76

18 1 11
                                    

Topher:

Sino ka para sabihin 'yan sa 'kin?

Tumaas ata ang tingin mo sa sarili mo dahil lang inaaya kitang lumabas?

Spring:

Hindi ka ba marunong tumanggap ng katotohanan Topher?

Topher:

Ikaw Spring, nakikita mo ba sarili mo sa salamin? Ang lakas mong mang-insulto.

Spring:

Anong insulto roon?

Na huwag ka ng lumapit sa pinsan ko kung bibigyan mo lang siya ng sakit sa ulo?

Insulto na sa 'yo 'yon?

Topher:

Hindi ako makapaniwalang sa itsura mong 'yan nasasagot mo ako ng ganyan.

Spring:

Bakit? Ano bang itsura ko Topher?

Topher:

Gusto mong malaman?

Alam mo bang hindi ka palaayos kaya nakakasawa kang tignan.

Ano ganyan ka lang talaga?

Loshang ka na nga nagawa mo pang mag-inarte.

Wala ka pa ngang asawa mukha ka nang may sampung anak.

Maganda ka dati, anong nangyari ngayon?

Nakakahiya kang kasama pinagtatawanan ako ng mga tropa ko nung lumabas tayo alam mo ba kung anong sinasabi nila? Nagdala ako ng yaya ko.

Mukha kang yaya sa suot mo noon, at saka sa tingin mo ba ka-level mo ang mga pinsan mong puro modelo? Bakit ikaw? Ano na ba ang narating mo?

Nagsusulat ka lang naman. Iyon lang habol sa 'yo ng mga tao, mga salita at sinusulat mong puro kasinungalingan.

Ayun lang habol nila sa 'yo hindi ka naman kasi nila magugustuhan alam mo kung bakit wala ka namang dating kahit matagal kang tignan.

Spring:

Ganyan pala ang tingin mo sa 'kin.

Topher:

Bakit ano ba sa tingin mo?

Katulad ako ng mga lalakeng nasa libro na lagi mong binabasa at isinusulat?

Pare-parehas lang kaming mga gago, Aurora.

Spring:

Alam kong gago ka Topher, pero huwag mong itulad sa 'yo ang lahat.

Topher:

The confidence you got there, nadikit ka lang sa 'kin alam mo nang sumagot.

Ayan ba natutuhan mo kay Gael?

Spring:

Alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong kagaya mo.

Topher:

Bakit?

Nasaktan ka ba sa nakita mo kanina?

Oo, ako nga 'yung may kahalikan sa club. Ano magagalit ka?

Hindi pa tayo Spring ipapaalala ko lang.

Spring:

Hindi ako galit disappointed ako, at wala akong balak nang palalimin 'yon lalo na at nakikita ko kung anong ugaling mayroon ka talaga.

Topher:

Coming from you? Mahiya ka naman.

Mabuti nga at napagtitiisan kitang i-date.

Pustahan lang 'yung paglapit ko sa 'yo nung college ako, masyado mo namang dinamdam. Hindi naman ikaw ang gusto ko simula palang, eh 'yung pinsan mong si Amelia.

Eh kaso anong nangyari?

Napunta ka sa 'kin.

Napunta sa 'kin 'yung tira-tira.

Spring:

Wala kang sense kausap.

Destroying Spring Where stories live. Discover now