FURIOUS MISS

115 41 3
                                    

"Oh? So you're so old that you become deaf? Did you not hear what i said? " mahinahon na tanong ni akira kay Mrs. Vale.

Kung hindi dahil sa suot nito na umaangkop sa mga suot ng matatanda ay wala siyang pakialam at hindi siya mananatili para makinig sa kalokohan ng babaeng nasa harap niya.

Wika nga 'RESPECT YOUR ELDERS'

"UNGRATEFUL BRATTT!"

'Naisip niya lang na tawagin itong matanda.. And She even dared talk loud?'

'Hindi niya ba alam ang salitang 'SALAMAT?'

Mrs. Vale looked at akira who had her mighty look. Makikita kay akira ang nakakatakot na aura at otoridad na nagbabanta na wag na wag mo subukan suwayin ang inuutos nito. At mga tingin nito na papawisan ka dahil sa kaba.

Hindi expect ni Mrs. Vale na may ganitong personality si akira. Nasanay siya sa pagiging masunurin nito at walang imik.

"Ungrateful Brat? Ha ha ang hilig mo rin magbiro noh?

Hoy! Matandang Babae! Para sabihin ko sayo! Sa ating dalawa! ikaw ang ungrateful, alam mo ba yun? "

Hindi sumagot si Mrs. Vale kaya mula sa pagkakaupo tumayo at lumapit si akira

"Hindi? Tsk?! Hindi na ako nagtataka kung di mo alam?!  "

Nakangising wika ni akira na nag pagalit kay Eria (Mrs. Vale)

Nakapukaw naman sa atensyon ni Mrs. Vale, sina tricia at ang iba pang katulong na palihim tinatakpan ang mga sugat na tinamo nila mula kay akira .

Bumalik sa isip ni Mrs. Vale ang pagtawag sa kanya ni akira na matandang babae at ang mga sinabi nito.

Namuo ang matinding galit sa loob niya na nag bigay sa kanya ng lakas ng loob na mag utos nang hindi manlang inisip ang mga maaring kahinatnan.

"lahat kayo gulpihin nyo ang mayabang na yan! Pagkatapos dalhin ninyo sa Underground Jail!! Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang ng babaeng yan! "

The servants that Mrs. Vale personally choose were all loyal to the Vale family. Once they heard the command. Hindi na nila iniintay ulitin pa ng kanilang amo ang inuutos nito at ginagawa na nila agad.

Kaya nang marinig ng mga katulong ang sinabi ni Mrs. Vale. They immediately obey her order.

Kahit natatakot at masakit pa ang mga pasa na tinamo nila mula sa pagsuntok at pagsipa ni akira, hinarap nila ito ng buong tapang habang hawak ng bawat isa ang kani-kanilang kamao.

Akira smiled coldly. Na nagpalamig sa paligid. Kahit mukhang nakakatakot ang mga ito sa mata ni akira, hindi parin sila maaring maihantulad kahit sa isang kuting. Siguro, sa isang peste maari pa.

'Hindi na rin siguro kaylangan pang pag planuhan nila ang pagpaparusa sakin dahil sa mga itsura nila.. Tsk.. They might not be able to kill insect'

'Kung hindi dahil sa katotohanan na takot at mahina ang orihinal na may ari ng katawang ito.. Magtataka talaga ako kung paano namatay ang orihinal na akira'

Habang iniisip ni akira kung paano namatay sa mga kamay ng mga pesteng nasa harap niya ang totoong akira. Bigla niya naramdaman ang pagliyab ng apoy sa kanyang dibdib.

Dahil siguro galit parin siya sa nangyayari sa kanya. Lalo na nung bigla siya na gising sa hindi kanyang katawan. Bukod pa dun nakisabay pa ang mga peste na nasa harapan niya na walang ibang alam kundi ang guluhin siya.

Kung hindi niya tuturuan ng leksyon ang mga ito. For sure na hindi siya makakatulog dahil paulit ulit niya kakaawaan ang kanyang sarili.

At sa isang kisap mata lahat ng tauhan ni Mrs. Vale ay nakahandusay na sa sahig at hindi na makatayo.

Hindi pa nakontento si akira at ibinalibag pa niya ang kanyang inupuan sa pwesto ng mga nakahandusay na katulong.

"AHHHHHH!!"

©BN

A HEIRESS PRIDEWhere stories live. Discover now