Kabanata XIII

108 14 5
                                    

[ꜱᴛɪʟʟ ᴅᴏɴ'ᴛ ᴏᴡɴ ʜᴀʀʀʏ ᴘᴏᴛᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ɢʀᴇᴇᴋ ᴍʏᴛʜᴏʟᴏɢʏ.]

Mia

I feel giddy. Halos magvibrate na nga raw ako sa kinatatayuan nung batiin ako ni Cedric, pag-akyat ko sa common room.

Tinanong niya pa ako ano okasyon, pero sinabi ko lang na dumating na ang sulat ni Mommy. Ilang araw ko rin itong hinintay, namiss ko si Indra na pinababa ko muna sa Chamber of Secrets para may kasama si Echidna, since bababa din ako doon mamaya. Birthday ko na kasi, at may dala ring package si Indra na alam kong regalo sa akin ni Mommy. Ano kaya ang laman no'n? Sa mga nagdaan kong birthday, halos puro libro ang natatanggap kong regalo. Collection ko na lang sila ngayon, sa dami ba naman ng libro na namana ko malamang hindi ko ito mababasa lahat. Kaya nga plano ko na i-regalo ito sa Black Sisters. Rare books at yung mga alam ko na makakatulong sa propesyon nila. As much as ayos lang sa akin ang pagbrew ng potion, hindi ko naman naiimagine ang sarili ko na ito ang gagawin ko pagkagraduate ko. Parang mas gusto ko kasi gumaya kay Mommy na nagtatravel lang. Sa dami rin ng pera ko, hindi ko na kakailanganin magtrabaho pa. Panay invest din ako business man sa wizarding world or sa muggle world. So, kahit na panay ang donate ko sa mga charity halos bumabalik din yung nawawala sa vault ko. I think ito rin dahilan bakit pati gwardya sa Gringotts ay binabati ako as if isa akong royalty.

Nung bago ko pa lang nalaman about sa result ng inheritance test ay may disdain pa nila ako kung batiin. Kahit pa nung sabayan ako sa paglalakad ni King Ragnok ay masama pa rin nila akong tinitingnan, mga nakahawak pa ng mahigpit sa hilt ng sword nila or sa spear. As if waiting na bastusin ko ang Hari para magkaroon sila ng sapat na rason para atakehin ako. Humingi pa nga ng dispensa ang Hari sa inaasal nila, pero ako na ang umiling at sinabing wala iyon, na ginagawa lang ng guards niya ang trabaho nila, at mahigpit ko ring binilin na huwag sila parurusahan. Nagconcede na lang ang Hari, pero ngumiti muna siya na nakalabas ang matatalas na ngipin. Sa totoo lang kinikilabutan talaga ako pag ginagawa nila yun. Genuine na iyon sa kanila, pero para sa akin ang menacing ng dating. Parang ngiti na walang magandang idudulot. So, para hindi sila ma-offend ay sinusuklian ko na lang ng ngiti ang ginagawa nila kahit sa loob-loob ko ay gusto ko panginigan ng katawan.

“Hi, Prin—,” naputol ang pagbati ko kay Daphne nang makita ko ang nanunusok niyang tingin. Dapat masanay na ako dahil lagi naman ata siyang ganito tumingin, pero may kakaiba sa tingin niya, e. Pati magic niya parang gusto maglash out. Medyo bumaba tuloy ang mood ko, pero hindi sapat para mawala ang playful kong aura. Ngumiti ulit ako, tinuloy ang pagbati kay Daphne. Like I said, masyadong maganda ang mood ko para basta na lang ito masira.

“You said hindi kayo mahuhuli, so bakit, down ng 60, house points ng Gryffindor? Oh wait, if I remember correctly ito ang sinabi mo, ‘kailan pa ba ako nahuli?’ Kung alam ko lang na iiwan mo sina Harry, sana binalaan ko sila na huwag na pumunta. So much for the house who favors loyalty. Ngayon ko rin naintindihan bakit kinonsider ng sorting hat na i-sort ka sa house namin despite being a mudblood.” Okay, what the fuck? Did she just? No wait, anong pinagsasabi niya? Kinuhaan ng 60 points ang Gryffindor? Nangangamoy Severus, ah. I'm sure kasi na wala karapatan si Filch na mangbawas ng ganito kalaking house points. So, malamang dinala ni Filch sina Ronald kay Severus. And knowing Severus gustong-gusto niya bawasan ng points, ang lions.

“Got nothing to say, huh?” Hindi pa ako matatauhan kung hindi ako shinoulder check ni Daphne, ako naman automatic na hinawakan siya sa kamay para pigilan siya sa pag-alis.

“Don't touch me!” Para akong may nakakahawang sakit sa pagbawi niya sa kamay niyang hawak ko. Okay, may dalaw siguro siya? Hindi ba masyado namang OA itong reaksyon niya? Ni hindi man lang niya ako pinagsasalita. Paano ko ipapaliwanag sarili ko 'di ba? Mga bata talaga, ang iimpulsive. Mamaya mahihiya siya niyan kapag nalaman niya totoo.

Demigod Hermione Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon