1

126 39 0
                                    

"Hoy Ate!" Napatigil ako sa pagtulala nang ako ay tinawag ng kapatid ko.

"Kanina ka pa kinakausap ni mama! Ano na namang iniisip mo? May boyfriend ka na 'no?" Napairap ako sa sinabi ni Vienyn ang aking kapatid.

"Tigilan mo nga ako sa pinagsasabi mo, hindi ba pwedeng kaya ako nakatulala ay dahil kulang ako sa tulog ha?" Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at naglakad na papuntang kwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama na nakaupo habang nakatingin sa pag-alis ko


"Matutulog muna ako dahil wala akong tulog, dumiretso agad ako pauwi nung natapos ko yung research namin." Naka pikit kong sabi bago umakyat na ng hagdan.

Grabe antok na antok ako dahil tinapos ko muna ang research namin. Napaka wala naman kasing kwenta ng mga kagrupo ko kaya naman inayos ko pa ang mga gawa nila. Gusto nilang makapasa pero ayaw naman ayusin ang pag-aaral nila.

Nahiga na ako sa kama ko at ipinikit ko na ang aking mga mata. Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang pintuan.


"Teh? Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ng kapatid ko bago sya umupo sa kama nya na katabi ng kama ko. Mag kasama kami sa iisang kwarto simula noong kami'y bata pa lamang hanggang ngayon na kami ay malaki na kaya naman ay talagang malapit kami sa isa't isa.



"Hindi. Huwag ka munang istorbo pwede ba? Vienyn Zenaida wala akong tulog kaya wag kang loloko-loko!" Tinalikuran ko sya at niyakap ang isa kong unan, sya naman ay nanahimik na lamang.


"Ate sigurado kang okay ka lang ha? Baka naman nape-pressure ka na naman dahil kay Papa, hayaan mo lang si Papa wala namang magagawa yon kapag nalaman ni Lola," tumawa pa sya

"Wala lang talaga akong tulog Zenaida kaya umalis ka na kung gusto mong mag patulog," nakapikit kong sabi

"Eto na nga aalis na gigisingin na lang kita kapag kakain na ha?" Hindi na ako sumagot dahil nilamon na din ako ng antok

Nagising ako nang naramdaman kong mayroong naka-dagan saakin. Pagmulat ng aking mata ay bumungad ang kapatid kong apat na taong gulang. Naka nguso ito habag naka-dagan saakin.

"You didn't go home last week!" Naka simangot na ani nito

"Vaughn, Ate can't breathe!" Sabi ko naman ng mas lalo pa itong dumagan

"So why you're not umuwi last week?hindi ka naman nag call! Nag wait po ako hindi ka naman nag call!" Lalong sumimangot ang mukha nito habang nakatabi na saakin

"Sorry po, Ate is so busy last week kaya hindi na ako nakauwi," I kissed his cheeks lumamya naman ang mukha nya

"Are you tired Ate? Did you cry again?" Nag-aalalang tanong nito, napangiti naman ako. Sa batang edad ng kapatid ko ay sobrang green flag agad!

"Ate is fine lang po. You don't have to worry about me," Napangiti naman ito

"Ate Vienyn said gisingin na daw po kita kasi we are going to kain na po," hinaplos nya pataas ang noo ko

"What are you doing? At kailan ba matitigil yang ka-conyohan mo ha?" Tanong ko sakanya.

"I'm touching your forehead because lagi diba syang nasasakit?" Pinisil ko ang kanyang pisngi dahil sa ipinakitang inosenteng reaction nito.


"Nasakit hindi nasasakit. I told you. Okay lang si Ate Ishi." I pinch his nose and carry him downstairs


Pagkababa namin ay nakaupo na silang lahat sa may hapag. Si Papa ay nakaupo sa kabisera. Si Mama naman ay sa kanan ni papa. Inilapag ko si Vaughn sa tabi ni mama at ako naman ay umupo sa kaliwa ni papa dahil duon naman talaga ako laging nakaupo, katabi ko naman si Vien.

The Lost Wild Memories (WILD TEMPTATION SERIES #1) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon