Saichi's point of view♪
Natapos ang gabi na nagkwekwentuhan lang kami tungkol sa mga karanasan namin sa buhay. Well, except saamin nila Lizz dahil hindi namin kwenento yung saamin at pagkatapos non ay kumakain lang kami habang nag aasaran.
Isa isa na kami ngayong pumasok sa mga tint namin dahil bukas ay mag hahiking na kami. Bali apat lang ang tint namin. Magkatabi kami ngayon ni Lynn. Sa pangalawang tint ay nandoon sina Lizz, Sia, at Ail. Sa pangatlong tint ay magkasama sila Mau at Van at sa pang apat na tint ay magkakasama sila Hiro, Luke at Lex.
Ilang oras na ang nakalipas at mukhang nakatulog na silang lahat at mukhang ako nalang ang hindi makatulog kaya napagdisisyunan kong lumabas muna ng tint namin ni Lynn pero di ko naman inaasahan na pagkabukas ko ng tint ay bumukas din ang tint nila Luke at lumabas dun si Hiro.
"Gising ka pa pala." Sabi ko ng makalabas na ng tuluyan sa tint. Naglakad naman ako papunta sa maliit nailog kung saan ako nakita ni Hiro. Di ko naman inaasahang sinundan pala ako ni Hiro.
"Bakit ka nakasunod?" Tanong ko sakanya at umupo sa isang bato at tumingin sa ilog na bahagya pang kumikinang.
"Baka maligaw ako sa gubat e." Tanging sagot lang niya at umupo din sa isang bato na hindi kalayuan sa kinauupuan ko.
Tahimik lang kaming nakaupo ni Hiro habang pinagmasdan ang maliit na ilog. Walang umiimik at wala ding nagsasalita ni isa saamin. Hanggang sa ilang minuto na ang nakalipas ay nagsalita na din sa wakas si Hiro.
"Sino ka ba talaga Saichi?" Tanong niya sakin habang yung attensyon lang niya ay nasa tubig.
"Importante pa bang malaman mo kung sino ako?" Balik tanong ko sakanya dahilan para makuha ko ng buo yung attensyon niya.
"Bakit? Wala ka bang balak sabihin sakin kung sino at ano ang tunay mong pagkatao?" Balik tanong naman niya sakin na nagpatigil talaga sakin.
Alam niya na bang nakaalala nako? Hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik habang nakatitig lang sa mga mata niya.
"Alam mo bang sa bawat araw na nagpapakita ka sakin ng mga kakaibang gawain ay mas lalong tumindi yung paghihinala ko sayo?" Pagsasalita niya pa sakin. Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya.
"You can doubt about me if you want." I just answered out of nowhere. Napakagat nalang ako sa mga labi ko. "May mga bagay na hindi na dapat malaman baka pagsisihan mo lang sa huli." Misteryosong sabi ko sakaniya. Na ikinakunot naman ng noo niya.
Just like me.. pinipilit alamin kung sino ba talaga ako ngunit nagsisi rin sa huli.
"Nakaalala kana ba?" Tanong niya pa ulit. Mas lalo tuloy dumiin yung pagkagat ko sa mga labi ko.
"No." Tanging nasagot ko sakanya habang hindi tumitingin sakanya.
"Are you sure?" Pagkaklaro niya pa. Tumayo naman agad ako sa kinauupuan ko.
"Malalim na ang gabi. Balik na tayo." Sabi ko sakanya at nagsimula ng maglakad paalis.
Kapag sinabi ko ba sayo ang totoo Hiro would you still look at me the same? Kung magpapakilala ba ako sayo ay matatanggap mo ba kung sino ba talaga ako? I sighed. Hindi nga pala ako magtatagal dito sa mundong ito.
Babalik at babalik parin ako sa mundo namin...
"YAAY! YOHOO! HIKING!" Masiglang sigaw ni Mau. Napailing iling nalang ako dahil sa sobrang hyper niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantastikVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...