Kabanata XII

101 15 10
                                    

[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]

Daphne

“Stop smiling,” at ano pa ba ang ginawa ni Mia? Mas lalo siyang ngumiti. Mapunit sana bibig niya.

“Ang rude kaya kapag hindi ko sinuklian ngiti ng mga kaklase natin. Atleast, mayroong isa sa atin na friendly. Alam ko naman na madamot ka sa emosyon kaya ako na ngingiti para sa ating dalawa.”

Pinatunog ko na lang ang dila sa inis. Hindi ba kasi niya narerealize epekto ng ginagawa niya? Bukang-bibig kaya siya ng mga babae sa house ko dahil ang chivalrous niya raw. May mga kumakalat na kuwento na hindi lang housemates niya ang tinutulungan niya sa pagbaba ng hagdan or pagbukas ng pinto, at kung ano-ano pa. Masyado nilang ginagawan ng malisya yung ginagawa ni Mia. Napansin ko na ganito rin ang ginagawa ni Mrs. Granger nung minsan siyang sumama kay Mia sa pagbisita sa Black Manor. Malamang naging habit na ito ni Mia kaya hindi niya alam na yung ganitong gesture ay endearing para sa mga pureblooded na mga babae. Iilan lang ba sa mga lalaki ang gumagawa nito? Sa generation namin wala. Nagiging gentleman lang din sina Harry kapag may okasyon at nasa presensya ni Aunt Cissy.

“Hindi ka naman nakikinig, eh.” Right, kasama ko nga pala si Mia. Ah, wait, bakit nga ba kami magkasama? O ang mas tamang tanong ay bakit niya ako sinusundan?

“Well, kasi pareho tayong free? Mas pinili matulog nina Susan, habang ayaw ko naman sumama kina Harry naririndi na ako sa kakarant niya about kay Ronald at Draco.” Hindi ko siya masisisi o kahit si Harry, kasi kahit ako naiinis na sa ugali ni Weasley. Panay ang sabat niya sa usapan naming magkakaibigan tapos tinatawag pa niya akong slimy snake or baby death eater. Hindi nga namin sinusuportahan ang Headmaster, ang Dark Lord pa kaya?

“So, dahil hindi sila available ako ang pepestehin mo? Why? Hindi mo ba naisip na baka gusto ko rin matulog?”

“Pero, hindi ka naman natutulog sa tanghali. Isa pa, namiss kaya kita. Kinakausap mo lang ako kapag tayo lang ang magkasama. Ilang beses kaya akong napahiya kapag kinakausap kita sa klase natin tapos hindi mo ko pinapansin.”

“Pinagsabihan kita pero, hindi ka nakinig.”

“Ang pangit naman kasi ng plano mo. Bakit kailangan pa na hindi ka makita ng iba na kinakausap ako. Because I'm a muggle-born?”

“Yes.”

“Aray, ah. Wala man lang hesitation. Ang sakit, Daphne.” Hawak-hawak niya ang dibdib na animo sinaksak ko siya roon.

“Nababaliw ka na.” Ang sabi ko na lang kahit ang totoo nag-skip tibok ng puso ko pagkarinig sa tinawag niya sa akin. I think ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko.

“Masama ba pakiramdam mo? Namumula mukha mo,” Out of reflex na tinabig ko yung kamay niya na nilapat niya sa noo ko.

“Hey! Hindi mo kailangan maging bayolente,” nakaramdam ako ng guilt nang makita na namula yung likod ng kamay niya.

“I—,” hindi ko alam if makakaramdam ba ako ng relief or inis kasi ang bilis talaga niya madistract. Parang bata lang, eh.

Ano na naman ba ang nakakuha sa atensyon niya? Pagtingin ko sa paligid nasa harap na kami ng portrait ni Professor Slytherin. This is new. Usually kasi kahit siya may-ari sa portrait, yung familiar niyang ahas lang ang naiiwan doon. Sa kanya namin binibigay yung password ng dorm. I think the portrait was enchanted para maintindihan kami ng ahas. Ano kaya pangalan niya? Black yung scales ng ahas tapos red eyes kaya medyo nakakatakot siya kapag gabi.

“Wha—Mia, you are a parselmouth?”

Nilingon ako ni Mia, halata na hindi niya alam ang sinasabi ko, pero imbis na tanungin ako ay mas nakatutok atensyon niya sa likuran ko kaya medyo inis akong lumingon sa likod.

Demigod Hermione Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon