[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]
—Daphne
“Ate, bilisan mo!” Hindi ko napigilang pagulungin ang mata sa sinabi ni Tori. Bakit kasi magmamadali? Sikat ba yung kikitain namin?
“Bakit kasi kasama pa ako? Kaya ko nga maaga binili school supply para hindi na ako makikisabay sa ibang first year, tapos ay magpapaalam ka kina Mommy na sasamahan mo si Mia, kahit alam mo na hindi ka nila papayagan nang hindi ako kasama!” Medyo tumaas ang boses ko sa dulo dahil naiinis nga ako. Sheepish namang ngumiti ang kapatid ko, at nagsorry siya kaya huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Hindi dapat ako naiinis kay Tori. I know na gusto lang niya makita si Mia. Hindi ko pa alam nung una bakit ang bilis ma-attach sa kaniya ni Tori. Mapili kasi ang kapatid ko sa mga tao. Wala nga siyang kaibigan na kaedaran niya lang. Kaya mabilis na napalapit loob niya kay Mia, dahil napaka-attentive nito sa kaniya. Para bang sanay na si Mia na magbantay ng mas bata sa kaniya. Pero nung tinanong namin siya, kung may kapatid siya— ang sabi niya wala.
She's an only child. Malungkot ang mga mata niya nun, at para pa nga siyang iiyak. Hindi ko naintindihan yung nakita ko sa mata niya. Ganun ba siya kalungkot na mag-isa lang siya, kaya muntik na siya umiyak? Siguro excited siya na magkaroon ng kapatid kaya ganun na lang niya kung i-spoil si Tori. Nag-alala pa nga sina Mommy kasi hindi naman nila kami ini-spoil. Pero, nawala rin agad pag-aalala nila nung isang beses na magtantrum si Tori.
Pauwi na si Mia, pero ayaw pa ni Tori. She cried a lot, nagkalat pa siya kaya nagalit si Mommy. Lalo siyang umiyak nung pagalitan, at hindi pa siya tatahan kung hindi siya pinagsabihan ni Mia.
Pinaliwanag niya kay Tori kung bakit kailangan niya umuwi. Pinaalala niya rin dito na hindi porket pinagbigyan siya ng isang beses ay mangyayari ulit ito sa susunod. Sinabi niya kay Tori na kung may gusto siya makuha huwag niya idaan sa pag-iyak. Kailangan niya magsumikap na makuha yun. Sa case daw nang pag-alis ni Mia ay hindi na kailangan ni Tori na magsumikap pero, kailangan pa rin nito magpakabait kasi kung hindi, hindi na raw makikipaglaro sa kaniya si Mia. Pinaalala rin ni Mia na nagpromise siya kay Tori na babalik, kaya maniwala raw ito sa kaniya na lagi siyang babalik kasi wala pa raw siyang pangako na sinira.
“Where is she? Can you see her, Ate?” I don't even see Professor McGonagall. Ang excited talaga ni Tori. Sabagay hindi ko rin siya masisisi kasi tatlong araw rin hindi pumunta sa bahay si Mia. Naging madalang din ang pagsagot niya sa mga sulat ni Tori. Pati Floo call sinubukan ni Tori, pero nadismaya lang siya. Wala kasing sumagot.
“There!” Turo ko sa pintuan ng Leaky Cauldron kung saan lumabas si Professor McGonagall kasunod ang ilang bilang ng muggle-born students kasama mga pamilya nila. Nangunguna nga sa pamilyang yun ay si Mia, at ang Mommy niya. Ako na ang bumati sa kanila dahil mukhang nakalimutan na naman ni Tori ang manners niya. Dinadaldal na naman kasi niya si Mia. Hindi ko tuloy alam ang gagawin.
Sigurado kasing na-ikuwento na ako ni Mia sa Mommy niya. Hindi ko pa rin kasi gaanong kinakausap si Mia, hanggang pagbati lang ang palitan namin. Or sa case ko ay ganun, habang inaasar naman ako ni Mia. Nariyan yung tatawagin niya akong Princess, pagkatapos ay ihahalintulad niya ako sa isang muggle? I'm not really sure since wala naman siyang sinabi. Pero wala rin naman kasing kilala na witch na may kakayahang pagyelohin ang anumang nahahawakan niya. Elsa pa ang pangalan. So, I'll assume na isa siyang muggle.
“Let it go, let it go
Can't hold it back anymore”Pinilit ko na maging blangko ang mukha ko pagkatapos marinig sa utak ko ang maliit na boses ni Mia. Lagi niya kasi 'tong kinakanta kapag nakikita ako. Nagsimula lang naman siyang asarin ako as Elsa dahil sa sobrang panlalamig ng kamay ko nung hilahin niya ako kasi ang bagal ko raw maglakad. Excitable siyang tao kaya siguro magkasundong-magkasundo sila ni Tori.
BINABASA MO ANG
Demigod Hermione
FanfictionHighschool si Mia nang mapanood niya ang Harry Potter, fan na fan siya no'n tipong ayaw niya ito pakawalan kahit pa matagal ng tapos ang series. Marami siyang nabasa na fanfiction, noong una puro time travel hanggang sa mag-iba 'yon dahil nakita niy...