Aileen point of view♪
Sobrang marami nakong natamong mga sugat at sadyang marami talaga ang mga kalaban ko at hindi ko to kakayaning mag isa lalong lalo ng hindi ako sanay sa short distance na labanan. Mula sa di kalayuan ay natanaw ko si Lizzy na naglalakad na papunta sa gawi ko at kagaya ko ay may mga sugat na rin siyang natamo.
"Need a help?" Nakangising sabi niya sakin at nagpaulan ng kanyang mga killer brushes.
Nagpaulan naman ako ng mga arrows ko at di kalaunan ay napatigil rin ng mahagip ng mga mata ko ang biglaang pag ilaw sa bandang opisina ni Z. Si Ate... Biglang kumalabog yung puso ko sa sobrang kaba at takot.
"Lizzy! Kailangan kong puntahan si Ate!" Natatarantang sabi ko sakanya.
"Go." Tanging tugon lang niya habang nakikipaglaban kaya wala nakong sinayang na oras pa at tumakbo nako papasok ng kampo at mabilis na tumakbo papunta sa opisina ni Z.
Pagkarating ko dun ay akmang matatamaan na sana si Sia ng isang throwing knives na gawa sa dugo ay buti nalang ay madali ko itong nacontrol sabay tumakbo papunta sa gawi ng kapatid ko at tinulungan siyang makatayo. Napansin kong nawala si Harlow.
"Nasaan si Harlow?" Tanong ko sakanya.
"Nandito ako!" Sigaw ni Harlow at kinaway kaway yung isa niyang kamay sakin habang yung isa naman niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang bakal. Mabilis na tumakbo si Sia kay Harlow at tinulungan siya.
"My.. my.. nagkita muli tayo Aileen." Nakangising sabi ni Aaron sakin.
"Bakit mo to ginagawa Aaron?" Seryosong tanong ko sakanya.
"Walang pinagbago.. katulad ka parin noon hindi mo parin ako tinatawag na Kuya." Sabi pa niya dahilan para mapakuyom ako ng kamao.
"Bakit ko naman tatawagin ng Kuya ang isang taong may kagagawan ng lahat ng gulong ito?" Tugon ko sakaniya dahilan para makatanggap ako mula sakanya ng isang matalim na tingin.
"Kayo ang dahilan kung bakit tayo humantong sa ganito!" Nanggagalaiting pangang sigaw niya sakin.
"Hindi tayo hahantong sa ganitong setwasyon kung naging open ka sa mga paliwanag namin!" Galit kong sigaw sakanya. Kumuha siya ng isang kunai sabay sinugatan ang kanyang sarili dahilan para maging alerto ako.
Delikado para sakin kong matatamaan ako sa gagawin niyang atake isang maling galaw ko lang paniguradong paglalaho ang kinahihinatnan ko. Napatingin ako sa kapatid ko na nag alala akong tinignan kaya nginitian ko nalang siya upang ipahayag sakanya na magiging okay lang ako. Ayokong maglaho sa harapan ng kapatid ko.
Nawala na ang kanyang ama at naglaho ito sa harapan niya kaya't hangga't maaari ay pipilitin kong huwag maglaho. Malapit na ang kanyang kaarawan at kailangan kong ibigay sakaniya ang aking kwentas na nais ko sanang ibigay sakaniya. Sa mismong kaarawan niya. Nangako rin akong hinding hindi ako maglalaho sa harapan niya.
Nagpakawala siya ng maraming mga niddles na gawa sa dugo niya kaya't maaari at kaya ko pang pigilan ang iba at kontrolin. Kinokontrol ko ito at yung iba naman ay iniilagan ko.
"Nakalimutan mo atang maaari kong kontrolin ang iba't ibang bagay na mga likido." Nakangisi kong sabi sakanya ngunit parang baliwala lang sakanya ang aking sinabi at ngumisi.
"Ngunit mas mautak ako sayo Aileen." Tugon niya na nagpagulo sa isipan ko. Naalerto na naman ako ng gumagawa na siya ng mga kunai at hinahagis ito papunta sa gawi ko.
"Water barrier." Bulong ko at may malaking bilog agad ang bumalot saakin. Itinapat ko yung kamay ko papunta sa gawi nila Sia at Harlow at unti unti na silang binabalot ng tubig kong kapangyarihan.
Alam kong matatalo pa rin ako ni Aaron ngunit gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang pantayan siya at... magawa kong maprotektahan ka.
Ate...
"Heikas estai." Tugon ko at nagpakawala ng mga tubig at unti unting naging matutulis na patalim bago ko ito pinakawalan at bumulusok ito papunta sa gawi ni Aaron na ngayon ay nagawa niyang mailagan ngunit may kaunti din naman siyang mga galos na natamo.
Nakakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo siguro dahil na din ito sa mga natamo kong mga sugat kani kanina lang.
"Ail! Ail! Alisin mo tong ibinalot mo saamin!" Nag alalang sigaw ni Sia sakin habang hinahampas yung ginawa kong water barrier na pabilog na bumabalot sakanila.
"Hindi maaari Sia! Sa ganitong paraan hayaan mong mailigtas kita!" Saad ko sakanya dahilan para matigilan siya at may luhang tumulo sakanyang mga mata. Hindi ko na nailigtas si Ate Lina nong araw na iyon kaya't hayaan mong mailigtas kita Ate...
Alam ko sa sarili kong binabalot parin ako ng sobrang pagsisisi sa nanyari noon. Ngunit, sa ganitong setwasyon man lang ay magawa ko ng mailigtas ang sarili kong kapatid.
"Huh! Nagawa mong mailigtas yang kapatid mo ngunit si Lina ay hindi mo magawang mailigtas sa araw na yun!" Galit na galit na sigaw ni Aaron saakin. Napakuyom ako ng kamao ko.
"Pinagsisisihan ko iyon dahil hindi ko nailigtas si Ate Lina noon at pinagdudusahan ko na yon! Kaya't ngayon ay hindi ko na hahayaan na may manyaring masama sa Ate ko o may mawala na naman sakin na pinakaimportanteng tao sa buhay ko!" Nanlilisik ang mga mata kong sigaw sakanya.
"Bakit? Importante din naman si Lina sayo hindi ba!? Ngunit bakit hindi mo siya nailigtas Ail!?" Galit na sigaw niya saakin dahilan para tumulo na yung mga luha sa mga mata ko.
"Walang kasalanan ang bunso kong kapatid! At kahit kailan walang ni isa saamin ang may kasalanan sa pagkawala ng kasintahan mo! Walang may gusto sa nangyaring iyon Aaron!" Umiiyak na sigaw ni Ate Sia kay Aaron.
"Pinabayaa---"
"Bakit ba hindi mo naiintindihan ang setwasyon namin na yun!? Nagsakripesyo si Lina Aaron! Kaya't walang may kasalanan ni Isa saamin! At alam mo bang ang huli niya lang sinabi saamin ay bantayan ka namin at sinabi niya saming mahal na mahal ka niya!" Sigaw na naman ulit ni Ate Sia kay Aaron dahilan para matigilan ito dahil sa sinabi ng aking kapatid.
"Kaya't itigil muna tong kabaliwaan mo Aaron! Wala kana sa matinong pag iisip! Intindihin mo naman ang mga paliwanag nila!" Galit ding sigaw ni Harlow habang namumula na ang mga mata mukhang pinipigilan niya lang umiyak. Ngunit nagulat ako ng may biglang bumulusok papunta sa gawi ko ang isang kunai at huli na ng mailagan ko iyon at direderetso itong bumaon sa tiyan ko.
"AILLLLLLLL!!!!"
Napabuga ako ng dugo dahil sa hindi ko inaasahang pag atake saakin ni Aaron at unti unti namang naglaho yung ginawa kong isang bola na nagproprotekta kila Harlow at Ate Sia. Tumawa naman si Aaron na mukhang nasisiraan na ng bait ng makita niya kong nahihirapan na bumagsak sa sahig.
He tricked me... He tricked us..
Naramdaman ko na pinahiga ni Ate Sia yung ulo ko sa mga hita niya sakin.
"Anong pakiramdam ang mawalan ng mahal sa buhay Sia?" Nakangising sabi ni Aaron sa kapatid ko. Naramdaman kong unti unting tumulo yung mga luha ko.
Hindi! Hindi ako pwedeng mamatay! Hindi sa harapan ng kapatid ko!
"Damn you Aaron! Damn you!" Galit na galit na sigaw ni Ate. Akmang susugod na sana si Harlow ng may isang kamay ang pumigil sakanya at pagtingin ko ay si Vinxe.
Napangiti ako dahil sa pagdating niya kahit na may tumutulong mga luha mula sa mga mata ko.
Ngunit Makakasigurado na akong magiging ligtas ang kapatid ko.
"Ail..." Tawag saakin ni Ate Sia ngunit nginitian ko lang siya. Mahal na mahal kita Ate...
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasiaVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...