His will
Meg's POV ~°•°
"I dare you to run and... Give my greetings to your padrone."
Ang bulong ng isang wala'ng emosyong tinig sa aking namamawis na tenga. Dahilan para mapakuripas ako ng takbo. Tumigil ako sa isang kanto na may kalayuan sa kinaroon ko. Dumapo ang malaki'ng porsyento ng takot sa akin habang nanginginig akong nakatingin sa kasama kong pinili'ng wakasan ang pagiging miyembro niya ng gang.
'Em...'
Isang codename ang salita na wala'ng nakakaalam sa ibigsabihin. Isang pangala'ng kinatatakutan sa mundo ng gang, ilang taon palang ang nakakaraan. Pangalan na dahilan ng parating na digmaan.
Sa kaunti'ng impormasyon na nalaman ko tungkol sa kanya, mas gugustuhin kong makalimot na. Dahil siya lang ang nag-iisa at tinuturing na Fiavaza ring's Paragon. Kinikilala sa tawag na Em o The Dauntless Fiavaza. At palihim na kinatatakitan sa isang estratehiya ng pagtutorture na tinatawag na, 'Truth or Dare.'
Iyan lang ang alam namin tungkol sa kanya. Siya ang pinakakilala at tinutularang Fiavaza sa buong mundo. Walang criminal organization ang hindi siya kilala, bilang pinakamalakas o ang tamang termino ay wala'ng kinatatakutang Fiavaza. Kilala siya ng mga mababa'ng lebel na miyembro ng gang bilang 'Em'. Pero sa mundo mismo ng gang isa siya'ng Dauntless Fiavaza. Iyan ang tinawag sa kanya ng padrone niya ng makita ang wala'ng takot na parte ng pagkatao niya.
Lahat ng tinuturing niya'ng kalaban ay pinapapili niya ng dalawa'ng salita. Kapag hindi ka sumagot, siya ang magtatakda ng kapalaran mo. Kung piliin mo ang salita'ng truth, ibibigay mo ang kahit anong katotohanan na hihingin niya patungkol sa gang organization na kinabibilangan mo saka ka niya sasaktan. May tiyansiya kang lumaban at patunayan ang sarili mo. Pero maliit ang tiyansiya'ng iyon. Isang pagsugal.
Sa kabila'ng banda, kung ang salita'ng dare naman ang piliin mo uutusan ka niya ng isang bagay. Madalas ay mensahe para sa Padrone ng organisasyon na kinabibilangan mo. Pero gaya ng nauna'ng pagpipilian, nakauwi ka man sa organisasyo'ng kinabibilangan mo maliit parin ang tiyansiya'ng maligtas ka. Isa ring sugal.
Napaatras ako ng malakas niya'ng sinuntok ng dalawa'ng beses ang kasama ko. Isa sa banda'ng tiyan at isa sa mukha nito. Umagos ang dugo sa bibig niya saka tumumba sa lapag.
May mga tao'ng agad na sumigaw ng makita ang nangyari. Pero mabilis at maangas na inilagay ni Em ang hood sa ulo at malalaki ang mga hakbang na naglakad palayo. Hindi siya nagawa'ng sundan ng mga tao dahil sa nakahiga'ng biktima natuon ang atensyon niya. Saka umingay ang serena ng pulis at ambulansiya.
Umatras ako habang pinipigilan ang pag-iyak. Tumakbo ako palayo habang nagpupunas ng mga luha. Pilit kong nilalakasan ang loob dahil sa nakita.
"Gem..."
[CODENAME,] tanong ng voice code machine na kaharap ko.
Umiiyak akong sumagot, "Meg! Meg!"
[Code decline. Please retell your codename.]
"Asar naman oh! Sandali! Umiiyak pa ako!"
[Code decline. Please retell your codename.]
"Meg! Meg! Meg! Meg! Kabaliktaran ng Gem, Meg! Si Gem! Ang kaibigan ko... Wala na siya!" Sinuntok ko ang pinto habang umiiyak.
[Code decline. Please retell your codename for the last chance.]
"Oo na! Ito na nga," sabi ko habang nagpupunas ng luha. Inayos ko ang sarili at may tikas na nagsalita, "Meg."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔
General FictionThe two letter-named, Em is a villian who is killing those villians. He is a child with the burning history, engraving the Gang world with his bravery. Para mas magawa ang paghihiganti niya ay tinanggap niya ang trabaho'ng maging isang bodyguard ng...