🥀
"Why do you hate yourself?"
Ganitong tanong na naman. Paulit-ulit na lang, hirap na hirap siyang lagpasan 'yon at balewalain.
Sa tuwing nakikita niya ‘yung ganoong tanong ang daming pumapasok sa isipan niya. Isang tanong lang pero sandamakmak na sagot na ang naiisip niya, masakit tanggapin pero kung titignan din naman niya totoo naman talaga.
May mga araw na nakakaramdam pa rin siya ng inggit, pagkasura sa sarili na napunta sa pangmamaliit sa kung sino siya at kung ano ba ‘yung mga kaya niya pang gawin.
Nakakasawang maramdaman ang ganoon kaya kahit papaano sinusubukan niyang bitawan at burahin. . . lahat ‘yung mga salitang nakakasakit sa kanya at alam niyang hindi naman na makakatulong sa kanya.
Ang hirap lang naman talaga kasi sa kanya dinadamdam niya lahat. Masyado siyang naaapektuhan sa lahat ng bagay kaya ‘yung mga mahahalagang dapat mas alalahanin hindi niya napagtutuunan ng pansin. Masyado siyang distracted sa mga bagay at taong hindi makakabuti sa kanya.
Napatingin siya sa litrato niya at ng tatay niya na nakalagay sa study table. Ano kayang sasabihin nito kapag ganitong ang dami na naman niyang inaalala at iniisip isa dahilan kung bakit parati siyang nakakaramdam ng lungkot kahit ayos naman ang lahat.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo."
Ginusot niya ang papel na sinulatan niya ng, “why do you hate yourself?” bago tignan si Amelia na nakatingin na sa ginagawa niya.
“What if I say that I loathed myself very much? Hindi lang basta hate, anong masasabi mo?” biglang tanong ng pinsan niya.
Kumunot ang noo niya. “Bakit? Bakit mo nararamdaman ‘yon samantalang kamahal-mahal kang tao?”
Napangiti ito at bumuntong hininga. “Did you hear that from yourself? Ganyan din lagi ang tanong ko sa tuwing nararamdaman kong ayaw mo sa sarili mo, alam mo rin ba ang nararamdaman ko. . . namin ni Bianca? Nasasaktan din kami sa tuwing ang baba ng tingin mo sa sarili mo.”
Umupo ito sa kama nito parehas na silang nakasuot ng pajamas pero wala pa rin si Bianca siguradong nasa bar na naman kasama ng mga kaibigan nito.
“Spring why are you looking at yourself at that way? When in fact I really adore your traits and especially who you really are.”
Napatikom siya ng bibig at nahihiyang ngumiti. “Hindi ko lang din mapigilan minsan. . . pumasok na sa utak ko, eh galing pa mismo sa nanay ko.”
Rumehistro ang sakit sa mukha ni Amelia nang marinig iyon. “I hope we can erase that negative thoughts Spring, alam kong mahirap kalimutan kasi danas ko rin pero sana sabay na natin makalimutan lahat ng mga salitang nakakasakit sa atin lalo na at hindi naman totoo.”
Napatingin si Amelia sa litrato nila ng tatay niya. “Hindi rin magugustuhan ni tito kapag ganyan ang tingin mo sa sarili mo.”
“Lia 'yung rosas na regalo sa ‘kin ni tatay hindi niyo ba talaga tinago?” tanong niya nang maalala ang huling regalo ng tatay niya sa kanya.
Umiling ito na ikinabagsak ng magkabila niyang balikat. “Tinapon ni tita lahat nung wala na si tito at nung umalis ka. I’m sorry hindi ko na nagawang itago at alagaan man lang.”
“Ayos lang na-miss ko lang talaga si tatay iyon kasi ‘yung pinakahuling regalong natanggap ko sa kanya. Rosas,” kwento niya.
Parehas silang nanahimik nang magbitaw ulit ng tanong si Lia. "Kumusta kayo ni Gael?"
Sila? Ni Gael?
Wala naman.
"I observed that you're putting a distance between you and Gael," pansin nito. "Natatakot ka?"
YOU ARE READING
Destroying Spring
רומנטיקהEpistolaryo: Pana-panahon (Ikatlong Serye) Pagkasira sa mismong pagsibol.