BAD AKIRA

107 39 1
                                    

Ang paghagis ni akira ng upuan ay bumigla sa lahat. Sa pagkabigla ng mga ito hindi na nila nagawang umiwas pa sa mga nagtatalsikan na pira-pirasong kahoy na nabiyak mula sa upuan.

Isa na dito ang head mead na si Tricia. Nasugatan ng isang pirasong kahoy ang kanyang mukha. Sa laki ng sugat umagos ang sariwang dugo mula dito.

Napansin ng mga kasamahang katulong ang nangyari kay Tricia. Sa dami ng dugo lumalabas sa sugat.

natakot ang mga ito at nahimatay.

At the same time, nasaksihan ni Mrs. Vale ang pangyayari.

Nais man niyang tumakas ngunit huli na ang lahat dahil napansin na siya ni akira.

Nakatingin sa kanya ng malamig si akira na napapalibutan ng nakakatakot na aura.

"No! Diyan ka lang!.. Wag mong susubukan-Stop!! Wag kang lumapit sakin!!" sigaw ni Mrs. Vale kay akira na puno ng takot.

Ngunit hindi tumigil si akira sa paglapit at makalapit na ito sa pwesto ni Mrs. Vale, tumigil ito.

Makikita sa mukha ni Mrs. Vale ang takot at pangamba sa maaring gawin ni akira.

"Wag aki! Maawa ka sakin! Teka... sabi mo sakin gusto mo ko maging mama.. diba? Payag na ako! Basta wag mo lang akong saktan!" pagmamakaawa ni Mrs. Vale kay akira at hinawakan niya ang mga kamay ni akira ng mahigpit..

"Kung dati..Oo.. Gusto ko.. Pero ngaun? Ha.Ha.Ha matapos ang lahat ng ginawa mo? Do you think gugustuhin ko pa?" nakangising wika ni akira..

"Hindi... Ano bang gusto mo? Sabihin mo sakin ibibigay ko! Kahit ano.. Wag mo lang akong saktan!"

"Kahit ano? Sigurado ka? Pano kung gusto ko ang buhay mo? Papayag ka ba? Woahh HAHAHA yo-your face Hahaha.. nagbibiro lang ako.. Pero may tatlo akong hiling..gusto mo ba malaman? O baka.. Ang dapat na tanong ang ay kung Kaya.mo.bang.tuparin?"

"O-Oo n-naman!" desperadang sagot ni Mrs. Vale

Inalis ni akira ang pagkakahawak ni Mrs. Vale sa kanyang kamay

"That's Good! Simple lang.. naman... ang aking unang hiling.. At sempre na sayo parin ang desisyon kung... tutuparin mo o hindi? Well you know it's - ."

"it's ok! Kaya kong tuparin! Kahit ano akira!.. Sabihin mo lang!"

"Ohh? Sige, dahil mapilit ka...Well, Gusto ko lang naman... ang 2nd courtyard.. Ma.i.bi.bi.gay mo ba?"

"You! -"

Nagbago ang expression ng mukha ni akira

"Hindi mo kaya?"

"Hi-Hindi sa ganun akira... Alam mo naman na silid iyon ng iyong kapatid! silid yun ni Sofia.. Aki-"

"So, hindi mo nga kaya? Edi kung ganun bakit mo pa sinabi na kahit ano kaya mong tuparin? well kung di mo naman pala kaya... Bakit pa kita bubuhayin - .."

"No! W-wait! Sa iyo na ang 2nd courtyard! Please.! Wag mo ko saktan!"

"Ok.. Madali rin naman akong kausap.. Kung ganun... It's deal!

Papalagpasin ko ang ginawa mo ngaun.. pero wala nang susunod pa..

Tandaan mo yan!" wika ni akira at tumango tango naman si Eria bilang sagot

Hahakbang na sana si akira palabas sa silid ng Third Courtyard, Nang may maalala siya na naging dahilan para mapatigil si Eria sa paghinga

"Wait, Siguro naman alam mo na ang gagawin mo tungkol sa nangyari dito..Old lady?" tanong ni akira kay Eria na may ngiti sa mga labi..

Itataas palang ni Eria ang hintuturo niya sa kanyang kaliwang kamay para ituro ngunit nagsalita na ulet si akira

"Gusto mo ba ituro ko pa?" seryosong tanong ni akira

Nang makita ni Eria na nag iba ang aura ni akira ay ibinaba niya agad ang kanyang kaliwang kamay at dali-daling sumagot

"N-No! Sa-sasabihin ko na pi-pinarusahan ko lang sila...You can rest as sure na hindi ka madadamay!"

Tumango naman si akira

"Alright.." at pinagpatuloy na ni akira ang kanyang paghakbang..

Habang si Eria naman

'Y-You! Just wait akira.. Sisiguraduhin kong di mo na magagawang ngumiti..'

Padabog na inayus ni Mrs. Vale ang kanyang damit na suot at napansin niya ang mga nakangiwing katulong..

"OH! Ano pang iniintay nyo dyan? Tumayo na kayo! At lumayas dito! MGA WALANG KWENTA!!"

©BN

A HEIRESS PRIDEWhere stories live. Discover now