Yshiro's point of view♪
Habang isinugod ng mga nurse si Saichi papuntang operation room ay nag alala akong sumunod sakanila.
"Hanggang diyan ka nalang po Sir." Pagpigil sakin ng isang nurse kaya walang nagawa akong umupo sa upuan. Napasabunot naman ako sa buhok ko habang nakatingin sa damit kong may mga dugo na din ni Saichi.
Damn! Kasalanan ko to! Kung sana sinagot ko agad yung tawag at kung sana hindi ko muna kinausap si Veron kanina sana nakaabot pako at baka sakaling mailigtas ko si Saichi! Damn!
Habang hinihintay kong makalabas yung doctor ay hindi ko mapigilang mapasuntok sa pader dahil sa katangahang ginawa ko. Ilang oras pa yung hinintay ko at lumabas na din sa wakas yung doctor na nag oopera kay Saichi.
"Doc kamusta po yung pasyente?" Nag alalang tanong ko.
"Stable na ang lagay ng pasyente at kailangan lang nito ng isang matinding pahinga dahil narin sa raming dugo na nawala sakanya and by now ililipat na siya sa private room." Sabi sakin ng Doctor kaya kahit papano ay nabawasan din yung kaba ko.
---
Nandito nako ngayon sa kwarto kung saan inilipat si Saichi kaya napaupo ako sa tabi niya at napatitig sa mukha niyang mapayapang natutulog. Narealize ko naman na wala nga pala akong dalang mga damit at gamit kaya kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Lex.
"Damn! Kung sino ka mang lalaki kang distorbo sa tulog ko ay e untog mo nalang yang ulo mo kung hindi ka makatulog! Distorbo ka sa panaginip ko!" Sunod sunod na rant ni Lex sakin.
"Hey, It's me Kill." Pagsasalita ko at napatigil naman sya sa kakarant.
"Damn men! 12 am na for god sake! Maganda pa naman yung panaginip ko tapos ginising mo ko! Tsk! Halik na naging bato pa! Distorbo ka Kill!" Sermon niya sakin dahilan para mapaface palm ako. Ayan na naman yung panaginip niyang puro kahalayan.
"Cut the crap. I'm here at the hospital." Sabi ko sakanya.
"Oh? Ano naman kung nandyan ka sa hospital? Matulog ka nalang--- WHAT THE HELL!!!??? BAKIT KA NANDYAN!? ANONG NANYARI SAYO!??" Halos mailayo ko na yung cellphone ko dahil sa malakas at nakakabinging sigaw niya. Nakalunok bato ng megaphone!? Anlakas makasigaw eh!
"Damn you! Bibingiin mo ba ko ha!? Tsaka hindi ako yung na hospital si Saichi." Sabi ko sakanya.
"Hindi naman pala ikaw eh si gand----- WHAT THE FVCK MEN!!??" Gulantang niyang sigaw kaya nailayo ko na naman yung cellphone ko sa tenga ko. Damn this megaphone man. Sasapakin ko talaga tong lalaking to pag nagkita kami.
"Can you please stop shouting!? I called you because I want you to do me a favor." Saad ko pa.
"Anong nanyari kay ganda? Tsaka anong pabor ba yan?" Tanong niya sakin and yes! Ganda yung tawag niya kay Saichi. *Face palm*
"Kumuha ka naman sa bahay ko ng mga damit at tsaka mga gamit hindi ko kasi pwedeng iwanan si Chechi at tsaka wag mong kalimutang e lock yung pinto ng bahay ko pagkatapos. Kung hindi malalagot ka sakin." Sabi ko sakanya.
"Damn men! Ang haba haba ng sinabi mo ngayon lumelevel up kana pare! Nakakamangha yang mga sinasabi mo kaso may banta talaga eh no?" Sabi niya pa sakin.
"Just go can you?" Inis kong sabi sakanya sabay patay ng tawag.
