CHAPTER 8

40 6 0
                                    

CHAPTER 8: CONFUSION

LUNAR'S POV

HINDI ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Nitong nakalipas na oras lamang ay kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan ang babaeng sobrang titig na titig sa akin habang napapangiti pa. Kinakausap nito ang isang lalaki ngunit hindi ko na naririnig pa ang kanilang pinag-uusapan.

Nagulat na lang ako nang biglang dumilim ang salamin na humaharang sa akin sa labas ng obrang aking kinalalagyan. Dahan-dahan akong lumapit rito at hinawakan. Nang mahawakan ko ito, may kung anong enerhiya ang nagpaatras sa akin. Ginawa ko ito nang ilang beses ngunit walang pinagbago.

Wala na akong nakikita labas. Ano'ng nangyayari?

Nagpalinga-linga ako sa aking paligid upang muling hanapin ang babaeng kasama ko rito kanina ngunit bigo akong makita siya. Napahawak ako sa aking buhok at napasabunot dahil sa pagkataranta.

Umupo ako at napatingala na lamang sa kalawakan. Para bang nasa langit na ako. Iyong tipong makikita sa paligid ay puno ng kaputian at kulay asul na para bang nasa langit ka na at ang tanging may kulay lamang ay ang aking kinatatayuan. Nasa ilalim ako ng isang puno kung saan punong-puno ng bulaklak na kulay pink. Tila ba nasa isa akong burol kung saan makikita ang buong tanawin sa ibaba nito.

Ilang araw na rin ba akong naririto at nakakulong? Isa, dalawa, tatlo? Magmula nang magising ako sa lugar na ito ay hindi ko maintindihan ang aking sarili. Wala akong maalala bukod sa pangalan kong 'Lunar'.

Naalala ko na naman ang pagkikita namin noong babae, na mala-diyosa ang ganda.

Buong akala ko ay nasa langit na ako ngunit alam na alam ko sa sarili ko na hindi pa ako patay. Hindi ko lang maipaliwanag ang aking nararanasan ngayon. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang kuwento na tanging pangalan lang ang alam.

Dumating ang isang araw na bigla na lang may babae akong kasama. Nakasuot ng puti at sobrang napakagandan niya at isinabi niyang ako ay isinumpa. Ilang beses ko siyang tinanong kung bakit ako ay isinumpa ngunit wala siyang naging kasagutan.

Nagpakilala siya bilang si Athene kung saan para may matinis na tunog ang pumasok sa aking tainga hanggang sa makita ko sa aking isipan ang dalawang kamay na may hawak-hawak na libro na para bang binabasa ito. Doon ko na lamang nakita ang pangalan na Athene. Malabo ang nakasulat rito at hindi ko malaman kung ano ang ipinapahiwatig nito.

"Lunar," sambit niya sa aking pangalan. Pilit akong tumingala para makita ang kaniyang mukha ngunit unti-unti na rin itong nagiging malabo. Walang tigil rin ang panunuot ng matinis na tunog sa aking tainga.

"Lunar," sambit pa niya ngunit hindi ko na ito nakausap dahil bigla na lang ako nawalan ng malay.

Sa aking muling paggising, laking gulat ko na lamang sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Nakatalikod ito sa akin at pinagmamasdan ang paligid. Inililipad ng malakas na hangin ang mahahabang tela na sumusobra sa kaniyang suot na damit.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "Lahat ng pang-aabuso sa kabutihan ay mayroong kabayaran," aniya. Naikuyom ko ang aking kamay at muling napaisip.

"Sandali, ano bang ginawa ko? Bakit ba ako narito? Panaginip lang ba ito?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Muli, hindi niya ako sinagot sa aking mga tanong.

"Bakit ba ito nangyayari sa akin? Kanina lang, kanina lang sinabi mong ako ay isinumpa. Sino naman ang walang hiyang tao isusumpa ako?" tanong ko pa.

"Hindi mo dapat sa akin itinatanong kung ano ang nangyayari sa 'yo, dapat sa mismong sarili mo 'yan itinatanong. Isa pa..." Hinarap niya ako at saka naglakad palapit sa akin. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at ilang pulgada lang ang distansya nito sa akin. "Isa pa, pitong araw kang tulog,"

The Cursed Soul of Art - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon