Chapter 36

2.8K 41 7
                                    

Joke lang pala 'yong sa July ako babalik para magsulat. Kaya ito, may update ako sa story ni Aslan at Tatiana. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa kahit po slow update muna ako ngayon dito. 

**

Pumasok ako sa kompanya, bitbit ang resignation letter ko. Maaga ako kaya wala pa masyadong empleyado at sigurado akong wala rin si Aslan roon sa kaniyang opisina.

"Magandang umaga, Ma'am," bati ng security guard sa akin.

Ngumiti lang ako sa kaniya at huminto sa paglalakad. "Nariyan na po ba si Mr. Lewis sa kaniyang opisina?" tanong ko.

"Hindi ko pa naman siya napansin, Ma'am," sagot nito.

Tumango ako at nilampasan siya. Sumakay ako sa elevator at humugot ng isang buntong hininga. Masakit ang puso ko dahil sa katangahan ko. Nagpa-uto ako sa isang naturingan na playboy.

Ang tanga mo, Tatiana. Wala kang kasing tanga, isinuko mo pa ang perlas ng silangan. Sikmat niya sa kaniyang isipan.

Nakarating ako sa floor namin kung saan naroon ang opisina ni Mr. Lewis. Nakaramdam ako ng biglaang panghihina ng aking tuhod habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina.

Kaya ko ba? Paano kung nariyan siya sa loob? Paano ko siya haharapin? Papakinggan ko ba siya?

Marami akong tanong sa aking isip ngunit isinantabi ko na lamang at agad na binuksan ang pinto ng kaniyang opisina. Pero pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang nakakasulasok na amoy ng alak at nagkalat na basag na bote ng beer.

Nanlaki ang aking mata ngunit kumunot ang aking noo nang mapansin ko si Mr. Lewis na nakaupo sa kaniyang sofa habang tinutungga ang alak.

Ibig sabihin, hindi siya umuwi? Tanong ko sa aking isipan.

Tuwid akong tumayo bago tumikhim para kuhanin ang kaniyang atensyon. Lumingon naman siya sa akin, nanlaki pa nga ang kaniyang mata at nagmadaling tumayo pero natumba naman siya sa sofa.

Lasing siya, bakas iyon sa kaniyang mukha. Nanlulumo at nagsusumamo ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. Isinara ko ang pinto ng opisina niya at naglakad patungo sa kaniya.

"T-Tatiana. . ." banggit niya sa pangalan ko. "B-Baby, let me explain, please. . ." he begged.

I scoffed. "No explanation at all, Mr. Lewis. I heard it loud and clear, galing mismo sa bibig ng kaibigan mo," nang-uuyam na sagot ko sa kaniya.

Ang kaninang mabigat na nararamdaman ko sa aking dibdib ay napalitan ng galit.

"Just let me. . . explain, Tatiana," makaawa niya. "Kahit ngayon lang, pakinggan mo naman ang paliwanag ko," pagsusumamo niya.

Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Wala ka ng dapat pang ipaliwanag, Aslan. Tama na 'yong nagpa-uto ako sa iyo, na niloko mo ako at pinagluran!" galit kong usal sa kaniya. "Na-i-kama mo na ako, ibinigay ko 'yon sa iyo kasi ang tanga ko dahil nagpaniwala ako sa mabulaklak mong mga salita!"

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan pero itinulak ko siya dahilan para tumama ang kaniyang beywang sa dulo ng kaniyang lamesa. Narinig ko pang humiyaw siya at nakaramdam ako ng inis sa aking sarili.

Tila natauhan at nawala ang kalasingan niya sa sakit na nararamdaman nito sa kaniyang beywang pero binalewala ko 'yon.

"Ilalapag ko lang ang resignation letter ko at aalis na rin ako sa kompanya mo," sabi ko. "Aalis na rin ako sa buhay mo kaya huwag mo ng pangarapin na papakinggan ko ang mapanlinlang mong paliwanag." malamig kong usal sa kaniya.

Kita ko ang malungkot na ekspresyon ng kaniyang mukha pero wala na akong pakialam.

May pilit na ngiti sa kaniyang labi. "S-Sana pala. . ." huminto siya, tila naghahanap ng salitang sasabihin. He's poking his tongue in the left corner of his cheeks then sighed. ". . . kung sana pala hindi ko na pinatulan ang putanginang pustahan na 'yon, baka hindi kita nakuha, baka hindi ko nakita 'yong mga matatamis na ngiti sa labi mo." dugtong niya.

Played (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon