Chapter 25

3.3K 43 2
                                    

Nagising si Tatiana sa isang silid na hindi pamilyar sa kaniya. Mabilis siyang bumangon sa kama at inilibot ang tingin rito. She gets off the bed and run to the door only to find out that Aslan was talking with someone she knows. It was Radion, one of his boss's friend.

Napatingin ito sa kaniya bago ngumisi. "Gising ka na pala, Ms. Morgan. Alam mo ba kung gaano mag-alala-" naputol ang sasabihin nito nang mabilis na nagtungo si Aslan sa harap ng dalaga.

"Are you okay? Anong masakit sa iyo? May kailangan ka ba?" magkakasunod na tanong nito sa sekretarya.

Nagtataka si Tatiana sa inaasta ng kaniyang amo. Ito ba ang daan niya para mag-sorry sa nangyari sa party ng desperadang EX niya?

"Uuwi na ako, Mr. Lewis." saad niya at hindi man lang pinansin ang tanong ng kaniyang boss.

Kumunot ang noo ni Aslan sa tinuran ng dalaga. "No fucking way, Ms. Morgan. Hindi ka uuwi hangga't hindi pa ayos ang pakiramdam mo." iritadong usal ni Aslan.

Nagtaas ng kilay ang dalaga at masamang tinignan ang kaniyang amo. "Hindi ko kailangan ng concern mo, Mr. Lewis. May mga bata pa akong aasikasuhin sa bahay ko." malamig na sambit niya. "At saka, maayos na ang pakiramdam ko, kailangan ko lang magpahinga. Ipagpaumanhin mo kung hindi ako makakapasok sa trabaho bukas."

Inayos niya ang kaniyang tindig, kinuha niya ang kaniyang mga gamit at lumabas na sa opisina ng kaniyang amo. Hindi na niya ito hinintay na magsalita at nadire-diretso na lamang ng lakad patungo sa elevator.

Sumakay na siya roon at saktong magsasara na ang pinto nang sumingit roon ang mga kamay ni Aslan. Nakatingin siya sa dalaga at may bahid ng inis sa kaniyang mukha.

"Ang tigas ng ulo mo, Ms. Morgan!" singhal niya.

"Mas matigas ang ulo mo, Mr. Lewis! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na kaya kong umuwi at maayos na ang pakiramdam ko!" inis niyang bulyaw sa kaniyang amo. "Hindi ko kailangan ang concern mo dahil kung ginagawa mo lang ito dahil sa letseng ginawa ng mahadera mong EX na expired na, huwag na lang!" angil niya pa.

Kumunot ang noo ni Aslan. "Isasabay kita sa pag-uwi ko. Sa ayaw at sa gusto mo, wala kang kawala sa akin." madiin na sabi nito.

Napakuyom ng kamao si Tatiana at tinapunan ng masasamang tingin ang amo na nakasandal sa pader ng elevator. "Ayaw kitang kasabay!" asik niya at pinindot ang button key ng elevator.

"Pwes, gusto kitang kasabay!" giit pa rin ni Aslan sa kaniya.

Aba! Gago ng isang ito. Tatiana cursed him at the back of her head. "Ako ang lalabas sa elevator na ito at sabayan mong mag-isa ang sarili mo!"

Magbubukas na ang pinto ngunit hinablot siya ni Aslan sa kaniyang braso. "Hindi, magsasabay tayo kung ayaw mong labasan tayo pareho dito sa mismong elevator!" lakas loob na saad ni Aslan.

Inirapan siya ni Tatiana. "Get lost, Mr. Lewis! I'm so fucking done with you! Uuwi ako mag-isa at hindi ko kailangan ng putanginang tulong mo!" sabi nito at lumabas sa elevator para magtungo sa kabilang elevator. Madaling nagsara ang elevator at saka lang doon nakahinga ng maluwag si Tatiana.

Napasapo siya sa kaniyang dibdib nang magbukas ang elevator at bumungad sa kaniya ang kaniyang amo na nakakunot ang noo.

"I'll take you home, woman," he uttered, coldly. "Walk and don't make me repeat myself." sabi niya at tinalikuran ang dalaga.

Walang nagawa si Tatiana kung hindi humugot na lamang ng malalim na paghinga at sumunod sa kaniyang amo. Ramdam niya ang masasamang titig ng mga empleyado, mabagal ang kaniyang paglalakad at nakayuko lamang siya.

