Chapter 35: All about them

28 0 0
                                    

Nizari's point of view♪

Tahimik lang akong napaupo sa sofa. Mukhang malaking epekto din ito kay Vinxe lalong lalo na yung huling araw na engkwentro nila ni Ron. Sino ba namang hindi masasaktan sa engkwentro na yun e parang kwenekwesyon na nito ang pagiging dugong bughaw nito? Sino ba naman ang hindi maaapektuhan dun? Anak si Vinxe sa nakakataasang reyna at hari sa mundo ng Astriliana kaya nong bata palang siya ay pasan na niya ang lahat lahat at mabibigat na mga responsibilidad niya bilang anak at princesa ng dugong bughaw.

Naalala ko pa tuloy kung paano kaming apat nagkatagpo at kung paano kami naging parte sa organisasyon na ito.

Bata palang kami non mga bandang nasa 14 years old palang kami at ako naman ay nasa gubat non ng may makita akong tatlong nagtatakbuhan na princesa na mukhang may tinakasan at yun ay si Vinxe, Ail, at Sia. Tahimik lang akong nagpepinta at akala ko'y hindi nila ako mapapansin dahil mga princesa sila at may dugong bughaw at ako naman ay isang ordinaryong bata lang. Isang ordinaryong mamamayan lang.

FLASHBACK

"Bata anong ginagawa mo dito sa gubat?"Tanong sakin ng isang batang nakasuot ng kulay asul na dress habang may suot din na kulay asul na tiara.

"Mag bigay ka ng galang sa nakakatanda mo Aileen."Sita naman ng isang batang nakasuot ng kulay green na dress at may suot ding kulay green na tiara. Napanguso naman ang batang si Aileen.

"Nagpepinta ho ako mahal na princesa."Magalang na sagot ko sakanya.

"Huwag muna kaming tawagin na mahal na princesa."Tugon naman niya sakin na ikinabigla ko naman.

"Ako si Aileen at ito naman si Alessia at Ito naman si Vinxe."Pagpapakilala niya sabay turo sakanyang kasama at sa isang batang kanina pa tahimik. Nagulat naman ako ng makilala ko siya. Napaayos naman ako ng tayo at nagbigay galang sakanya ngunit nong magtagpo ang aming mga mata ay may bahid ng lungkot akong nakita kasabay ng malungkot din niya akong nginitian.

"Paumanhin ngunit gusto ko sanang ako'y tratuhin mo lang ng isang normal na mamamayan dahil gusto ko ring maranasan ang tratuhin ng normal at hindi bilang pagiging anak ko ng nakakataas na reyna at hari sa mundong ito."Malungkot niyang sabi sakin. Nalungkot naman ako bigla dahil sakanyang sagot saakin. Mukhang may dinadala nga siyang malaki at mabigat na problema't mga responsibilidad.

"Maging kami rin sana."Tugon naman ni Sia na nakangiti na sakin.

Dahil sa naging tagpo namin sa gubat ay parati na silang tumatakas at pumupunta sa gubat na iyon at maging ako ay pumupunta na rin doon habang may dalang mga pagkain at tela upang may mauupuan kaming apat dahil rin doon ay naging malapit na kaming apat sa isa't isa. Hanggang sa isang araw nang kami ay naghahabulan sa gubat ay may biglang lumapit saaming isang babae.

"Mga bata anong ginagawa niyo dito sa gubat na ito?"Tanong niya saamin.

"Sino po kayo?"Inosente at walang kamuwang muwang na tanong ni Ail sa babae.

"Ako ay si Zelda isang Alchemy Witch o isang trainor."Nakangiting pakilala niya saamin. "At ikinagagalak kong makita sa ganitong setwasyon ang tatlong mga dalagitang may dugong bughaw."Tugon naman niya.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon