[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]
—Mia
Frustrated na napapunas sa mukha niya si Draco bago siya sumuko. I'm impressed, tatlong games ng wizarding chess bago siya umayaw, hindi tulad nina Harry na after ko talunin ng isang beses ay sumuko na. Palibhasa hindi pa talaga sila nanalo sa akin, at ilang beses na ba kami naglaro? Hindi na kayang bilangin ng daliri ko sa kamay at paa. Ganun na karami.
“I can't read you,” nginisian ko lang si Draco matapos niya 'tong sabihin. Parang nakakababa ng pride kung mababasa niya na lang ako ng ganun kadali. Mas may experience ako sa pagtatago ng iniisip at nararamdaman dahil siguro sa pagiging matanda ko mentally. Hindi ko na rin balak problemahin ang pakikipagsalubong ng mata kay Professor Snape kasi hindi rin niya mababasa o maririnig ang iniisip ko. Natural occlumens ako dahil sa pagiging demigod ko. Gusto ko nga sana subukan ang tibay ng shield sa isip ko sa presensya ni Edward. Kung totoo rin sana ang Twilight. Bisitahin ko kaya ang Forks? Hmm.
“It's all about strategy my arse, sinira mo strategy ko sa mga move mo na sobrang random. If we were dueling, siguradong sasabog ulo ko kakaisip bakit mo 'to ginawa, at ano sunod mong gagawin?”
“Maganda ngang practice ito dahil while playing or duelling kailangan mo i-rethink plano mo, you have to realize na hindi lang dapat isang plano ang nakahanda. No plan is perfect or even if it is, it won't stop me finding a loophole or making one.” Nakangiti kong hayag. Actually, wala sa plano ko ang manalo kasi naman bihira lang ito gumana kapag si Sia ang kalaro ko.
Napakaraming strategy nun, hindi ko nga maintindihan sinasabi niya kapag gusto niya i-explain yung ginawa niyang move. Hindi lang din chess piece ang nakikita niya, kundi soldiers fighting in a war. Pero, atleast may mga tumatak sa akin. Kabilang na nga yung sinabi ko kay Draco.
Sa paglalaro nga naman ng wizarding chess or kahit yung muggle chess ay marami ka malalaman tungkol sa taong iyon kasi, hindi ka lang sa board dapat naka-focus dapat tinitingnan mo rin yung kalaro mo. Ito yung ibig sabihin ni Draco sa hindi niya ako mabasa. Nakangiti nga lang ako habang naglalaro kami tapos siya seryoso siyang nakatingin sa akin. Natatawa na nga lang ako kapag kumukunot ang noo niya habang sinusuri board pagkatapos ko sabihin move ko.
“Boys, I suggest na magbihis na kayo.” Suggest pero utos talaga yun. Lumabas na rin muna ako sa compartment para makapagbihis sila.
Hindi lang ako ang nakatayo sa labas ng compartment nila. May mga first year at seniors. Kabilang na sa seniors yung Allie na niligtas ko. Or ang mas tama sigurong itawag sa kaniya ay Allison LeStrange, siya lang naman kasi yung naiisip kong tinutukoy ni Bella. Wala naman ibang naging dahilan bakit natagalan ako na hanapin sila, e.
Ang totoo pa niyan ang hirap paniwalaan na isa siyang LeStrange. Siguro dahil ang magkapatid na Rodolphus at Rabastan LeStrange lang ang pamilyar sa akin. Parang naset na sa isip ko na gaya ng magkapatid ang ugali ng iba pang LeStrange. Honestly, ang judgemental ko sa lagay na 'to. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano, lalo pa't hindi ko pa naman siya nakikilala talaga. Napasorry na lang ako sa isip.
Speaking of her, napansin niya na ako kaya naman kumaway siya sa direksyon ko. Naging sanhi ito para lingunin ako nung mga kausap niya. Tatlong babae, na may green, blue at brown eyes. Unlike dun sa babaeng kasama niya sa platform ay hindi nila ako sinamaan ng tingin. Nakataas ang kilay nila kaya malamang nagtataka sila bakit kinakawayan ako ng kaibigan nila.
To acknowledge her ay ininclined ko na lang ang ulo ko at tipid siyang nginitian. Mahirap na suklian ko yung enthusiasm niya kahit hindi naman kami close. Mamisinterpret pa yun ng house mates niya, at mapasama pa siya. Hindi ko nga rin maintindihan bakit bulgaran niya akong kinakawayan, hindi ba siya natatakot sa backlash na sasapitin ng reputasyon niya at ng family niya kapag kumalat ang balita na nakiki-associate siya sa isang muggle-born?
BINABASA MO ANG
Demigod Hermione
FanfictionHighschool si Mia nang mapanood niya ang Harry Potter, fan na fan siya no'n tipong ayaw niya ito pakawalan kahit pa matagal ng tapos ang series. Marami siyang nabasa na fanfiction, noong una puro time travel hanggang sa mag-iba 'yon dahil nakita niy...