Chapter 41

2.8K 47 6
                                    

Last four chapters na lang po ang story ni Tatiana at Aslan:)

**

Sa Baguio nagtungo si Aslan dahil sa lead na ibinigay sa kaniya ng kaniyang kaibigan na si Radion maging ang iba nitong mga kaibigan ay iyon rin ang itinuturo nila batay sa impormasyon na kanilang nakalalp.

Nasa biyahe sila ngayon at oo, sumama ang kaniyang mga kaibigan para may mag-cheer sa kaniya.

“Mga gago, bakit pa kasi kayo sumama?” mura niya sa mga ito.

“Para may sasandalan ka kapag umiyak ka,” seryoso ngunit natatawang usal ni Haris. “Alam kasi namin na kapag may nakita kang kakaiba, wala kang sasandalang balikat kapag nasaktan ka.”

Tinapik naman ni Kael ang kaniyang balikat. “At isa pa, para saan pa at naging mga kaibigan mo kami? Oo, makulit lang kami at palabirong tao, pero kung alam namin na nasasaktan na ang kaibigan namin, dadamayan pa namin kahit saan pa ‘yan.”

Aslan pursed his lips. “Ang drama niyo masyado,” sambit niya ngunit lumukob ang kasiyahan sa kaniyang dibdib dahil sa lubos na pagdamay sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan.

“Kung ano man ang makita ko pagdating ko ng Baguio, sa akin na lang ‘yon…” saad niya. “…kung makikita ko man siyang masaya roon, hindi ko naman ipagkakait ‘yon sa kaniya.”

Napailing na lamang si Radion at Kael. Hindi naman umiimik si Trent dahil nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata at nakahalukipkip sa may likuran ngunit naririnig pa rin niya ang mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan.

“Ilang oras na lang, Radion? Sigurado ka ba na alam mo ang lokasyon niya at ng mga bata?” Tanong ni Aslan sa kaibigan na kasalukuyang nagmamaneho. “Baka mali lang ang natanggap niyong impormasyon?”

Napatawa si Radion. “Gago, hindi mali ang ibinigay sa akin ng private investigator. Ibinigay ko na sa iyo ang mga larawan niya, hindi ba? Hindi mo ba natanggap?” nagtatakang tanong nito.

Umiling si Aslan. “Wala akong natanggap na kahit isang larawan na ipinadala mo sa akin, Radion…” sagot niya, magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

Napakunot rin ng noo si Radion at nagtataka rin ang mga kasamahan nila sa loob ng sasakyan. Saglit na sumilip si Radion sa rear view mirror at napansin niyang nakatingin sa kaniya si Trent, seryoso at nakataas pa ang kilay nito kaya mabilis siyang umiwas ng tingin.

Tila alam na niya kung sino ang tumanggap ng mga larawan na ipinadala niya. Si Trent ang kumuha niyon at sigurado na alam rin ng gago na ayaw niyang masaktan lalo si Aslan.
“I-Imposible… sino namang gago ang haharang sa mga ipinadala kong larawan?” Nauutal na tanong niya. “Ipinadala ko ‘yon gamit ang pangalan mo… pero baka nga late lang dumating.”

Humugot ng malalim na buntong hininga si Aslan. “Hindi ko alam, ayaw ko na munang isipin kung ano ang laman ng mga larawan na ‘yon.” saad niya at napailing na lamang.

Hindi na muling nagsalita si Radion, itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig at nag-focus sa pagmamaneho.

Ilang oras lang ang lumipas ay nakarating na sila agad sa Baguio. Maraming turista ngayon dahil halos malamig ang klima.

“Ang daming tao, paano natin hahagilapin ang mag-ina ko?” tanong ni Aslan.

Mag-ina. Ang sarap pakinggang kung kasama ko lang sila ngayon at hindi ako gumawa ng kagaguhan.

“Madali lang hanapin dahil alam ko ang address maging ang apartment na tinitirahan niya. Huwag kang praning riyan.” Wika ni Radion at nanguna sa paglalakad.

Hindi mapakali si Aslan at maging ang tatlong kasama niya na nasa kaniyang tabi. Si Radion naman ay naunang maglakad papasok sa isang iskinita. Halos pasado alas tres na ng hapon nang makarating sila sa Baguio.

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon