"Sino maghuhugas ng plato?" Tanong ni Grey na kakatapos lang kumain kaya nilagay na nya sa lababo ang plato nyaKakatapos lang kasi namin magsikainan ng almusal at mukhang magtuturuan na sila kung sino ang maghuhugas ng plato. Ah basta ako kasama akong mamili ni Chase! Tsaka condo namin 'to dapat mahiya sila dahil nakikain lang sila.
"Edi ikaw! Wala ka namang ginawa bro," si Shiro na umiinom ng tubig sa counter ng kusina
"Parang may ginawa ka naman!" Ani ni Grey at bahagyang binatukan si Shiro
"Mag-aaway pa kayo parehas naman kayong walang ginawa," inalagay ni Seven ang plato nya sa lababo
"Ako na lang," Sabi ni Chase at tumayo na sa tabi ni Elaine bago ay inayos ang mga pinagkainan namin
"Hayaan mo na sila Chase," pigil ko sakanya napatingin naman sya sakin "ikaw na ang nagluto tapos ikaw pa maghuhugas ng plato. Masyado ka ng papogi points kay Elaine,"
Natawa naman sya at napakamot ng ulo ang kaibigan ko naman ay natawa din sa sinabi ko. Sa bandang huli ay si Grey at Shiro na ang naghugas ng plato dahil sila naman ang walang ginawa. Ang katulong kasi kanina ni Chase sa pagluluto ay si Seven habang ang naghain at nag-ayos ng mga plato ay si Eight. Si Chase at Marcellus naman ay may dala ngang pagkain yung nasa paper bag.
Habang naghuhugas ng plato ang dalawa. Nanonood naman ang iba sa sala. Ako at si Elaine ang natira sa dining table si Chase naman ay inaayos ang pinaglutuan nya kanina. Pinapanood namin sya habang nagpupunas ng counter. Nakapangalumbaba kami ni Elaine sa lamesa habang nakatitig sakanya.
Pamilyar talaga saakin ang mukha ni Chase hindi ko lang malaman kung saan ko ba nakita ang mukha nya o sino ang kamukha nya. Naniningkit pa ang mata ko habang pinapanood sya habang inaalala kung saan ko nga ba nakita ang mukha nya.
Malay ko ba baka stepbrother ko nga talaga sya edi malaking gulo para saamin yon! Hindi naman ako magagalit sa papa ko dahil alam ko namang babaero yon bago pa man nya makilala ang mama ko kaya hindi na ko magugulat kung may kapatid nga ako sa labas. Tsaka may saya sa puso ko pag totoo nga ang hinuha ko ibig sabihin non ay hindi ako ang panganay! At may Kuya ako!
Matagal ko na kasi talagang gustong magkaron ng Kuya gusto ko kasi ng may titingin saakin at magtatanggol saakin tuwing may kaaway ako. Madalas pa naman akong may kaaway noong elementary ako kaya talagang pinangarap kong magkaron ng kuya.
Pero malulungkot din ako kapag totoo ngang kapatid ko si Chase. Ayokong malungkot ang mama ko pag nalaman nya. Ang tagal kasi nila akong binuo tapos may nauna na pala saakin, gaano kasakit para kay mama yon. Natigil ako sa pagtitig kay Chase nang magsalita si Elaine.
"Krishianna may Creed ka na, akin na yan." Nakatitig parin sya kat Chase habang tinuturo ito gamit ang nguso.
Ngumuso din ako "hindi ko naman aagawin, e. May iniisip lang ako"
"Ano?" Tanong nya habang pinapanood parin namin si Chase
"Para kasing may kamukha si Chase," sabi ko napatingin naman sya saakin at nakataas pa ang kilay na parang naguguluhan.
Kinamot nya ang ang gilid ng mata nya bago ay nilipat kay Chase ang tingin pagkatapos ay binalik nya saakin. Pabalik balik ang tingin nya saaming dalawa ni Chase kaya napakunot na ako ng noo.
"Kingina nakakahilo ka," inirapan ko sya pero hindi sya natinag at talagang tinitigan pa kong maigi pagkatapos ay si Chase naman.
Nanlaki lalo ang mulat nyang mata na para bang may nalaman syang nakakagulat at di kapanipaniwala.
BINABASA MO ANG
The Lost Wild Memories (WILD TEMPTATION SERIES #1) (ON-HOLD)
RomansaWild Temptation Series # 1 "Lost Wild Memories" A Nursing student named Vienaila Krishianna Hope Davez strives to fulfill the expectations of her father and faces considerable pressure. Seeking solace from her challenges, she frequently indulges in...