🌹
"Ibinigay sa 'yo ni Gael?" tanong ng tatay niyang pinanliitan pa siya ng mata nang makita ang cake na dineliver nila Milkiero at Zestro.
"Bumait siya Tay 'no?"
Hindi niya rin naman kasi ini-expect na bibilhan siya nito ng cake lalo na at hindi niya naman sinabi rito kung kailan ang birthday niya.
"Sa 'yo lang siguro siya mabait," natatawang sagot nito. "Nanliligaw ba siya sa 'yo?"
Nagsalubong tuloy ang kilay niya. "Tay naman? Kaibigan ko siya."
"Hindi rin natin masasabi malay mo. . ." pasimpleng panunukso pa nito sa kanya sabay tingin sa cake na nasa lamesa. "Kung manliligaw man siya kailangan ko siyang makilala pa para alam ko kung dapat kitang ipagkatiwala sa kanya."
Natatawa siyang napailing. "Kayo lang naman po ang nag-iisip niyan."
Kinuha niya ang cellphone niya at i-mi-ny-day ang litratong kinuhanan mismo ng tatay niya.
Ganoon na lang pagngiti niya nang lumabas sa news feed niya ang status ni Gael na kaka-post lang din.
Gael Modalez posted a status
Welcome?
Like Comment Share
Zestrone: anong welcome? Sino ka ba?
sigurado kang ikaw 'yon, Gael?
Milkiero: g na nga 'diba edi siya, haha huwag mo nang sirain trip niya.
Zestrone: G, baka ang sabi ni Tagsibol Thank you, G (thank you, God)
Yakzisoba: Full Slot na talaga sa langit wala ka nang lugar doon Zestro.
Ratotheva: Bakit lahat na lang dinadamay mo? Animal ka, Zestro.
Zestrone: lah, parang ang tino niyo?
@Gael Modalez, welcome welcome ka riyan mamaya 'di pala ikaw, inangkin mo pa tawag niya kay Lord gahsgsihsjs
Spring Aurora Olivar: Thank you, Gael.
Gael Modalez: Oh, ano ka ngayon? @Zestrone.
Binuo niya na ang pangalan nito, para hindi naman mapahiya sa mga kasama nito sa swimming club na laging tinatakbuhan ng binata.
Napatingin siya sa labas nang may marinig na ingay. "Tay?"
Kaagad siyang naglakad papunta sa tunog nang biglang bumungad sa kanya ang isang paso na mayroong tanim ng tangkay ng Rosas.
YOU ARE READING
Destroying Spring
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikatlong Serye) Pagkasira sa mismong pagsibol.