HABANG nasa byahe kami ay kinuha ko muna ang cellphone ko saaking bag. Para hindi ako mabagot sa byahe nakalimutan ko pa naman dalhin yung libro ko na binabasa kanina. Naalala ko lang noong malayo na kami sa bahay.Pagkabukas ko ng internet ay nagpop na agad ang notification ko.Wren Theozale Suarez added you.
Lev Raizel added you.
Kio Callum Ladezma added you.
Luke Klemont Duncan added you.
Sunod-sunod na nag-pop sa notification ko ang mga pangalan ng mga lalaking nasa court kanina.
Dahil sa sunod-sunod na pag notif ay sunod-sunod din ang tunog ng cellphone ko para maagaw ang pansin ng mga kaibigan ko na nasa harap ko. Ako kase ang nakaupo sa backseat at si Ady ang nagmamaneho si Elaine naman ang nasa front seat.
"Hoy ano yan?" Kuryosong tanong ni Elaine na nakangisi pa ng nakakaloko.
"Bagong ka-fling?" Nakatingin si Ady sa rearview mirror.
"Gaga! Hindi muna ako lalandi 'no! Malapit na ang midterms mahirap na baka lumagapak pa grades ko!" Sagot ko.
"So kapag tapos na ang midterms tsaka ka lang lalandi ulit?" Taas kilay na tanong ni Elaine.
"Aba oo! Para naman may stress reliever kahit pang isang linggo lang." Sabi ko sabay tawa tumawa din naman sila.
"Tanga! Mas maiistress ka lang kapag lumandi ka!" Sus akala mo sya hindi nya din gagawin iyon.
"Kaya pala haggard ka ngayon? Stress ka sa mga lalaki mo?" Natatawang tanong ni Ady kay Elaine.
"Hoy hindi ah! Wala akong lalaki 'no! Grabe naman kayo saken!" She said and pout.
"Wala daw pero may nag-aaway sa comment section ng pfp mo sa fb? 'teh wag kami ah!" Si Ady.
"Makapag salita ka naman, Ady. Naiinggit ka ba kase mas maraming lalaking nag comment sa pfp nya kesa sayo?" Sabi ko sabay tawa.
"Nakakadiri kase puro babae yung saakin!" Busangot na sagot nito.
If you're wondering what is Andy's gender well, we're both wondering about that. 'Cause Ady never told us kung anong gusto nya talaga.I think he's still confuse about what does he really wants to be.But no matter what is it I'll support him because he's a good friend of mine and I love my friends.
Noong highschool kami nagkakilalang tatlo we're first year highschool. Maybe during 3rd quarter duon na kami naging mag close na tatlo but I think Elaine and Ady became friends during 2nd quarter of our year.
Sila lang ang tanging kaibigan ko noong highschool ako. Hindi naman sa sila lang talaga pero sila lang yung tinuturing kong totoong kaibigan. Some of my friends became my friends because of Ady and Elaine. Napaka friendly kasi nilang dalawa habang ako sobrang tahimik lang.
Then when we're in our 11th grade we met our two friends. Seven at Savianna. Seven is 12th grade that time and us four are grade 11. Nakilala namin sila noong may program sa school hindi ko na maalala kung intrams ba yon o anniversary ng school.
Naging magkakaibigan kaming lima noon then college life came. We three decided to live together. First day of College life I met a girl. She's pretty but she's crying. I help her and we became friends. I introduced Acheloise to my friends and now we're six.
BINABASA MO ANG
The Lost Wild Memories (WILD TEMPTATION SERIES #1) (ON-HOLD)
RomanceWild Temptation Series # 1 "Lost Wild Memories" A Nursing student named Vienaila Krishianna Hope Davez strives to fulfill the expectations of her father and faces considerable pressure. Seeking solace from her challenges, she frequently indulges in...