AKEMI

63 16 0
                                    

"Ladyyy akira! Ladyy akira" sigaw ni Jhena habang papasok sa Fifth Courtyard.

Habang makikita naman sa living room ng fifth Courtyard, si akira sa na nakaupo sa single royal sofa at may binabasang libro.

"Ladyy akiraa!" huling tawag ni Jhena na sinagot naman ni akira ng "Why?"

Nang hindi inaalis ang mga mata sa hawak na libro .

At Kahit hingal na hingal, mas minabuti ni Jhena na sabihin agad kay akira ang dapat nitong malaman.

"Lady akira! Hindi ka maniniwala..
May nasagap akong balita mula sa main Courtyard!"

"Tell me, is it good news or bad news?" tanong ni akira sa normal na boses na tinugon naman agad ni Jhena.

"S-si La-lady Sofia, Si lady Sofia Hinatulan siya nang korte ng kamatayan"

Napatigil naman sa pag babasa si akira dahil sa narinig.

"Jhena! , sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Kung hindi ka sigurado.. Wag ka magkalat ng balitang walang katotohanan" seryosong pa-ngaral ni akira kay Jhena na sinagot naman ni Jhena ng pabulong at nakayuko.

"L-lady akira, totoo po ang sinasabi ko.. Kay Lady akemi pa nanggaling yung balita.."

Ikinagulat naman ito ni akira. Sa pagkabigla natanong ni akira ang sarili.

'Akemi? Ang dalagang mahiyaan na kasama lagi ni Serafina?'

Dahil sa pag iisip, hindi na malayan ni akira ang pagbabago ng kanyang aura.

Ngunit dahil sa pag babago ng aura niya. Nakaramdam ng kaba si Jhena.

'God.. Please wag nyo po gawin dragon si Lady akira.. Ayoko pang masunog' panalangin pa ni Jhena sa kanyang isip

Makalipas ang ilan minutong katahimikan.

Buntong hiningang isinara ni akira ang hawak na libro at inilapag sa coffe table na nasa kanyang harapan.

"Kung ganun, Jhena pinag uutos ko na tawagin mo sina Jessie at Jenea.
Pagkatapos, pumunta kayo sa 2nd courtyard"

Biglang napatingin naman si Jhena kay akira at alanganing nag salita

"La-Lady a-akira"

Ramdam at dinig na dinig ni Jhena ang pagbilis ng tibok ng kanyang sariling puso.

Kunot noo naman napatingin si akira kay Jhena at tinawag ito.

"Jhena?"

Nagbalik naman agad ang diwa ni Jhena sa ginawang pagtawag ni akira. At nagulat ito nang makita na kunot noong nakatitig sa kanya ang kanilang Lady akira.

"La-lady, a-akira, Ma-masusunod po Lady akira!"

Sa pagkataranta mabilis na sumagot si Jhena.

At nagmamadaling nilisan ang Fifth Courtyard.

Pagkaalis ni Jhena. Unti unting kumuyom ang kamao ni Akira

Ang kanyang mga tingin, naging malamig at nakakakilabot.

'Oras na para ilagay ko sa aking kamay ang batas'

Mula sa pagkakaupo, tumayo si akira at naglakad palabas ng Fifth Courtyard

-----Time Skip------

Eria/Mrs. Vale P.O.V

"Nagawa ko na ang gusto mo! Ano pa bang kaylangan mo sakin!" sigaw ko

Nandito ako ngaun sa aking silid. Nakaupo sa upuan kung saan nakagapos ang aking katawan at mga kamay.

"Ha ha ha, do you think. sapat na yun? No! Eria! Hindi sapat yun! hanggat hindi ako ang pinuno ng Vale Empire! Hindi magiging sapat yun!"

Nakangisi niyang sigaw sakin habang nakaupo sa kama namin ni Zian at may hawak na baso na nag lalaman ng alak.

Naikuyom ko nalang ang aking kamao kasabay ang pag igting ng aking panga dahil sa galit.

"Akemi! Napakasama mo!! Wag ka ng umasa! Hindi papayag ang council na mapupunta sayo ang trono! At ka-ackkk"

ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko, sinakal ako ni mina.

"Bitaw-Aaackkk"

Hindi ko akalain na ang taong pulubi na pinakain ko, binihisan ko at binigyan ng trabaho ay magiging isang ahas na banta sa buhay ko.

Nakita ko naman ang pagngisi ni Akemi habang pinipilit ko habulin ang aking hininga.

"Eria, Eria. wala akong pakealam sa Council. Alam mo kung bakit?

Ohh.. Guess what?!

HAHAHA Alright I tell you!"

Hadya ko pa nahabol ang aking hininga, nang sinenyasan ni akemi si mina na tanggalin ang pagkakahawak sa aking leeg.

"WALANG HIYA KA MINA! PINALAMON KITA! BINIGYAN NG PAMUMUHAY! PERO ANONG GINANTI MO!"

At mula sa pagkakaupo, tumayo si Akemi at lumapit sakin.

"Shhhhh!" sabi ni akemi habang naka silent sign.

Umikot siya papunta sa aking likod. Naramdaman ko ang kanyang pagyuko at pagbulong sa aking kanang tenga.

Namutla naman ako sa aking nalaman.

"HINDI TOTOO YAN! HINDI!!" pagwawala ko.

'Eria.. Kalma nag sisinungaling lang yan.. Sinusubukan kalang ni akemi..' pagpapakalma nang isang bahagi ng aking utak.

Nang kumalma ako, naramdaman ko sa aking likod ang dahan dahang pagtuwid ng tayo ni Akemi mula sa pagkakayuko kasabay ng paglagay nang kanyang kaliwang kamay sa aking kaliwang balikat.

Dahilan para maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang balat sa aking batok .

"Pero ayun ang katotohanan Auntie Eria.." nakangisi niyang wika

Gumalaw ang kanyang mga daliri sa kamay na nasa aking kaliwang balikat.

Na nag paramdaman sakin ng kaba at takot.

Hanggang sa hinawakan niya ako sa leeg at binaon niya ang kanyang mga kuko sa daliri.

Ngunit labis ang aking pagkabigla nang hindi sakit kundi pagkamanhid ang aking naramdaman.

Para akong pinaparalisa. At pini-freeze ang aking mga kalamnan.

"A-Anong gi-ginawa m-mo sa-sakin?!"

"Don't wory Auntie Eria.. Hindi ka mamamatay.. Pinatahimik lang kita"

A HEIRESS PRIDEWhere stories live. Discover now