CHAPTER 10: SCENTED CANDLE
ALLYSA'S POV
MAAGA akong gumising ako para maglinis at ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko sa pagpipinta. Ang lahat ng aking mga gamit ay nasa nasa kusina habang ang stand at ang obrang aking inayos ay nasa sala naman.
Nang magising ako, laking pagtataka ko na lamang na nasa sahig ako. Pinakiramdaman ko ang aking katawan kong may masakit ba rito mula sa aking pagkakahulog ngunit wala akong naramdaman na kahit anong sakit.
Nangunot ang aking noo nang makita ang cutter sa ibabaw ng aking kama. Napatakip ako sa aking bibig nang may maisip. Napatingin ako sa aking pulso kung mayroon akong sugat o laslas.
"Nagtangka ba akong maglaslas kagabi?" tanong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang cutter at saka mariing tinitigan ang nakalabas na talim nito.
Isa-isa kong inalala ang mga ginawa ko kagabi mula nang sumapit ang dilim hanggang sa pagpasok ko sa aking silid. Napailing-iling na lamang ako at saka tumayo para magsimula na sa aking weekend routine.
Paglabas na paglabas ko sa aking kuwarto, agad na napadako ang aking tingin sa obra na nasa sala. Muli akong umiling-iling at nagtungon sa kusina upang makapagluto ng almusal. Nagluto ako ng itlog at saka kumuha ng tasty bread.
Nang matapos ako sa pag-aalmusal, kaagad kong kinuha ang walis tingting at lumabas ng bahay. Hindi naman ganoon karami ang kalat ng tuyong dahon kaya naman mabilis lang akong natapos sa paglilinis sa labas.
Sunod akong naglinis sa loob ng aking bahay, kinuha ko ang aking speaker at saka ito ikinonekta sa aking cellphone at malakas na pinatugtog ito. Habang nagwawalis ay hindi ko maiwasang hindi mapaindak dahil sa tugtugin na palagi kong pinapakinggan habang abala sa aking ginagawa.
Lumapit ako sa obra at saka ito pinunasan. Amoy na amoy pa ang barns na ipinahid ko kahapon pero tuyo na ito at matingkad na ang frame nito. Ngumiti ako at saka ito binuhat papunta sa aking kuwarto.
Huminga ako nang malalim at mariing itong tiningnan. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung anong oras na ba.
May oras pa ako. Lumabas ako ng aking silid at saka kumuha ng ilang kulay pati na rin ang paintbrush. Bumalik ako sa aking silid at nagsimula na itong lagyan ang frame ng ibang disenyo.
Nagsisimula pa lamang ang aking pagpipinta nang mayroon ako biglang naalala. Napabuntonghininga na lamang ako at napahinto na lamang sa aking ginagawa. Inilapag ko ang brush sa brush holder kong ginawa na nakasabit mismo sa stand.
Napagpasyahan kong bumisita na lamang kay Father Jomel. Doon lang siguro ako magpapaalis ng sama ng loob at magsisimba na lamang mamayang alas tres ng hapon. Iniwanan ko ang aking ginagawa at pumasok nalamang sa banyo.
Nang makapagbihis, hindi ko maiwasang hindi mainis sa aking suot kaya naman kaagad akong nagpalit. Nang masigurado kong nakasara na nang maayos ang mga bintana ay kaagad akong umalis ng bahay.
Dumiretso ako sa Artine Church. Sa tuwing wala akong masabihan ng aking nararamdaman at wala akong taong makapitan sa simbahang ito palaging pumupunta at kinakausap Siya nang tahimik.
Ilang taon na rin bang walang tao na naandyan para sa akin sa tuwing kailangan ko ng kausap. Si Rachel, alam kong nandyan siya palagi pero para lang iyon sa pagiging isa kong artist, para lang sa pagpipinta. Alam kong marami ring ginagawa si Rachel kaya naman hindi ko na siya inaabala pa.
Nasanay na akong sarilihin ang lahat. Sanay na akong walang pinagsasabihan ng aking nararamdaman pero minsan naiinggit ako sa iba na mayroong kaibigan na laging masasandalan, makakausap at laging nandiyan sa tuwing ikaw nangangailangan.
BINABASA MO ANG
The Cursed Soul of Art - [COMPLETED]
Fantasy𝘾𝙧𝙚𝙖𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙮 𝙞𝙨 𝙖 𝙘𝙪𝙧𝙨𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙧𝙩 𝙞𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙥𝙧𝙤𝙙𝙪𝙘𝙩 𝙤𝙛 𝙤𝙪𝙧 𝙘𝙧𝙚𝙖𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙮 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙚𝙣𝙖𝙗𝙡𝙚𝙨 𝙪𝙨 𝙩𝙤 𝙛𝙞𝙣𝙙 𝙤𝙧 𝙡𝙤𝙨𝙚 𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙫𝙚𝙨.