CHAPTER 2

64 6 0
                                    

CHAPTER 2: ISSUE AND CONDITION

ALLYSA'S POV

MATAPOS nang matagal naming paghihintay, dumating na rin sa wakas ang aming professor na para bang mas malakas pa ang karabaw kaysa sa kaniya at isang pirma na lamang ang hinihintay bago pumanaw.

"Good morning, students," bati nito sa amin. Sabay-sabay kaming tumayo na para bang mga high school student at saka bumati sa kaniya.

"Please be seated," aniya. Sabay-sabay naman kaming umupo at itinuon ang atensyon sa kaniya. Kung titingnan si Sir Allan ay walang alam ngunit sa kabila ng kaniyang payat at matanda nang itsura ay binawi naman sa kaniyang utak na punong-puno ng art.

Ayon nga sa kaniya, dapat magre-resign na siya ngunit hindi niya mabitawan ang sining lalo na ang pagpipinta kaya ipinagpatuloy niya ang pagtuturo ng visual arts. Isa rin siya sa mga batikang guro na pinarangalan noong nakaraang taon bilang isa sa mga pinakamahusay na guro ng Moreno Mabini Colleges.

"Mukhang handang-handa kayo ngayong araw, ah," nakangiti sabi niya nang ilibot niya ang laniyang paningin. "The art of preparedness in one's mind is unstolen. Wanna know why?" dagdag pa niya.

"Why, Sir Allan?" tanong ni Vanessa.

"Because preparedness is one of the most important in every condition. It will help you to cope up with sudden changes of rules or mechanics. Ang pagiging handa ang siyang tutulong sa inyo sa mga hindi inaasahang bagay,"

"Handa ka na pero hindi mo pa alam ang puwedeng mangyari?" tanong naman ni George. Napailing-iling pa ito na tila ba hindi siya kumbinsido sa isipin ni Sir Allan.

"Yes, like death. Kapag ba namatay ka, alam mo na kung kailan, anong taon, buwan, linggo, araw o kaya naman oras? 'Di ba, hindi? But most of us are preparing for our death, even ourselves. Kaya nga may St. Peter life plan na hinuhulugan ang mga magulang niyo o 'di kaya'y kayo mismo para  sa inyong mga sarili," paliwanag pa niya.

Sa tuwing nagsasalita siya ay talaga namang makukuha niya ang iyong atensyon dahil sa una, ang mga salitang kaniyang binibitawan ay hindi mo maiintindihan ngunit sa bandang huli at nakuha na nito ang kiliti ng iyong utak, mapapaisip ka na lang bigla at sasang-ayon sa kaniya.

"Mukhang lumalayo na ang ating usapan baka mamaya niyan andito na si kamatayan, papunta na sa kamatayan ang ating usapan, eh," tatawa-tawa niyang sabi. "What element of art is important to you..." iginala nito ang kaniyang paningin.

Kaagad akong kinabahan nang magtama ang aming paningin. Pakiramdam ko ay ako ang kaniyang tatawagin para sagutin ang kaniyang tanong.

"Miss Rachel, what element of art is important to you?" aniya. Nakahinga ako nang maluwag nang tawagin niya si Rachel. Kitang-kita ko kung paano napakamot si Rachel sa kaniyang batok dahil siya ang natawag at hindi ako.

"Ah, ano... Sir, puwedeng call a friend?" nahihiyang sabi ni Rachel.

"Kung papayagan kita, sino naman 'yan?" tanong ni Sir Allan kay Rachel.

"Si... si Allysa po," sagot niya. Mabilis na naibaling ko sa kaniya ang aking tingin nang banggitin niya ang pangalan ko para sumalo sa kaniya.

"Request declined!" seryusong sabi ni Sir Allan kaya naman nagtawanan ang mga kaklase naman. Binigyan ko si Rachel ng isang ngiti, ngiting pang-aso para lalo siyang maasar.

Habang sumasagot si Rachel ay nag-isip na lang rin ako ng aking maisasagot kung sakali mang tawagin kaming lahat. Mahilig pa nama sa ganitong klase ng motivation si Sir Allan bago tuluyang buksan ang klase at magbigay ng gawain.

Kadalasan, isang oras ay ganito kami sa kaniya. Question and answer until we got his points at kapag ibinigay niya na ang gagawin namin ay sa isang tingin pa lang niya, alam na niyang naintindihan namin ang aming mga natutunan sa kaniya.

The Cursed Soul of Art - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon