07:34 a.m
Amelia:
What the heck, anong problema nitong si Tristan?
Is he seriously hitting on me?
Hindi ba matali 'to ni Bianca para hindi maulol sa iba?
Spring:
Alam mo namang ulol 'yan.
Amelia:
The standard of men is so low.
Spring:
Ipabugbog mo sa staffs mo kapag hinawakan ka, hindi ko na rin matancha ang ugali niyan.
Kailan ka pala uuwi sa bahay?
Tapos na shooting niyo para sa commercial ng Full Soul Entertainment?
Yung fashion show mo, okay na ba?
Amelia:
Ang dami mong tanong.
Spring:
✌️
Amelia:
Babalik na ako bukas, tapos na ang schedule ko for this week.
Spring:
Oo nga pala. Nakita ko 'yung sketch mo rito sa kwarto natin. Ang ganda.
Amelia:
How could you say so?
Hindi ka naman professional para i-evaluate ang mga gawa ko.
Spring:
Kasi ramdam ko.
Alam ko kasing ginawa mo ang best mo, sa tuwing nag-i-sketch ka nakikita ko kung gaano mo kagusto ang ginagawa mo.
Amelia:
Itapon mo na 'yan.
Spring:
Ano?
Amelia:
Wala namang kwenta 'yan. They rejected it, anyways.
It's just a trash.
Throw it.
Spring:
Lia, alam mo bang proud ako sa'yo?
Kung hindi mo alam paulit-ulit kong sasabihin sa'yo hanggang sa mabingi ka.
Seen
YOU ARE READING
Destroying Spring
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikatlong Serye) Pagkasira sa mismong pagsibol.