06:16 p.m
Bianca:
Tara bistro.
Spring:
Ang tagal mong hindi nag-chat 😕
Bianca:
Clingy ka ba? Rumaket lang ako.
Alam mo 'yung Full Soul Entertainment? Kinuha akong model.
Maganda kasi ang pinsan mo, pagmalaki mo ako.
Spring:
Talaga?!
Bakit ngayon mo lang sinabi?!
Bianca:
Ngayon ko lang naalala, eh.
Tara na sa bistro.
Spring:
Saang banda ka?
Kasama mo ba siya?
Bianca:
Ikaw ba nasaan ka ba?
Hindi ko kasama si Tristan, binigyan niya naman ako ng distansya kahit papaano.
Nasaan ka nga?
Spring:
Nandito ako sa Bloom Garden 'yung bagong garden shop na pinatayo ni Don Eldama ang dami nilang bulaklak at halaman.
Bianca:
Malamang kaya nga garden, eh.
Spring:
Mas marami!
Inaya nga ako ni Don Eldama na magtanim, eh pinapakuha niya rin ako ng mga tanim niya ng libre.
Ang sabi niya kasi 'yung apo niya walang pakialam sa mga halaman kaya mas maganda kung ibibigay niya na lang sa mga may alam mag-alaga.
Bianca:
Sunduin na ba kita riyan? O diretso ka na rito sa Bistro.
Mag-stay ba muna tayo ng ilang minutes diyan?
Spring:
Maraming tao riyan sa bistro 'diba?
Bianca:
Malamang.
Spring, hindi rin masamang lumabas sa comfort zone mo.
Kasama mo naman ako.
Huwag kang matakot.
Hahayaan ko bang may mangyaring masama sa'yo?
06:30 p.m
Spring:
Papunta na ako.
YOU ARE READING
Destroying Spring
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikatlong Serye) Pagkasira sa mismong pagsibol.