Chapter 22

3.5K 40 6
                                    

Tila nawala sa isip ni Tatiana ang pangyayari noong nakaraan sa kanila ni Aslan. Paggising niya ay hindi na masyadong makirot ang kaniyang pagkababae. Nagtataka rin ang mga batang nasa kaniyang bahay kung bakit siya ganoon maglakad ngunit hindi na lamang niya sinagot ang kontrobersyal na katanungan ni Ryan sa kaniya.

Araw ng Huwebes ngayon at maagang pumasok si Tatiana sa opisina kahit na may dadaluhan silang party mamayang alas siyete ng gabi ng kaniyang amo.

"Good morning, Ma'am Tatiana! Kumusta?" malugod na tanong ng guard na si Mang Romel.

Ngumiti ito sa kaniya. "Ito buhay pa rin at maganda pa rin, manong!" Tatiana giggled upon saying that.

Pumasok na siya sa loob at naabutan nito ang amo na papasok sa kaniyang elevator. Ang aga naman niya masyado. Mukhang napansin siya nito ngunit huli na dahil kusang nagsara na ang pinto ng elevator nito.

Pumasok si Tatiana sa kabilang elevator na para sa mga employees at mabuti na lang wala siyang kasabay. Nakahinga siya ng maayos nang magbukas ang pinto ngunit napawi iyon dahil sinalubong siya ni Aslan na naka-kunot ang nooo.

Tuloy-tuloy siyang lumabas at sinadya niyang lampasan si Aslan pero nahablot niya ang braso nito dahilan para tumigil siya sa paglalakad. Mahigpit ang pagkakahawak ni Aslan sa braso niya na tila halos wala ng dadaloy na dugo roon.

"M-Magandang umaga, Mr. Lewis." malugod na bati nito at nag-iwas ng tingin sa kaniyang boss.

Umangat ang kilay ni Aslan. "Walang maganda sa umaga kung ikaw ang mabubungaran ko," asik niya sa kaniyang sekretarya.

Nagulat si Tatiana. Nakipagsukatan siya ng tingin kay Aslan. "O bakit mo pa ako hinarang at pinigilan na lagpasan ka?"

Anak ng tilapia! Isang talipandas ang lalaking abnormal na ito. Ang higpit ng hawak niya sa braso ko tapos iyon lang pala ang sasabihin niya sa akin? Na hindi maganda ang umaga niya dahil ako ang nabungaran niya? Aba! Punyeta lang ang walang ganti, Mr. Lewis!

"Tsk, ang pangit ng umaga." walang gatol na usal nito.

Nasisiraan na yata ng bait ang isang ito, e.

"Wala ka naman sa mundo ng mga alien, hindi ba? Ang ganda kaya ng umaga tapos sasabihin mong walang maganda sa umaga talipandas ka? Patawa ka?" pamimilosopo ni Tatiana rito.

Nanlilisik naman ang mga mata ni Aslan nang pasadahan niya ang kabuuan ng kaniyang sekretarya. "What the hell are you wearing? Is that even a formal attire?" he asked, mocking at her.

Tinaasan siya ng kilay ni Tatiana. "Yes, it is. May problema ka sa suot kong pang-trabaho?" tanong nito pabalik sa kaniyang amo.

"Damn, next time, if I saw you wearing again that fucking 'office attire' of yours, you'll get your fucking punishment to me!" inis na sambit ni Aslan at binitawan ang kaniyang braso bago naglakad patungo sa opisina nito.

Tatiana frown dahil hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit ng kaniyang amo sa disente nitong suot. Hindi niya alam kung anong problema ng amo niyang ubod ng ka-arogante-han.

Nagkibit-balikat na lamang siyang nagtungo sa kaniyang lamesa. Hindi siya kumain ng agahan at mabuti na lamang may dala siyang biscuit sa kaniyang bag.

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumunog ang telepono sa kaniyang lamesa. Itinigil niya ang ginagawang pagtipa at sinagot ang tawag na hula niya ay mula sa kaniyang amo.

"How may I help you, Mr. Lewis?" tanong nito.

"Make a coffee for me..." sagot ni Aslan mula sa kabilang linya a ibinaba na ang tawag.

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon