[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]
—Susan
Sa loob ng library, nakaupo kami nina Harry, Hannah, Nev, at Mia sa iisang table. Sa aming lima, si Mia lang yung nagbabasa.
For sure, hindi lang ako ang panaka-nakang sumusulyap kay Mia. At mukhang hindi na nga siya nakapagtimpi. Malalim pa muna siyang huminga bago kami tiningnan isa-isa.
“Alright, what's going on? Why do you all keep looking at me like I'm some sort of puzzle you are trying to solve?” Ganun ba ang dating ng tingin namin sa kanya?
Nagkatinginan kami nina Harry, I was waiting for him to ask Mia since mas close nga silang dalawa, pero ilang segundo ata lumipas bago ko narealize na ako ang gusto nila magsalita. Great.
“Mia, napansin lang kasi namin na lagi kang nawawala sa umaga, pagkatapos mo tumakbo at during lunchtime. Napapaisip kami kung saan ka pumupunta?” Pointed kong tiningnan si Hannah, para siya naman magpatuloy sa sasabihin ko.
“And... well, nag-aalala rin kami sa kalagayan mo. You've been looking exhausted lately, ilang beses ka pa nga nakatulog during Defense Against the Dark Arts and History of Magic. Hindi ka naman namin masisisi na antukin sa History of Magic, since hindi ikaw ang una at ang huling estudyante na makakatulog sa subject na 'to. Pero sa DADA? We know you, excited ka nga sa subject na 'to kahit pa sinabi mo na ang incompetent ni Professor Quirrell.”
Sa harap namin nakita ko tumango si Harry at Neville. Ini-square pa nga ni Harry balikat niya bago siya nagsalita. Litaw na rin naman sa mukha niya yung concern. “Yes, Mia, napansin namin na lagi kang pagod. Hindi rin ikaw yung tipo na basta na lang matutulog sa class. Nag-aalala na kami sa 'yo. Is everything okay?”
Hindi ko alam ano tumatakbo sa isip ngayon ni Mia. She looks surprised though. Mabilis din naman itong naglaho. Maya pa bumungtong hininga siya at tipid kaming nginitian.
“I appreciate your concern and I apologize for making you worry.” Binuka ko ang bibig para nga sabihin sa kanya na wala siyang dapat ikahingi ng sorry, pero hindi ko rin ito naisaboses nang mariin siyang umiling.
So, bumalik na lang ako sa panonood sa ginagawa niya. Nakita ko kung paano niya pasadahan ng kamay ang buhok niya, sumandal pa nga siya na parang naghahanda kasi mahaba ang sasabihin niya, and I was right. “Alam naman ninyo na tumatakbo ako sa umaga ‘di ba? Hindi lang iyon ang ginagawa ko. Nagsasanay rin ako sa paggamit ng espada. I know unusual siya 'di ba? Pero sabihin na lang natin na isa ito sa bonding namin ni Mommy.”
Para namang may nagclick sa isip ko sa sinabi niya. “So, yung mga sugat mo, natamo mo yun sa sword training?”
“...Yeah,” why the pause? Instead na tanungin siya ay hinayaan ko na yung tatlo naman ang magtanong. Hindi ko pa rin siya nilulubayan ng tingin, naaamaze na nga lang ako kasi hindi siya naiilang sa titig namin. Parang sanay na siya na pinagtitinginan?
“So, saan ka nagtetraining?” Tanong ni Neville, lamang ang curiousity niya, pero bakas din sa boses niya yung excitement.
“Sa room of requirement or come and go room nga kung tawagin ng house-elves. Next time ko na ipapakita sa inyo yung room. Now, ako lang ba excited sa flying studies mamaya?” Gusto ko palakpakan si Mia, since successful ang pagpapalit niya ng topic. Hindi na ako nagulat since involve nga ang flying. Hindi pa kami pumapasok bukangbibig na ni Harry ang pagsali sa quidditch team, while decent flyer din naman si Nev— gaya namin ni Hannah mas gusto niya pa rin na nasa lupa ang paa.
Si Harry at Mia nga lang ang natutuwa lumipad. Pareho silang natural flyer. Pero mas graceful lumipad si Mia, aakalain mo na sa wizarding world siya lumaki.
BINABASA MO ANG
Demigod Hermione
FanfictionHighschool si Mia nang mapanood niya ang Harry Potter, fan na fan siya no'n tipong ayaw niya ito pakawalan kahit pa matagal ng tapos ang series. Marami siyang nabasa na fanfiction, noong una puro time travel hanggang sa mag-iba 'yon dahil nakita niy...