[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]
——Mia
Hindi ko magawang ma-enjoy ang paglilibot sa Diagon Alley. Paano ba naman sinubukan ko magmeditate, nahanap ko kung nasaan ang magical core ko pero, hindi ko lubusang magamit ang magic ko. Sobrang bilis ko ring mapagod. I thought maaapektuhan ito ng physical kong lakas.
Wala pa namang isang linggo nung magpractice ako gamitin magic ko, so, maybe masyado lang ako nagmamadali?
Dad, baka naman. Give me some clue, ano ba yung mali kong ginagawa? Sinunod ko naman yung mga naaalala ko na nabasa ko sa fanfiction noon. Sinubukan ko na rin yung mga napanood ko sa anime. Nagbabakasakali lang na may katotohanan yung mga nangyari sa napanood at nabasa ko. Hindi naman sobrang nasayang effort ko kasi through meditation natutunan ko i-locate kung nasaan si Mommy. Mayroon siyang magical core pero, maliit lang at hindi kumikinang. Sa akin kasi sobrang laki at umaapaw siya sa magic. Sa mind's eye ko nakikita ko ang napakaraming kulay. Color sa rainbow. Pero mas sakop ng kulay asul ang core ko. Maybe patunay na ito na may affinity ako sa tubig?
At home kasi talaga ako sa tubig. Kahit sa past life ko mahilig ako lumangoy. Mas na-enjoy ko pa ito ngayon kasi nalaman kong may kakayahan ako huminga sa ilalim ng tubig. Parang gusto ko nga i-explore yung Black Lake. Puwede kaya?
Paunti-unti nakakaramdam na ako ng excitement. Gusto ko na pumasok sa Hogwarts.
“Oof!” Bumaluktot katawan ko nung may tumama sa tiyan ko. Hindi ko yun inaasahan kaya naman medyo nahirapan ako huminga. Medyo nagtaka ako nang makakita ng buhok na kulay blonde. Si barbie ba yumayakap sa akin? Bata pa ako pero, napagkakamalan na akong si Ken, ah.
Hala! Umiiyak siya. Yung talent ko pa naman nasa pagpapaiyak ng bata hindi sa pagpapatahan. Natataranta ako habang sinasabihan siya na huwag umiyak kahit huli na. Nakaramdam ako ng hiya nung mapatingin sa amin yung mga dumadaan. Pureblood and muggle families. Medyo nakahinga ako ng maluwag after mapansin 'to. Good, siguro naman kakalma na si Mommy kasi hindi lang siya yung non-magical na nandito.
Speaking of Mommy, tumahimik ata? Tumingin ako sa kanan ko, pero wala siya roon. So, tumingin ako sa kaliwa pero wala rin siya. Lalo akong nataranta nung mapagtanto na hindi ko na kasama si Mommy. Where did she go?!
“Please tumahaan ka na, gusto mo ba ibili kita ng ice cream?” Internally akong bumuga ng hangin matapos niya tumigil sa pag-iyak. Ang bilis magbago ng ekspresyon, ah? Arte niya lang ba yun? Kumikinang na kasi yung mata niya, at hindi kaya mapunit bibig niya sa laki ng ngiti niya? Saan napunta yung luha niya?
Siya pa nga ang humila sa akin papunta sa Florean Fortescue's Ice Cream Parlour. Medyo pamilyar ang mukha niya sa akin. Tinanong ko siya kung ano pangalan niya.
“Astoria Greengrass, nice to meet you!” Muli akong napaubo nung yakapin niya ako nang mahigpit tapos tumama na naman yung ulo niya sa tiyan ko. She's so excitable. Nakakainggit yung energy na mayroon siya. Usually, ganun din ako ka-hyper pero, dahil nagsparring kami ni Mommy medyo nakadagdag yun sa pagkatamlay ko kasi ang bigat ng katawan ko. Nabigla siguro. Medyo nakakainis ulit kasi back to zero talaga ako. Bago ako mamatay may 6 pack abs na ako. Ngayon wala na ako nun, tapos ang patpatin ko pa.
Hindi rin ako makakalaro ng kahit anong sports dahil sa pagkakaalam ko nade-deflate mga bola kapag dinadala sa Hogwarts. Siguro naman may alam na charm si Professor Flitwick, 'no? Tatanungin ko siya. Malamang kasi hindi lang ako ang unang estudyante na nagdala or magdadala ng non-magical things sa Hogwarts.
“Hermione naman ang pangalan ko.” Pakilala ko kay Astoria na pinipilit ako na tawagin ko raw siyang Tori. Napatango na lang ako habang nagpipigil ng ngiti kasi nakakunot ang noo ni Tori habang sinusubukan niya na bigkasin ang pangalan ko. Humahaba na nga ang nguso niya, although mabilis kong sinuhestyon na tawagin niya akong Mia nung makita ko na kumibot ang tungki ng ilong niya, at manginig ang labi niya. Sign na malapit na siya umiyak. Siyempre, ayaw ko na mangyari 'to. Kakatahan niya lang, e!
BINABASA MO ANG
Demigod Hermione
FanfictionHighschool si Mia nang mapanood niya ang Harry Potter, fan na fan siya no'n tipong ayaw niya ito pakawalan kahit pa matagal ng tapos ang series. Marami siyang nabasa na fanfiction, noong una puro time travel hanggang sa mag-iba 'yon dahil nakita niy...