CHAPTER 6

39 6 0
                                    

CHAPTER 6: UNBOXING AND FRAMING

ALLYSA'S POV

ALAS SINGKO ng umaga nang bumangon ako mula sa aking higaan. Kaagad kong inayos ang aking hinigaan at naghilamos. Ramdam ko ang pamamnhid ng aking mga binti dahil sa pagtakbo ko kahapon.

Napailing-iling na lang ako at isinampa ang kanang kong paa at saka marahan itong inunat. Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ang sakit at pagkabinat ng mga ugat ganoon rin ang aking ginawa sa kaliwa kong paa. Ilang linggo na rin ba akong walang jogging at exercise kaya siguro ay madaling magmanhid ang aking kalamanan ngayon.

Nang matapos, naglakad ako palapit sa bintana at hinawi ang kurtina nito. Binuksan ko rin ang bintana upang pumasok ang sariwang hangin sa aking silid. Napapikit na lang ako nang sumalubong sa akin ang simoy ng bagong umaga, amoy ng mga halamang nadiligan dahil sa malakas na ulan kagabi.

Itinali ko ang kurtina sa magkabilang gilid ng bintana bago lumabas ng aking silid. Binuksan ko ang agad ang pinto pati na rin ang mga bintana sa sala. Kinuha ko ang walis tambo at saka naglinis sa buong bahay. Inuna ko ang paglilinis sa kusina, isinunod ko ang aking kuwarto hanggang sa palabas na sa sala.

Napatingin ako sa kahon na nasa gilid ng sofa. Inangat ko ito at dinala sa aking silid. Isinandal ko ito sa pader at saka muling iniwan para ituloy ang aking paglilinis.

Pinagpagan ko ang mga throw pillow at saka inayos ito. Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis ng mga kalat at alikabok palabas sa maliit kong balkonahe. Muli akong napasulyap sa loob ng aking bahay ay iginala ang aking tingin sa bawat sulok nito.

Hindi ko alam kung paano ko naipundar ang ilan sa mga gamit ko sa loob ng bahay sa pamamagitan ng aking kamay at malikhaing imahinasyon upang magkaroon ng ipipinta.

Sa edad na dose anyos, naghiwa-hiwalay na kaming magkakapatid upang makatakas sa kamag-anak namin. Ramdam ko na iba ang kanilang trato sa amin lalo na kapag pera ang pinag-uusapan. Maagang nagkaroon ng kaniya-kaniyang pamilya ang aking mga kapatid.

Kinupkop ako ng aking panganay na kapatid na babae at kitang-kita ko kung paano siya mahirapan sa kaniyang pagtatrabaho para lang may ipakain sa akin at mayroong panggatas sa kaniyang anak. Ramdam na ramdam ko rin ang kanilang pangangailangan lalo na't hindi sa kanila ipinangalan ang natitirang ari-arian ng aming mga magulang.

Panahong Grade 8 ako noon nang malaman ko ito dahil nakiusap sa akin ang aking mga kapatid na ipagbili na lamang ang lupa at bahay na iniwan ng aming mga magulang na sa akin nakapangalan. Hindi ko alam ngunit pumayag ako sa kanilang gusto dahil naniniwala ako noon na kapag mas matanda sa akin ay mas maayos mag-isip kaysa sa akin.

Ipinagbili namin ang bahay at lupa na noon ay nakapangalan sa akin at ang perang aming nakuha ay pinaghatian naming tatlo. Hindi naman ako tanga sa pera noon para hindi kunin ang halaga na dapat ay sa akin. Nakuha ko ang parte ko at itinago sa aking alkansya. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang panganay na anak ni Ate at hiniram ang perang nasa akin, ibinigay ko lang ang kalahati nito at sinabing iyon na lamang ang natitirang pera ko.

Magmula noon, naging mainitin ang ulo sa akin ng aking panganay na kapatid na siyang nagtulak sa akin upang umalis ako sa kaniyang pamamahay.

High school lamang ako noon nang magsimula akong magbenta ng aking mga obra at paminsan-pinsan ay nagpapabayad sa gustong magpaguhit at idinaragdag sa aking pera. Ilang beses na rin akong sumali sa mga patimpalak sa pagguhit at pagpinta. Mabuti na lang talaga ay pinapalad ako dahil kung hindi, hindi ako makakatakas sa kamay ng aking mga kapatid na mapang-abuso ng kabaitan at hindi ko rin mabibili ang gusto ko.

Ang bahay at lupa na ito ang unang bagay na natupad sa aking mga pangarap. Napadako ang aking tingin sa isang picture frame na nakasabit sa gilid ng pader kasama ang aking mga diploma. Doon ko nakita ang matamis na ngiti ni Father Jomel – ang pari na kumupkop sa akin sa loob ng dalawang taon at humubog sa aking kakayahan sa pagguhit at pagpipinta. Hindi niya ako pinabayaan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko.

The Cursed Soul of Art - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon