Saichi's point of view♪
"Bilisan mo Che!" Sabi sakin ni Hiro habang hinihila ako. Bakit ba to nag mamadali?
"Ito na nga di ba? tsaka bakit ka ba nagmamadali?" Irita kong tanong dito.
"Kasi nga malayo layo yung byahe natin ngayon kaya bilisan mo yang lakad mo." Sagot niya at binilisan pa yung mga lakad niya kaya napabilis na din yung mga lakad ko dahil hila hila niya yung kamay ko. Pagkarating din namin sa parking lot ay wala na kaming sinayang na oras at pumunta na sa kotse niya.
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay sermon na naman ng sermon tong katabi ko habang nagmamaneho. Kung kasama namin yung mga barkada niya daig pa niya ang sinaniban ng sanlibutang mga anghel sa katahimikan eh.
"Bakit ba kasi ay ngayon mo pa naisipang pumunta sa lugar na yun? Pwede naman natin yun puntahan sa sabado tsaka may klase din tayo bukas at may quiz pa nag iisip ka ba ha? Saichi Aves?" Sermon niya pero inirapan ko lang siya. Alam ko naman yun eh ang sakin lang naman ay gusto kong mawala natong kakaibang nararamdaman ko.
"I know but I just want to confirm something o kaya naman may hahanapin akong bagay na konektado sakin at sa nawala kung mga memorya." Sabi ko sakanya kaya napabuntong hininga nalang siya at hindi na umimik.
Tumingin nalang ako sa labas at padilim na pala. Sana may makita man lang ako.
Ilang oras din ang nakalipas at sa wakas ay nakarating na din kami kaso ang problema ay madilim na ang paligid paniguradong maliligaw din kami.
"Natatandaan mo pa ba yung daan papunta dun sa tagong ilog?" Tanong ko sakanya pagkababa ko sa kotse.
"Naligaw nga lang ako non di ba? Kaya hindi ko masyadong tanda kung saan nga ba yung eksaktong daan." Tugon naman niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Wala naman sigurong masama kong subukan namin di ba? In-on ko na yung flashlight ng cellphone ko at nagsimula ng maglakad papasok sa gubat.
"Lika na." Aya ko sakanya. May pagkalakihan yung gubat kaya hindi namin alam kung saan banda yung tagong ilog na yun. Para ngang hinuhulaan nalang namin ni Hiro yung daan papunta dun eh.
Habang naglalakad kami ni Hiro ay pinakiramdaman ko yung paligid namin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nararamdaman ko na naman yung malakas na aura at magic katulad ng kapag malapit ako kila Nizari, Aileen at Alessia.
"Dito tayo sa kaliwa." Sabi ko at akmang hihilahin na siya ng bigla itong magprotesta sa sinabi ko.
"Hindi pakiramdam ko dito yun sa kanan."-Hiro.
"Dito nga sabi sa kaliwa."-Ako.
"Ako ang naligaw dun kaya pakiramdam ko dito talaga sa kanan."-Hiro.
"Naligaw nga di ba? Kaya hindi mo din yun tanda baka maligaw din tayo."-Ako.
"Dito nga sabi sa kanan yun!"-Hiro.
"Pwede ba!? Dito sabi sa kabila! Hiro makinig ka sakin ngayon dahil may nararamdaman ako dun!" Inis kong sabi sakanya sabay turo sa kaliwa natigilan siya at may pangdududa akong tinignan na para bang hindi kaaya aya. Baliw na bato?
"Witch ka ba ha?" Tanong niya sakin at pinangsingkitan pako ng mga mata kaya sa inis ko ay binigyan ko siya ng isang malakas na kaltok.
"Aray! Ano ba!? Masakit yun ha!"Reklamo niya.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...