55

10 1 4
                                    

08:40 p.m

Gael:

Nasaan ka?

Hinahanap ka na ng tatay mo.

Spring:

Wow, mabuti at naisipan mong mag-reply 'no?

Sermon ang bungad mo samantalang ilang araw kang wala sa campus ni hindi mo man lang magawang mag-message.

Ano?

Gael:

Huwag kang mag-alala hindi ko naman binasag ang mukha ng mokong na 'yon.

Nakakakain pa naman siya ng maayos.

Spring:

Ikaw ang kinukumusta ko.

08:50 p.m

Gael:

Ah.

Akala ko siya.

Pero nasaan ka ba? Anong ginagawa mo?

Spring:

May kailangan lang akong hanapin, may alam ka bang bilihan ng tela?

Gael:

Wala akong alam.

Ang alam ko lang hinahanap ka na ng tatay mo.

Kung sadyang wala kang pake sa mararamdaman ng magulang mo pwede bang ikaw ang magsabi kung bakit ka ganyan?

Kanina pa siya naghihintay dito sa labas ng university.

Nag-aalala na siya sa'yo. Mag-a alas-nuebe na wala ka pa rin.

Spring:

Si tatay? Pwede pauwiin mo na siya? Pakisabi may ginagawa pa ako, akala ko naman sinabi na ni Amelia.

Wala akong load para i-text si tatay.

Gael:

Kahit hindi mo obligasyon sinasalo mo.

Umuwi ka na ngayon na.

Spring:

Ayaw ko.

Gael:

Sisirain ko ang mga bulaklak at halamang itinanim mo sa campus.

Spring:

Huwag mong gagalawin 'yan! Napaka-mo!

Subukan mo talaga at ikaw ang bubunutin ko ng wala sa oras.

Gael:

Ayaw ko ng pinaghihintay.

Uwi.

Destroying Spring Where stories live. Discover now