Napatingin na naman ako kay Saichi. Sino kayang gumawa nito sayo? Wala ka na ngang maalala may banta pa yung buhay mo, seriously? May balat ka ba sa pwet? Napabuntong hininga nalang ako. Habang tumatagal na kasama kita ay mas lalo akong naguguluhan at nagtataka at napapaisip kung sino ka nga ba talaga Che.. Ano nga ba ang totoo mong pangalan? Ano nga ba ang totoo mong buhay? Sino ka nga ba talaga Che?
Napamulat ako ng mata ko ng biglang may bumatok sakin nakatulog pala ako at sino bayang storbong bumatok sakin!? Pagtingin ko ay bumungad sakin ang apat na pares na mga matang nakatingin sakin at nakapajama pa talaga silang apat habang may bitbit na mga gamit at pagkain tsaka prutas.
"Bakit nandito kayong tatlo? Si Lex lang naman yung inutusan ko." Sabi ko sakanilang tatlo sabay turo kay Lex na nanlilisik yung mga matang tumingin sakin.
"Kung hindi ka pa ba naman sira ay sana hindi mo to tinawagan tong gsgong to! Pati kami na storbo! sana naman si Luke nalang yung inutusan mo!" Sermon sakin ni Maureen.
"Bakit naman? At tsaka bakit ganyan ka makatingin Lex?"Tanong ko.
"Eh kasi po! Nang dahil sa mokong nato ay isa isa kaming tinawagan at sinabihan ba naman kaming emergency at may mamatay! Sinong hindi matataranta dun!? Tapos pagpunta namin dito wala naman pala at ayos lang naman pala si Sai!" Galit na paliwanag ni Maureen sakin kaya masama ko agad tinignan si Lex na ngayon ay nakaiwas na ng tingin habang nagwiwhistle. Kahit talaga tong lalaking to! Parang kulang sa buwan!
"Ano bang nanyari sakanya Kill?" Tanong naman sakin ni Van sabay turo kay Saichi.
"Hindi ko alam basta pagkauwi niya ng bahay ay may saksak siya sa tiyan at duguan kaya kaagad ko siyang isinugod sa hospital." Paliwanag ko.
"Naalala na ba niya yung mga nawala niyang memories?" Tanong naman sakin ni Luke and yes they all knew that Saichi lose her memories at tinulungan ko lang siya at pinatuloy pansamantala sa bahay ko hanggang sa mabalik niya yung mga nawala niyang memories.
"Hindi pa." Sagot ko.
"Ang ganda mo talaga Sai! Nasaksak kana lahat lahat at nakahiga kana sa kama ang amo at ang ganda mo parin! Kakaiba ka talaga!" Napatingin kaming lahat sa biglang nagsalitang si Lexus habang nakatitig sa mga mukha ni Saichi. Seryoso na kami dito at siya lang ata yung may ibang mundo.
Walang pag alinlangang sabay sabay namin siyang binatukan kaya napadaing siya sa sakit.
"Aray ha!? Para san yun!?" Bulyaw niya samin pero hindi namin siya pinansin dahilan para mapanguso siya.
"Hindi bagay sayo. Mukha kang aso." Pang aasar ni Van kay Lex.
"Sa tingin niyo.. sino ba talaga tong si Sai? Yung kulay ng balat niyang kakaiba para bang balat pang princesa, yung orihinal na kulay niyang buhok... Yung pagka misteryoso niyang paglitaw na walang malay sa ilog na yun.. kahit isa ba hindi kayo nagtataka sa katauhan niya?" Pagsasalita ni Maureen at isa isa kaming tinignan ng seryoso niyang mga mata.
Dahil sa mga sinasabi ni Maureen ay nabuhay yung unti unting pagdududa ko sa katauhan ni Saichi. Yung pag-iiba ng kulay ng mga mata niya, yung biglaang pag ilaw nong kwentas na suot niya, yung bigla bigla siyang sumisigaw o may sinasabi habang nasa kalagitnaan na kami sa pagtulog at yung misteryoso niyang paglitaw sa tagong parteng ilog na yun... ano nga ba ang katauhan mo Saichi?
Sino ka ba talaga?
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasiaVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...