[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]
—Mia
To make sure na hindi ako nananaginip ay kinurot ko ang sarili ko, na agad ko rin namang pinagsisihan dahil ang sakit nun.
Nanginginig ang tuhod na bumaba ako sa kama, saglit pa akong natulala sa kamay ko dahil ang liit nun. Kamay kasi ng isang bata...
Sa pagkakaalala ko, hindi na ako bata, eh. Kaka-graduate ko lang sa college.
Parang natatakot ako tumingin sa salamin, inabala ko muna ang sarili sa pagtingin sa paligid. Hindi ito ang kuwarto kung saan ako lumaki, single bed din ang kama. Minsan kasi nagigising na lang ako na katabi ko na si Sia, kakambal ko siya. Identical kami, at dahil kamukhang-kamukha namin si Mama Celeste ay lagi kami napagkakamalan na magkakapatid kapag lumalabas kami. Bata pa kasi si Mama nung ipinagbuntis niya kami. It wasn't planned, usually sa mga teenager na nabubuntis ay pinapalaglag anak nila o kaya naman ipapaalaga sa iba. Hindi ganun si Mama, kahit pagod na pagod na siya ay hindi pa rin siya nawawalan ng time para sa amin. She's my bestfriend, sila ni Sia.
“Huh?” Agad kong sinara ang bibig gawa nang napanganga nga ako sa gulat nang makita ko mukha ko. I know this face! Pero, hindi siya sa akin. How is this possible?
What happened? Pilit kong inaalala ano huling nangyari. Bigla na lang bumaluktot ang katawan ko nang makaramdam ng matinding sakit sa likod na gumapang sa buong katawan ko, parang may sasakyan na bumangga sa akin...oh?
Lumitaw ang realization sa mukha ko. Hindi lang parang, dahil totoong nabangga ako, ng truck. Ha. Classic na pagkamatay ng isang main character sa anime tapos napapadpad sila sa ibang mundo. Ganun ba ang nangyari sa akin? Mapakla akong natawa. I should be happy kasi natupad na yung matagal kong hinihiling, e. Pero, hindi ako puwedeng matuwa knowing na namatay ako. Paano na si Mama? Si Sia? How can I be happy habang yung pamilya ko nagluluksa?
Bumalik ako sa kama at umupo sa paanan nun. Hindi ko alam ang gagawin. Sino ba naman kasing mag-aakala na yung childish wish kong iyon ay magkakatotoo? Mamuhay bilang witch sa susunod kong buhay... Ang imposible nito ‘di ba? Pero, heto na nga nararanasan ko na. Hindi ko rin inaasahan na mamamatay ako ng ganun na lang kaaga. Ang bata ko pa kaya. Hinahanda pa lang kami ni Mama sa pagtulong sa Luna's Cafe. Barista ako tapos si Sia yung pâtissier. Mas gusto kasi nun magtrabaho sa kitchen kaysa humarap sa maraming tao. Paminsan-minsan tinutulungan ko rin siya.
“Hermione, bum—what's wrong? Masama ba napanaginipan mo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko nagawang sumagot dahil lalong tumulo ang luha ko pagkarinig sa tinawag sa akin ni Mommy. Mommy? It came out naturally, so, ako nga talaga si Hermione? It means I didn't just stole her body, right? That's a relief. Ayaw ko maging body snatcher. In fact, puwede bang bumalik kina Mama? After ko sabihin ito ay bigla namang sumakit ulo ko, ang dami kasing lumilitaw na memories sa isip ko. My first walk as Hermione, first word. Yung happiness sa mukha ni Mommy, after ko siya tawaging Mama. Basically, nakita ko childhood ko. Same sa movie, wala akong nakaclose na kaibigan just like Sia. Mas gusto ko pa magbasa kaysa makipaglaro sa ibang bata.
Ito na agad una kong problema, dahil hindi naman ako ganun. And, hindi ko rin gusto na nagsisinungaling kaya kahit imposible sinabi ko kay Mommy ang tungkol sa una kong buhay. She looks sceptical, hindi ko naman siya masisisi kasi kahit ako may doubts pa rin. Hindi ko sa kaniya siyempre kinuwento lahat nang mangyayari sa pagpasok ko sa Hogwarts. Wala naman ako balak itago sa kaniya iyon so, if ever na mararanasan ko nangyari sa bawat year na naranasan ng Hermione sa timeline ko ay ikukwento ko pa rin iyon kay Mommy. Since unlike sa movie, mas adventurous si Mommy.
Ngayong nasabi ko nga ito saka ko lang na-realize na wala ako gaano alam sa parents ni Hermione sa movie. Yung alam ko kasi sa parents niya ay yung mga nabasa ko lang sa fanfiction. Kaya parang malaking relief para sa akin na malaman na outgoing din si Mommy. Dati kasi siyang nagserve sa army kaya alam niya paano gumamit ng baril at espada. Balak niya nga raw ako turuan. Siyempre, umagree agad ako. Pinag-aral din naman kami ni Mama Celeste ng self-defense noon kaya hindi talaga ako tututol since para sa akin din naman ito.
BINABASA MO ANG
Demigod Hermione
FanfictionHighschool si Mia nang mapanood niya ang Harry Potter, fan na fan siya no'n tipong ayaw niya ito pakawalan kahit pa matagal ng tapos ang series. Marami siyang nabasa na fanfiction, noong una puro time travel hanggang sa mag-iba 'yon dahil nakita niy...