Napatigil siya sa paglalakad nang may nabunggo siya kaya nag-angat siya nang tingin ngunit nabungaran niya ang kaniyang amo na masama ang tingin sa kaniya. Bumangga siya sa matigas na dibdib nito kaya naman nakayuko ang lalaki sa kaniya.

"Sorry po, sir." mahinang paumanhin niya. "Wala naman kasi akong mukha na ihaharap sa empleyado mo. Ano naman magagawa ng ganda ko kung pinahiya ako ng EX mo." sabi niya at muling napayuko.

Aslan's forehead knitted. He caught her chin and lift it. "Don't mind them, baby... I won't let someone humiliate you again." masuyong usal ni Aslan. "Let me take you home for you to have a good rest, hmm."

Pagkasabi niya 'yon ay pumulupot ang kaniyang braso sa beywang nito at taas noo na naglakad si Aslan ngunit naroon pa rin ang malamig na aura niya.

Inalalayan ni Aslan ang dalaga na makapasok sa loob ng kotse niya bago ito umikot sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. Tahimik sila sa makalipas na kinse minuto ngunit binasag iyon ni Tatiana.

"Hindi mo na sana ako inihatid pa, Mr. Lewis." bulalas niya.

Aslan sighed. "Call me by my name, Tatiana. Call me, Aslan or Yael whatever you like." sabi niya. "Don't call me Mr. Lewis anymore, hmm?"

Nanlalaki ang mga mata ni Tatiana na sumulyap sa kaniyang amo. Maaliwalas ang mukha ng kaniyang amo hindi katulad kanina na pang-biyernes santo.

"H-Hindi ako sanay na tawagin ka sa pangalan mo," nauutal sa sagot niya.

Sinulyapan siya ng binata. "Masanay ka na. Ako nga nasanay na tawagin ang pangalan mo..." saad niya. "You know why I always call you by your name?" he paused and smile at her. "Because your name suits you and it's special for me." he added.

Tatiana couldn't even utter a word. Tahimik lang siyang nakatingin sa kaniyang boss. "A-Anong sinabi mo... b-bakit?" nagugulat na tanong niya.

"Because I fall..." maikling sagot niya.

Naguluhan si Tatiana, hindi na siya muling nagsalita. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa may bintana at ipinikit ang kaniyang mga mata.

NAPATITIG na lamang si Aslan sa dalaga na mahimbing na natutulog sa silid nito. Binuhat niya si Tatiana at hindi na ito ginising dahil gusto niyang pagmasdan ito ng malaya.

"Kuya Aslan, ano po ang nangyari kay Ate Tatiana?" kapagkuwan ay tanong ni Race sa kaniya.

Nasa silid ni Tatiana ang mga bata kasama ni Aslan. Pinakain na rin sila ni Aslan dahil nagluto ito ng sopas.

"Hindi maganda ang pakiramdam ng ate, Race." masuyong sagot niya. "She needs to rest kaya huwag kayong magpapasaway sa ate niyo, ha." sabi niya.

Tumango ang tatlong bata at nagpaalam na rin na matutulog na. Pasado alas nwebe na rin ng gabi at hindi na umuwi si Aslan. May dala naman siyang damit sa kaniyang sasakyan.

Naupo na lamang siya sa lapag at masuyong hinawakan ang kamay ni Tatiana at hinahaplos iyon habang nakasandal ang kaniyang ulo sa gilid nito.

"I'm sorry, baby for being a reason for you to get sick..." panimula niya. "I'm an asshole and jerk, sorry for dragging you in my world." pahayag niya.

Nakatitig lang siya sa dalaga, hindi niya ramdam ang pagka-antok. "Kung alam ko lang na sa iyo lahat mapupunta ang atensyon at aalipustahin ka, hindi na sana kita isinama at hindi na sana kita ipinakilala bilang aking nobya..." masuyo at sinsero ang salitang binibitawan ni Aslan.

"Sana pala itinago na lang kita, para wala nang lalaki ang magpantasya pa sa iyo..."

Tila nagkukumpisal si Aslan ng kaniyang nararamdaman, nais niyang umamin sa dalaga kapag nagising ito pero natotorpe siya.

"I fall for you, deeply, baby..." bulong niya. "Fuck the label, Tatiana... I just want you exclusively. Gusto ko... ako lang ang nakakakita ng ngiti mo at ako lang ang sinusungitan mo. Para ka lang sa akin, babakuran kita at walang haharang." 

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon