g.modalez
Mababadtrip sana ako kasi ang daming dapat gawin pati mga pending works nung isang makapal ang mukha riyan @zestrone baka
naman 'no gamitin mo 'yang computer mo bago ikaw mahampas ko. Pasalamat ka kada umaga
may magandang bumubungad sa 'kin.Tinamad na akong ma-badtrip : )
Liked by neonlights and 30 others
zestrone: luh?! aq lang nasita, si Conrad nga nagawa pang mag-accept ng panibagong part time kahit na pile up na rin kanya!
milkie_ro: huwag ka na rumason @zestrone, magpasalamat ka na lang kay Tagsibol 😇 kasi kung wala siya malamang tustado ka ngayon.
rengarcia: Inspired sa work, 🥳 'yung feeling na may hacienda ka na nga kayod na kayod ka pa rin. I'm proud of you, Gael laki-laki mo na.
yakzisoba: Bakit nung kami bumungad sa 'yo puro mura natanggap namin? Ang unfair mo naman.
ratotheva: Kapag kami bumungad sa 'yo masama kaagad araw mo. Ganyan ka, eh @g.modalez, masyado ka. Napakasama ng ugali mo.
g.modalez: Kung makareklamo sino ba kasi kayo?
zestrone: mayabang na siya kasi nakakalamang na!
Shame on you parang 'di ka frustrated at aligaga noon kasi na-me-mental block ka umamin kung hindi pa ako umepal hanggang ngayon torpe ka bai!
sinusumbat ko 'to oo!
g.modalez: Manahimik ka @zestrone dami mo na namang dinadaldal.
Salamat na nga, eh. Ayos na?
zestrone: may takot ka pala, eh 😏 kailangan ka pang sumbatan
g.modalez: Araw-araw talaga sinusubok mo pasensya ko, Zestro 🙂
YOU ARE READING
Destroying Spring
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikatlong Serye) Pagkasira sa mismong pagsibol.