A.H.P 38

54 5 0
                                    

Jhena glanced at her watch.

'Nako naman! Ilan minuto nalang!' Jhena said in shock in her mind and at the same time knocked softly on the door of Hilda's cell.

"Ahmm.. L-lady So-sofia? Ka-kaylangan na nating umalis.." she said hesitantly ..

And finally the cell door opened and from inside the cell, Lady sofia came out with a woman, whose hair color was red.

"Ahmm, hilda.. She is Jhena.. And Jhena.. Siya nga pala si Hilda" pagpapakilala ni Sofia sa dalawa.

"Hi" wika ni Hilda na may nahihiyang ngiti sa labi

Tumango naman si Jhena bilang tugon.

JHENA P.O.V

Kita ko sa mga mata nila ang kaba, takot, saya at pagkabahala.

Hindi ko alam pero.. Dapat sila mag pasalamat kay Lady akira..

And once again. Huminga ako ng malalim at tumalikod

"let's go" bulong na anyaya ko sa kanila.

Katulad kanina nung pumasok ako sa Prison.

Kini-clear ko muna ang dadaanan namin.

Hanggang sa nakarating kami sa pinaka entrance at exit ng Prison.

Ngunit sa kasamaan palad. Gising na ang bantay.

"Pano na to? Anong gagawin natin?" tanong sakin ni Lady Sofia.

Mababakas sa mata niya ang kaba at takot.

" Baka nakatadhana talagang mamatay tayo.. " sabat ni hilda.

Napatingin kami sa kanyang ng masama.

'kayo lang, hindi ako kasama' pagtutol ko sa aking isip.

Pilit naman na ngumiti samin si hilda

"B-biro lang" wika pa niya..

Habang nag aalala sila. Naalala ko naman na hindi ko pa pala nagagamit ang chemical na pang patulog na binigay ni Lady akira.

Mula sa aking bulsa kinuha ko ang isang capsule at tiningnan iyon.

At bumalik sa aking ala-ala ang sinabi ni Lady akira

_______ Flashback ____

"Jhena, naglalaman ang capsule na ito nang chemical na pampatulog. Kung sakaling kaylanganin mo. Ibabato mo lang ang capsule at siguraduhin mong mababasag Pero tandaan mo na bago mo ito ibato, kaylangan may takip ang inyong ilong at bibig. Dahil ang usok na mag mumula sa capsule ay hindi niyo maaring malanghap.. Kung hindi kayo ang makakatulog.. "

_______  End Flashback ______

Gaya nang utos at paalala ni Lady akira. Pinagtakip ko ng ilong at bibig sina Sofia at pati ang sariling kong ilong at bibig ay tinakpan ko.

Pagkatapos, binato ko ang capsule sa pader na malapit sa Guard

Nabasag naman iyon at sa isang iglap nakatulog ang guard.

Pagkatulog ng guard. Agad kaming kumilos palabas ng Prison.

THIRD PERSON P.O.V

Sa loob naman ng kotse. Naiinip na napatingin si akira sa kanyang orasan.

'Jhena, nasan na ba kayo?' tanong ni akira sa kanyang isip at sabay tumingin sa entrance at exit ng prison.

Lumipas ang minuto at wala pa rin sina Jhena.

'Hindi ito maari' bulong ni akira at walang pagdadalawang isip na tinanggal ang safety belt ng driver seat na nakalagay sa kanyang katawan.

Ngunit bago pa siya makalabas ng sasakyan.

Nakita na niya ang anino ni Jhena na palabas sa prison.

Nakahinga naman ng maluwag si akira at mabilis binalik ang safety belt sa kanyang katawan.

___

Nang makalabas naman sina Jhena sa Prison dumeretso sila sa itim na kotse na nakaparada sa tagong lugar at nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan.

©BN

A HEIRESS PRIDEWhere stories live. Discover now