Chapter 3: Mall

174 5 0
                                    

Saichi's point of view♪

Tinignan ko naman yung damit na binigay niya sakin at isa itong kulay pink na off-shoulder dress at may mga bulaklak na disenyo. *Face palm*.

Too girly.

Labag man sa kaloob looban ko ay nagbihis nalang ako at nang matapos na ay lumabas nako sa kwarto nong lalaking si Yshiro na yun na printeng nakaupo at naghihintay saakin sa sala.

"Okay na ba?"Tanong niya sakin na tinanguan ko lang.

"Wait here. Magbibihis lang ako and here, wear that."Sabi niya sabay abot saakin ng isang sandal na I think nasa mga 3 inches lang ang haba. Walang gana ko nalang itong tinanggap at sinuot habang siya ay direderetsong naglakad papunta sa kanyang kwarto upang magbihis.

Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na din si Hiro sakanyang silid at naglakad na saking gawi kaya tumayo na din ako.

"Saan pala tayo pupunta?"Tanong ko sakaniya habang papalabas kami sa bahay niya at dumeretso kami sa isang... ano to?

"Sa mall tayo---"Naputol ang kanyang sasabihin ng may binato ulit akong tanong sakanya.

"Ano to?"Tanong ko sakanya.

"Uh-- kotse? Hindi ka pa ba nakakita ng kotse? Ano ka alien? Saang planeta ka ba nagmulang babae ka?"Sunod sunod niyang tanong sakin kaya pinag singkitan ko naman siya ng mga mata ko. Malamang sa planetang ito bobo ba siya!?

"Anong tanong yan ha? Tsaka mag tatanong bako kung nakakita nako ng ganyan!? Tanga ka ba!?"Inis kong saad sakaniya sabay turo sa sinasabi niyang kotse raw.

"Aba't nakalimutan mo atang itong sinasagot sagot mo ay yung taong tumulong sayo no?"Sarkastikong sabi niya ngunit inikutan ko lang naman siya ng mata.

"Aish! Sumakay kana nga lang!"Iritadong sabi niya kaya hinanap ko naman kung saan ako sasakay o kung pano bato bubuksan tong kotse niya.

Teka! Ano ba naman to! San bako sasakay eh mukhang wala naman itong pintuan at may salamin din akong nakikita at sa bandang baba nito ay may parang anong tawag dito! Teka... alam ko na! *Grinning*

Tumingin tingin naman ako sa paligid at saktong may malaking bato akong nakita kaya walang pagdadalawang isip kung pinulot ito.

"O-oyy! Oyy! Oy! T-te-ka teka lang naman! Aanhin mo yang bato!?" Kinakabahan at nauutal na tanong sakin ni Hiro. Inosente ko naman siyang tinignan sabay turo sa kanyang itim na kotse.

"Simple lang sisirain ko yang salamin para makapasok ako."Inosente kong sagot sakanya na ikinanganga niya at maya maya lang ay nagsisimula na niya akong sigawan at sermunan.

"Ano bang klaseng utak meron ka!? Ang dali dali lang makapasok sa kotse nato tapos kailangan mo pang sirain ang salamin ng kotse ko! Nag iisip ka ba ha!?"Iritadong sermon niya sakin.

Pambihira.. nakalunok bato ng megaphone?

"Hoy! Nag iisip ako kaya nga naisipan kung sirain yang salamin ng kotse mo!"Kaagad kong sabi pero mukha lalo ko lang ata siyang nainis.

"Arghhhh!! Halika na nga! Inuubos mo pasensya ko!"Inis niyang sambit kaya binitawan ko na yung hawak kong bato at lumapit sakanya. Lumakad naman siya papunta sa kabila ng kotse niya na kaagad ko namang sinundan kasabay ng pagbukas niya sa pinto ng kotse.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon