Nizari's point of view♪
Habang nasa kalagitnaan na kami ng pag uusap at nagpapalitan ng mga plano ay biglang sumabog ang ibang parte ng opisina ni Z dahilan para dumapa kaming lahat at napaubo ubo dahil sa nalikha nitong mga alikabog.
Bigla naman nasira yung pintuan ng opisina ni Z dahil sa malakas na sipa ng kong sino at pagtingin ko ay akala ko kalaban ngunit si Vinxe lang pala.
"Fin bakit mo sinira!?" Gulat na sabi ni Ail. Mukhang mas nagulat pa siya dahil sa pagkasira ng pintuan hindi sa pagsabog. *Face palm*
"Maraming kalaban ang nakakalat sa kampo. Mayroon rin akong natanggap na mensahe mula kay Ciah na may nanyayari na namamg kaguluhan sa aming bayan at malaking possibilidad na ganon din sa bayan niyo." Sabi niya at walang pakialam sa pinto na sinira niya. Walang pasabi sabi naman siyang tumakbo papalabas muli sa opisina ni Z.
"Kailangan nating maghiwa hiwalay." Tugon naman ni Z habang kumuha ng katana niya at mga throwing knives sabay nilingon si Sia at Harlow. "Harlow and Sia protect each other at hangga't maaari ay huwag kayong pumunta sa maraming mga kalaban at tandaan niyong dalawa don't overuse your power." Seryosong tugon ni Z. "Ail and Niz you're going to the front and stop the enemy to enter our hideout at ako na ang bahala sa ibang mga kalaban." Sabi niya samin ni Ail kaya tumango lang kami at nagsimula na ding tumakbo papalabas ng kampo.
What are you planning to do Aaron?
Nang makalabas na kami ni Ail sa kampo ay bumungad agad saaming ang singkatirbang mga kalaban.
"Ail ako sa kanan at ikaw sa kaliwa." Tugon ko sakaniya at tumakbo na papunta sa bandang kanan. Gumawa naman ako ng void at kumuha ako ng sampong mga paint brush ko and then turn it into a throwing knives... My Killer brushes..
Hinagis ko ito sa sampong mga kalaban na humarang sakin na direderetsong tumama sa dibdib at ulo nila. Tumalon ako mula sa ere at nagpakawala ulit ng mga killer brush ko sabay gumawa ng void ko at pumasok dun bago lumabas sa likuran ng mga kalaban ko at hinihiwa yung mga leeg nila.
Habang nasa kalagitnaan ako ng laban ay may bigla namang pumalakpak dahilan para matigil ako sa ginagawa ko at napalingon lingon sa paligid ko hanggang sa biglang may malakas na enerhiya ang maayos na lumanding sa lupa habang may mapang asar na ngiting ipinukol saakin.
"Magaling! Magaling!" Mapang asar na sabi niya sakin. Hinagisan ko siya ng mga killer brush ko pero nailagan lang niya ang mga yun at yung iba naman ay nasalo niya lang na walang kahirap hirap.
"Ohhh! Mukhang nagmamadali ka ata? Pwede bang magpakilala muna ako?" Tugon niya at ngumisi ng nakakaluko. Sa totoo lang ang panget ng mga ngisi niya mukha siyang unggoy.
"Sorry ampanget mo kasi kaya atat na atat nakong balatan yang pagmumukha mo." Sabi ko sakanya at nilaro laruan yung hawak kong killer brush. Nakita ko ang biglang pag iba ng timpla ng mukha niya ngunit di kalaunan ay ngumiti lang din sakin.
"Ako nga pala si Nina at.. ako nga pala ang nakatalo at nagpabura sa alaala ng isa niyong kaibigan.." Sabi niya at ngumisi. Mukhang proud na proud pa siya. Sumeryoso ako at matalim siyang tinignan. "Sino nga ba yun?? Ahh yung si... Princesa Fin.." Tugon pa niya habang may mapang asar na ngising ipinukol saakin. Damn her. Ngumiti ako sakanya para hindi niya mahalatang naaapektuhan ako sa sinasabi niya.
"Natalo mo nga ba talaga? O may tumulong sayo?" Mapang asar na sabi ko sakanya. Sa totoo lang ay nang aasar lang ako at walang katotohanan ang mga sinasabi ko sakanya ngunit nabigla ako ng maghagis siya sakin ng isang kunai at galit akong tinignan. So may tumulong nga sakanya?
"Kawawa mo naman. Namulat ka sa isang kasinungalingan na ikaw lang ang nakatalo sakanya ngunit may tumulong lang pala." Pang aasar ko pa ngunit nagulat nalang ako sa sunod sunod niyang sinabi sakin.
"Hindi ko alam na nandoon siya sa araw na yun! Ginawa ko ang lahat para matalo siya! Kahit pa na marami na siyang mga sugat nong mga oras na yun! Ngunit hindi ko naman alam nong oras na hinagisan ko siya ng isang kunai ko sa kaliwang dibdib niya ay nanghihina na pala siya dahil may inihagis sakanya ng niddles!" Sunod sunod na sigaw niya habang parang nababaliw na napakapit sa buhok niya.
"Ngunit ang mas ikinagugulat ko sa lahat ay plano niya lang na makuha ko ang attensyon ni Vinxe upang palihim niya itong mahagisan ng niddles at para makakuha ako ng isang tyempo na masugatan siya ng malubha!" Sabi niya pa at parang baliw na tumawa sa harapan ko. Takas mental ata tong nakuhang kakampi ni Aaron eh. Saang mental hospital niya ba to nakuha?
"Ngunit alam mo yung nakakatuwa na parte? Inutusan niya kong burahin ang kanyang alaala't ipadala sa mundo ng mga mortal at umayon nga ang kanyang plano dahil mga tanga kayo't pinuntahan si Vinxe kaya't nakakuha siya ng maayos na plano upang pabagsakin kayo!" Tugon niya pa at tumawa ulit na parang nasisiraan na ng ulo. Kung gayon ay matagal na pala kaming nahulog sa patibong niya kaya't parang mga laruan niya lang kami kong titignan. Talagang mautak ka nga Aaron.
Pinosisyon ko yung sarili ko para sa gagawin kong atake sa takas mental kong kalaban at hinanda yung katawan ko na magpakawala ng maraming kapangyarihan.
"Hoy sirang babae!" Pagkuha ko muli ng kanyang attensyon. "Saang mental hospital ka kinuha ni Aaron?" Tanong ko sakanya at nagpakawala ng maraming circle na pwede kong paglilipatan ng pwesto sa gagawin kong marami raming atake.
"Damn you!" Tila umuusok na yung ilong niyang sumigaw sakin at pinakawalan ako ng maraming mga kunai kaya pumasok agad ako sa circle na ginawa ko at lumilipat lipat sa ginawa kong maraming circle dahilan para mainis siya dahil hindi niya ko magawang matamaan.
Paglalaruan muna kita. Sa huling paglabas ko sa isang pabilog na ginawa ko ay bigla nalang akong nahulog kaya't direderetso akong nahulog sa isang malaking bato dahilan para mauntog yung ulo ko dito at makaramdam ako ng pagkahilo.
Fvck!
"Hindi lang ikaw ang may kapangyarihan Nizari dahil may kapangyarihan rin ako't may kakayahang makabura ng mga memorya at makapagbura ng mga bagay bagay." Pagpapaliwanag niya sakin at tumawa na naman ang gaga na parang baliw. Mukhang kailangan ko ng seryosohin to.
Nahihilo man ay pinilit ko paring tumayo at ramdam ko ang pananakit ng aking katawan at ulo. Damn. Hindi pako nakakarecover sa pagkahilo ko ng sunod sunod niya kong hinagisan ng mga kunai dahilan para makatanggap ako ng maraming mga daplis at sugat. Fvck!
Nang mawala na yung hilong naramdaman ko ay pinalutang ko sa mga ere ang mga killer brushes ko dahil nga sobrang rami akong collection ng paint brush ay hindi ako nauubusan ng mga brushes.
"Ako naman ha." Sabi ko sakanya at sunod sunod siyang hinagisan ng mga killer brushes ko. Nagawa niya namang mailagan yung iba ngunit marami rami pa rin siyang natamong mga daplis at sugat.
Ginamit ko ang pagkakataong yun para gumawa ng isang maliit na void at ipinasok ang kamay ko dun at pagkalabas ulit ng kamay ko ay may hawak gawak na akong katana kasabay ng pagsugod ko papunta sa gawi niya na mabilis niya namang nasangga gamit ang kunai niyang hawak. Patuloy lang kaming nagpapalitan ng atake sa isa't isa at nang akmang sisipain na niya ko ng tumalon ako sa ere and back flip sabay control sa killer brush ko na direderetsong bumaon sa dibdib niya.
"Minsan sa pakikipaglaban gamitan mo rin ng utak." Seryosong sabi ko sakanya kasabay ng pagbaon muli ng dalawa ko pang killer brush sa dibdib niya dahilan para mapabuga siya ng maraming dugo at walang buhay na bumagsak sa lupa. Hindi pako nakuntento at ibinaon ko pa sa ulo niya ang hawak kong katana bago tumalikod na sabay kinontrol ang aking mga nagamit na killer brush at ipinasok sa ginawa kong pabilog na void habang naglakad ako papunta sa kaliwa.
Kailangan kong tulungan si Ail.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasíaVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...