GOODBYE

88 27 2
                                    

Samantala sa loob ng Receiving hall.
Makikita sa isang sulok si Zian na nakasandal sa pader.

Nararamdaman ni Zian na unti unti na nanghihina at namamanhid ang kanyang katawan ngunit patuloy parin niya sinisikap na wag siya bumagsak mula sa pagkakasandal.

Habang isa namang panauhin ang dumating sa Receiving hall at ang mga yabag nito ay maririnig sa bawat sulok ng pasilyo.

Tumigil lang maingay na yabag ng makalapit na ang panauhin sa kinatatayuan ni  Zian.

"Well, well, well.. How are you Mr. Vale?
..

Masarap ba sa pakiramdam ang lason na nagmumula sa dagger na pagmamayari mo?" wika ng panauhin

Napatingin naman si Zian 

"Y-you...?" nanghihinang tanong ni Zian

" Surprise! Nagulat ka ba? Dad?... " nakangising wika ng bagong panauhin

"Ba-bakit?.."

"Bakit?  Ha ha ha.. Tinatanong mo ko dad kung bakit?...

Simple lang naman dad.... Dahil wala kang kwenta!

Wala kang kwentaaa! Dad!!

Argggghh!" sigaw ng panauhin habang  binabato ang mga bagay na mahawakan niya

Tumigil lang ang panauhin sa pagwawala nang mapagod ito.

At kahit hinihingal nakuha pa nitong ngumisi ngunit napalitan din ang kanyang expression ng pag kaseryoso.

" Dad... Hindi sana magiging ganito ang lahat...

Kung sana lang nakikita mo agad ang kahalagahan nang ginagawa ko..

Kung sana lang binigyan pansin mo ang mga paghihirap ko..

Pero hindi eh! Dad!.. lagi kong binibigay ang best ko pero ni minsan.. ni minsan hindi mo ko ipinagmalaki!

Pero yung tatanga tanga kong kapatid.. Ang boba kong kapatid na hindi nakikita ang pagmamahal na binibigay mo sa  kanya.

Dad! Bakit siya pa? Bakit si akira pa?
Bakit?!

Bakit hindi ako?! Bakit laging si akira?!

Andito lang naman ako! Pero ni minsan hindi mo ko binigyan ng halaga!..

Akala mo ba walang nakakaalam kung pano mo protektahan si Akira sa lahat ng bagay?! ..

Katulad nang dapat siya yung ipapadala sa underground... Sa masalimuot na lugar na yun!! pero sa halip mas pinili  mo.. na ako ang mapunta dun ..!!

Ako yung nag durusa! Samantala si akira?! Nagbubuhay prinsesa sa kanyang lungga..

What the heck father!!...

Did you ever loved me as your daughter?.

Did you ever loved me!! HA?! SUMAGOT KA! "

Sa sobrang galit na nararamdaman ng panauhin..

Lumapit ito hinawakan si Zian sa leeg

"S-sofia" nanghihinang wika ni Zian

"SHUT UP!! Haha you think na makukuha mo pa ako sa mga sweet words mo? Dad I'm not a child anymore!!

I'm not a three years old girl na makikinig sayo!!

Magpaalam ka na ngaun dad Dahil..

Ipapadala na kita sa impyerno!" pahayag ni sofia

Dahil sa mahigpit na pagkasakal ni Sofia kasama pa ang lason na nasa kanyang katawan..binawian agad si Zian ng buhay.

Bigla naman nabitawan ni Sofia ang leeg ni Zian nang bumalik siya sa kanyang pagiisip.

Samantala ang katawan ni Zian ay tuluyan nang bumagsak sa sahig..

"Da-Dad.." nauutal na sambit ni Sofia

Napatingin pa si sofia sa kanyang nanginginig na mga kamay.

At unti-unti siya na paluhod sa tabi ng bangkay ni Zian 

Hinawakan ni Sofia ang malamig na mukha ni Zian

"Da-daddy? Dad?" naiiyak niyang sambit

Ngunit mga ilang sandali ay napalitan ang naluluha expression ni sofia ng tuwa..

"HA HA HA HA... You're already dead!! You're so weak! HA HA HA HA

Sa wakas.. Dad... Wala ka na haha"

A HEIRESS PRIDEWhere stories live. Discover now