CHAPTER 1

124 9 1
                                    

CHAPTER 1: UNPLEASANT DAY

ALLYSA'S POV

NAGKUKUMAHOG akong lumabas ng bahay habang dala-dala ang aking mga gamit sa pagpipinta. Hirap na hirap akong dalahin ang isang napa­­kalaking canvas.

"Tanya Allysa, aalis ka na?" tanong sa akin ng kapitbahay ko.

"Oo," matipid na sagot ko sa kaniya. Hindi na siya nagsalita pa. Pumantay lang siya sa aking sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labasan ng village.

Palinga-linga kaming dalawa sa kalsada upang mag-abang ng masasakyang jeep. Kapag ganitong umaga ay mahirap nang makasakaya dahil madalas ay punuan ito. Karamihan rin ay lalampasan at bubusinahan ka na lang ng driver kapag walang bakanteng upuan sa loob.

"Saan na naman baa ng punta mo? Mukhang bitbit mo na naman ang mga alagad mo sa pagpipinta, ah," puna niya sa akin at sa mga dala-dala kong gamit.

Palihim akong napairap dahil s alikot ng kaniyang mata. Lahat na lang ay napapansin niya, lahat na lang ay kaniyang napupuna. Kung tinutulungan na lang niya sana akong dalahin ang bitbit kong plastic bag, natuwa pa ako sa kaniya. Wala yata sa kaniyang dugo ang pagka-gentleman.

"Ay, sandali lang. Sino ka ba? Bakit mo ako kilala at parang kung makipag-usap ka ay kilala mo na ako?" tanong ko sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"Ah, pasensya na. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Jerald. Ako iyong nakatira sa tapat ng iyong bahay. Kalilipat ko lang noong isang araw," sagot niya. Napatango-tango na lang ako at muling ibinaling ang aking atensyon sa kalsada at sa mga sasakyang dumaraan.

Muling nangunot ang noo ko nang maalala kong alam na niya ang pangalan ko gayong kalilipat pa lang naman niya.

"Kalilipat mo lang tapos alam mon a ang pangalan ko, stalker ba kita?" tanong ko sa kaniya. Umiiling-iling siya at napangiti.

"Paano ako magiging stalker? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin sanay na kilala ka ng ilang tao dahil sa husay mo sa pagpipinta?" aniya. Hindi naalis sa kaniyang labia ng mapanuksong ngiti na para bang hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman.

"Hindi. Hindi naman ako mahusay. One at a time lang naman 'yon," wika ko.

Alam din pala niya ang tungkol sa aking ipinintang larawan na nag-viral kamakailan lang. nagustuhan ito ng board of director ng school namin kaya naman ibinalandra ito dingding ng building kung saan kitang-kita ito ng mga estudyante sa tuwing sila ay papasok ng paaralan.

"Hindi lang sa school sumikat pati online. Grabe, kakaiba talaga nag talentong ibinigay sa 'yo," sambit pa niya. Muli akong napatingin sa kaniya na mayroong pagtataka.

"Tara na," aniya. Doon lamang ako natauhan nang bumusina ang jeep na nakahinto sa aming harapan at hinihintay kaming makasakay.

Nauna nang pumasok sa loob si Jerald at naupo habang ako ay napabuntonghinga na lamang nang hindi kumasya ang canvas dahil sa maling pasok ko nito s aloob ng sasakyan. Marami ang nagreklamo dahil sa ginawa kong iyon kesyo male-late na sila sa kanilang trabaho at sa school.

Napagpasyahan ko na lang na sumabit. Inipit ko na lang ang canvas sa aking dalawang hita upang hindi ito gumalaw nang gumalaw at marumihan. Nakakainis dahil sobrang laki nito. Isa pa, ni hindi man lang ako tinulungan ni Jerald.

Pogi na sana, wala lang pakiramdam. Wala na talagang gentleman ngayon.

Para akong siga na pinukpok ang bubungan ng jeep para huminto ito. Mabilis akong bumaba habang dala-dala ang napakalaking canvas pati na rin ang plastic bag na pinaglalagyan ng mga pintura.

The Cursed Soul of Art - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon