Saichi's point of view♪
Natapos na ang laro ni Aileen at tapos nadin ang pagsabit sakanya ng medalya. Ngayon naman ay kasalukuyan kaming naglalakad papalabas ng campus dahil pupunta kami sa cafe na pinagtrabahuan namin ni Lynn.
"Libre mo Ail!?" Nakangiting sabi ni Lex kay Ail. Siya rin ang sumigaw kanina na magpapalibre siya.
She rolled her eyes. "Ano pa nga ba?" Sabi niya at nagsigawan ang lahat. Well, except sakin na ngumiti lang sakanila at kay Hiro, Sia at Lizz na parang walang narinig lang.
Pagkarating namin sa cafe ay nadatnan namin dun sina Bea, Lhoyd, at Kia di pala sila nag excuse? Kung matatanong niyo ay magkaiba sila ng school at magkaklase lang at the same time ay magkakabarkada pero nakakapagtakang hindi sila nag excuse ah.
Umupo naman kami sa pang walong lamesa at yung iba naman na hindi kasya ay pinagdikit nila ang mga lamesa't upuan.
"Guys!" Pagkuha ng attensyon samin ni Lynn. Napalingon naman ako sakanya.
"Next month ay may vacation di ba? Ano kaya kung punta tayong beach?" Nakangiting sabi niya samin.
"Ay wag yang beach! Kumain nalang tayo non!" Tugon naman ni Lex na nakatanggap ng batok mula kay Van.
"Takaw mo talaga!"
"Masakit yun ha!!"
Hindi nalang namin sila pinansin na nagbabangayan na at nagsimula ulit na magplano para sa 1 week na vacation namin.
"Alam ko na! Mag hiking nalang tayo!" Suhesyon naman ni Mau dahilan para isa isa silang magreklamo.
"Ayaw ko! Kapagod!"-Luke
"Sayang lang sa energy ko yan eh!"-Van
"Walang thrill! Pagod lang din naman!"-Ail
"Beach nalang kasi tayo!"-Lynn
"Baliwala lang din ang mga kinain ko kung maghahike lang din naman!"-Lex.
"I'm not in."-Hiro
"Me too."-Lizz/Sia
I let out a sighed. Ano batong mga to anraming reklamo sa buhay.
"Okay lang naman yung suhesyon ni Mau, sasama ako." Pagkampi ko sa suhesyon ni Mau pero nabigla din ng sabay sabay silang magsalita dahil sa sinabi ko.
"Ikaw lang!"
"Okay chill! Why don't we go camping?" Suhesyon ko sakanila dahilan lang na parang may dumaang anghel sa pagitan naming lahat dahil sa sobrang tahimik. Nailang tuloy ako bigla. Tsk.
"Oh..kay.. I mean may alam akong lugar na pwedeng mapag campingan natin, may ilog din kaya pwede natin masali yung suhesyon ni Lynn na mag swimming kaso hindi nga beach kundi ilog." Dahan dahan kong paliwanag sakanila na tahimik lang na nakatingin sakin. Nakakailang -_- "Makakakain din tayo katulad ng gusto mo Lex at may alam din akong parte sa gubat na yun na pwedeng pwede nating e hike katulad ng suhesyon mo Mau." Tugon ko pa at tsaka ngumiti sakanila. "Di ba exciting? We can try that all in one place!" Nakangiti kong sabi sakanila.
Nawalan na ba sila ng bibig at ayaw nilang mag ingay o mag salita man lang?-_- I sighed. I was about to give up my plan for that 1 week vacation ng sunod sunod na silang magsalita.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...