38

23 1 3
                                    

08:03 p.m

Gael:

Uwi ka na raw sabi ng tatay mo.

08:10 p.m

Umuwi ka na.

08:15 p.m

Pinapauwi ka na.

08:17 p.m

Umuwi ka na ngayon na.

Spring:

Ano, haha.

Gael:

Nasaan ka ba?

Spring:

Bistro, nandito sila Zestro kasama ko naman si Bianca pinsan ko.

Kasama ko silang kumain.

Ang daldal nila, haha paano mo 'to natatagalan?

Gael:

Sanayan lang 'yan.

Uwi.

Spring:

Mamaya pa ako uuwi, hehe mangungutang akong pamasahe.

Gael:

Nadukutan ka ba?

Spring:

Hindi, ah!

Wala akong pamasahe, naubos ko pinangbili ko ng pagkain.

Ang dami kasing si-nuggest ni Zestro sa menu, ang dami niyang daldal maski kumakanta rito sa bistro kilala niya.

Mamaya pa raw ako umuwi, huwag ka raw KJ.

Gael:

Bakit siya ba ang gagabihin?

Ang kukulit niyo.

Diyan ka lang.

Mag-ba-bike ako papunta riyan.

Spring:

Susunduin mo ako?

Gael:

Asa ka.

Bibigwasan ko lang si Zestro napipikon na ako sa kanya.

Destroying Spring Where stories live. Discover now