CHAPTER 11

32 6 0
                                    

CHAPTER 11: PSEUDONYM

ALLYSA'S POV

HANGGANG NGAYON ay tulala pa rin ako dahil hindi ko maiproseso ang sinabi ni Lunar. Hindi ko lubos maisip na ang hawak-hawak kong kadila ay maaaring may kinalaman sa bagay na kaniyang nahahawakan.

Muli akong napatingin sa kandila at saka muli itong hinipan. Nagtatakang tumingin sa akin si Lunar bago muling tumingin sa kaniyang hawak-hawak na brush. Parehas kaming titig na titig rito ngunit nakalipas na ang ilang minuto ay wala namang nangyayari, hindi naman ito unti-unting naglaho katulad ng nangyari kanina.

"A-anong... bakit kanina naglalaho tapos ngayon hindi? Anong kalokohan ito?" tanong ni Lunar. Huminga ako nang malalim bago lumapit sa stand at kinuha ang brush roon. Walang imik na tinalikuran ko si Lunar at saka inilagay ang brush sa hiwalay na brush holder kung saan doon din nakalagay ang mga kasama nito.

"Hoy, nawala," sigaw niya kaya naman mabilis akong lumpait sa kaniya at tiningnan ang kaniyang kamay na may hawak na brush kanina. Wala na ito sa kaniyang kamay. Muling nangunot ang noo ko saka ako kumuha ng bariya sa aking bulsa at ipinatong ito sa natitirang espasyo ng stand.

"Saglit," aniya at ipinasok ang kaniyang ulo at isang kamay sa obra. Nanlaki ang mata ko dahil sa kaniyang ginawa at sa kaniyang pwetan na walang tabing.

Biglang siyang lumabas at saka hinarap ako. Napatingin ako sa kaniyang kamay, unti-unti niya itong binuksan. Nanlaki ang mata ko nang makita roon ang bariya na inilagay ko. Nangunot ang noo ko at napatingin sa obra. Hindi nawala roon ang bariya ngunit mayroon rin siya sa kaniyang kamay.

Tila ba isang makina na gumagawa ng kopya ang pinagpapatungan ng obra kung saan doon niya ito nahahawakan at nakukuha.

"Posible kaya ang stand na pinagpapatungan?"

"Pwede rin," aniya at nagkibit-balikat. Dahan-dahan akong naglakad palapit muli sa obra at doon isinabit ang oversized na damit at pajama na sa tingin ko naman ay kasya sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya at doon naman niya nakuha ang gusto kong sabihin.

Kaagad siyang pumasok sa loob. Hinawakan ko ang gilid ng frame at marahan itong hinaplos. Napaurong ako at naupo sa dulong bahagi ng aking kama. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras dito.

Ilang minuto na ba ang nakakalipas? Bakit hindi pa siya lumalabas. Mabilis akong napatayo nang maalala ang aking niluluto. Muli akong tumingin sa obra bago tuluyang lumabas ng akong silid.

Mabuti na lang ay hindi masyadong natuyuan iyong adobo na aking niluluto . Tamang-tama lang ang aking dating. Mabuti na lang talaga ay naalala ko dahil kung hindi, malulusdak ang patatas at matutuyuan itong ng sabaw. Hindi ko pa naman gusto na walang sabaw ang adobo, tuyo na at nagmamantika.

Nagulat ako nang lumingon ako dahil naroon lang siya sa may pintuan, nakatayo habang pinagmamasdan ako. Naagaw ng damit niyang suot ang aking atensyon. Nanlaki ang mata ko nang makita ito kaya naman mabilis kong inilapag sa mesa ang dala-dala kong plato na mayroon ng kanin at mangko na naglalaman ng ulam.

"So, ang stand ang dahilan? O ang obra mismo kung saan ka nakakulong? What took you so long? Ilang minuto ka bago lumabas, ah. Bakit ang tagal? Mahirap bang isuot 'yag damit na ipinahiram ko sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya dahilan para mapangiwi siya.

"Isa-isa lang naman sa pagtatanong," reklamo niya.

"Ay, sorry," natatawa kong sabi sa kaniya. Napahinto siya at tiningnan lang ako.

"Hindi ka natatakot sa akin?" tanong niya. Umupo ako at saka hinila ang pagkain sa aking harapan. Kumuha ako ng karne at patatas bago ibunuhos sa kanin ang sabaw ng adobo.

The Cursed Soul of Art - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon