapal ng mukha ng babaeng ito, siya nga itong slut dito. Wala pa akong ginagawa sa kaniya, putangina niya.

"Anong kailangan mo?" malamig na usal ni Tatiana.

Umangat ang kilay nito sa kaniya. "Wala ka talagang galang na babae!" inis na asik niya.

Tatiana cleared her throat. "Kung ikaw lang rin ang igagalang ko, mas mabuti pang igalang ko 'yong mga baliw sa kalye." patutyang sagot niya.

"Are you telling me that I am crazy, bitch?"

"Sa iyo naman nanggaling 'yan, Ma'am." ngising sagot niya.

Kumunot ang noo ng babae at inirapan siya. "Is Aslan in his office?" she asked, annoyingly.

"Nakasara ang pinto, subukan mong katukin." sarkastikong sagot ni Tatiana.

Why is she looking for my boss? Wala ba siyang contact dito at sa akin nagtatanong ang putragis na babaeng ito? Nainis ako sa pagdating niya, nag-iinit talaga ang ulo ko kapag nasa malapit siya. Ano kaya ang nagustuhan ng gunggong kong amo sa babaeng ito, e ang pangit ng ugali. Pareho yata silang may saltik sa utak.

"Are you saying something?" madiin na tanong niya.

Peke ko siyang nginitian. "May appointment ka sa kaniya?" tanong nito muli. Nagtitimpi lang siya sa ugali ng babaeng ito dahil kapag hindi siya nakapagpigil, masapak niya ng wala sa oras.

Nakapaskil ang inis sa mukha niya. "Hindi ko kailangan ng appointment sa boyfriend ko. Tanga ka ba?" giit niya.

Oh, wow! Sila na pala ulit? Nagkabalikan na sila? Wala man lang akong kaalam-alam ah! Grabe ang landi talaga ni Aslan! Kaya mahirap paniwalaan ang mabulaklak niyang salita. Nanliligaw siya pero parang nanggagago, putangina.

"Ah, hindi ko kasi alam na boyfriend mo pala ang manliligaw ko." mapait na ngumiti si Tatiana. "Bagay nga kayong dalawa, sige ipapaubaya ko na, kawawa ka naman kung wala kakamot ng pangangati ng mo." bulgar na saad nito.

"Sinasabi mo bang kaladkarin akong babae at pokpok?" maarteng kwestiyon ng babaeng kaharap niya.

Umayos ng upo si Tatiana ngunit kalaunan ay tumayo na rin. Medyo mas matangkad siya babaeng kaharap kaya mas malaki ang advantage niya kapag sinaktan siya nito ng pisikal.

"I didn't say something like that, ma'am," she blurted, sarcasm plastered in her voice. "And I'm not pertaining at you, being a stripper nor a paid woman in a club, it just came out of your mouth... just so you know." she shrugged her shoulders.

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon