MINA

73 18 2
                                    

Hindi nakalagpas sa paningin ni Akira ang pagalis ni Serafina sa Receiving hall. Lalo na ang di kaaya-ayang expression na mababakas sa mukha ng dalaga.

Ipinagtaka ito ng labis ni akira. Ngunit sa huli ipinagsa-walang bahala nalang niya dahil kahit gaano pa kagaspang ang ugali ng dalaga. Naniniwala siya na hinding hindi magagawa ni Serafina ang ganun bagay sa sarili nilang ama.

Hanggang isang pangyayari ang nangyari na ikinagulat ng lahat. Isang sugatan na katulong ang pumasok sa Receiving hall na nagwawala..

"Tulong! Tulungan niyo ako!  Alam ko kung sino ang pumatay kay Master Vale!"

Dahil sa sinabi ng katulong nabuhayan ng loob si Eria. Mabilis niyang pinutahan ang katulong at nagtanong

"M-Mina! To-totoo ba ang iyong sinasabi?.. Totoo ba na alam mo kung sino pumatay sa aking asawa!? Sumagot ka! Sabihin mo kung sino ang pumatay kay Zian!"

Ang mga luha ni Eria ay patuloy na umaagos habang nakahawak ng mahigpit sa damit na suot ng katulong na si mina.

"SABIHIN MO! Parang awa mo na.."

Nang makita ni Sofia ang pangyayari. Hindi na niya maiwasan pa na mag salita..

"Mina! Sabihin mo na kung sinong pumatay sa aking ama!"

Dahan dahan naman itinaas ni mina ang kanyang kanang hintuturo at itinuro ang salarin.

"Siya! Si Sofia ang pumatay kay Master Zian!"

Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni mina habang si sofia naman ay natulala at natuod sa kanyang kinakatayuan.

"Hindi.. Hindi totoo yan! Bawiin mo ang iyong sinabi Mina! Hindi mamamatay tao si Sofia!"

"Magalit man kayo sakin Madam pero yun ang totoo.." nakatungong sagot ni mina

Bumaling si Eria kay Sofia at naluluhang nag tanong

"To-totoo ba So-Sofia.. anak?"

"Hi-Hindi in-"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Sofia ay nagsalita na si Mina

"Sinungaling! Nakita kita! Pumasok ka sa Receiving hall nung gabing yun! At may ebedensya ako na ikaw ang pumatay kay Master Zian!"..

Nang marinig ng mga inspector ang mga sinabi ni mina ay Pinuntahan agad nila ito.

"I'm Inspector Isagani from Crime Inspection team of Alpha Cooperative.. Sumama ka samin" pagpapakilala ni Isagani

Nang makita ni Mina si Isagani bigla siya natulala at sinadyang matumba sa harapan ng binata sa pag sasakaling saluhin siya gamit ang mga bisig nito.

Hindi naman mapapagkaila na magandang lalaki si Isagani sapagkat sa matikas palang nitong pangangatawan, walang sino mang babae ang makakahindi dito.

"Miss? Ayus ka lang ba?" tanong ng taong sumalo kay mina.

Nang makita ni mina kung sino ang nakayapos sa kanya. Mabilis siya umayos sa pagkakatayo na ikanangiwi niya dahil sa pagkirot ng mga sugat na nasa kanyang katawan.

"Inspector Hector.." pagpapakilala ng sumalo kay mina.

Matandang binata si Hector ngunit may anak ito na bunga sa kanyang kasupilan noong kabataan niya.

Ang pagpapakilalang ginawa ni Hector ay hindi pinasin ni Mina dahil ang kanyang mga mata ay tanging nakatuon kay Isagani.

Matapos mabigo sa unang beses. Hindi parin tumigil si mina.

Lumapit siya kay Isagini at Umaarte ng nakakaawa.

"Tulungan mo ko parang awa mo na Inspector Isagani.. Sasaktan ako ni Sofia dahil nag salita ako!" umiiyak na pahayag ni Mina

"Wag ka matakot, Wala mangyayari sayong masama. Magiging ligtas ka" Isagani said in Casual Tone.

Sa sinabi ni Isagani nagdiwang ang kalooban ni Mina.

"Maraming salamat! Maraming salamat!" pagpapasalamat ni mina habang todo yapos kay Isagani

"Hector, patawag ka ng medic at Service"

"Nagawa ko na isagani, mga ilang oras lang nandito na yun"

A HEIRESS PRIDEWhere stories live. Discover now