Chapter 20

3.7K 29 1
                                    

Tatiana's POV

Katulad nga nang sinabi ni Mr. Lewis, idinaan niya ako sa bahay para makapagpalit ng damit. Hindi ko siya maintindihan kung bakit pinagpapalit niya ako kahit papatungan ko lang naman ng cardigan.

Inis na inis ako sa kaniya kasi wala man lang siyang matinong sasabihin kapag gusto kong pag-usapan namin ang nangyari kagabi. Tila inaasar pa niya akong lalo dahil sa kagagahang ginawa ko.

"Are you done changing your clothes?"

Mula sa aking pintuan, rinig ko ang boses ng amo kong tarantado. Kumunot ang aking noo. "Bakit ba nagmamadali ka? Naroon ba sa opisina mo si Ma'am Adira?" sigaw ko.

Nakarinig ako ng kalabog sa aking pintuan dahilan para buksan ko iyon. Sumalubong sa akin ang matatalim nitong titig kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"So what if Adira is in my office? Jealous of her already?" he was smirking.

Ang sarap niyang ipalapa sa mga pirana. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako magseselos? Sinong ulol ang nagsabi niyan sa iyo? Sarili mo?" pabalang kong tanong sa kaniya.

Napawi ang ngiwi sa kaniyang labi. "Pretend girlfriend pa lamang kita, ramdam ko nang selosa ka. Paano na lang kaya kung totohanin ko na?"

Napaawang ang aking labi. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito. Akala mo kung sinong guwapo at santo. Tila lumalakas ang hangin dahil sa kapreskuhan niya.

"Wow! Nahiya naman ako sa kahanginan mo, Mr. Lewis." agap ko. "At saka, pumayag na ba akong maging pretend girlfriend mo? Sa pagkakaalam ko kasi, paulit-ulit ko nang sinabi sa iyo na ayaw ko."

I kept on turning him down. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil nakikita ko ang pagka-inis niya. Hindi ko siya mabasa. Ang hirap alamin kung anong kalokohan ang tumatakbo sa utak niyang puro kabastusan.

"We had sex already... baka sapat na iyon para magpanggap ka? Tutal magaling ka naman siguro sa ganoong bagay," huminto ito sa kaniyang pagsasalita, "ang magpanggap..." patuloy niya.

Kumuyom ang aking kamao. "Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" hamon ko sa kaniya. "Kasi sa ating dalawa, ikaw itong mapagpanggap."

Isinara ko na ang aking pintuan at nilagpasan siya. Narinig ko pa ang kaniyang malulutong na pagmumura bago naramdaman na nasa likuran ko na siya.

"So hard to please..." rinig kong sambit niya.

Hindi ko siya nilingon, nagtuloy-tuloy akong lumabas ng bahay ko. Yes, I am hard to please, Mr. Lewis. At hindi ikaw ang makakapagpasunod sa akin sa mga gusto mo. Hindi ikaw ang kokontrol sa buhay ko.

Hindi dahil sa guwapo ka, I will fucking give in to you. Nakuha mo na ang pagkababae ko, pero hindi mo makukuha ang tiwala ko.

Walang gatol akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya. Ikinabit ko na ang seat-belt at pumasok na rin ito sa loob ng kotse niya.

Ramdam kong lumingon pa ito sa akin bago siya magbuga ng hangin.

"That's good enough cover for your skin..." bulong niya ngunit narinig ko naman.

Pero bago pa ako magsalita, pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lamang kami sa daan at pasado alas nuwebe na ngunit wala pa rin kami sa kaniyang kompanya.

Mabagal rin ang daloy ng trapiko at nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pagkunot niya ng noo.

"Damn this fucking traffic!" pagmumura niya at pinindot ang busina.

"Nagrereklamo ka ba?" tanong ko nang lingunin ko siya.

"Pakialam mo ba? Hindi naman ikaw ang nagmamaneho. Naiinip ka na ba?" balik tanong niya.

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon