Welcome to—
Lolo Le's POV~°•°
"Paabot no'ng pako!"
"Hoy! Ang bagal mo!"
"'Yong semento haluin mong maigi!"
"Tangina nito makasigaw!"
"Hoy masugat ka sa yero, pre!"
Pagbukas ko ng gate sabay-sabay silang natahimik at natulala. Ilang segundo ang lumipas ng kanya-kanya silang yuko at bati.
"Padrone."
"Padrone, goodmorning."
"Ogag tanghali na! Magandang tanghali, Padrone."
"Ikaw 'yon! Alas-onse palang!"
"Hoy tigil! Andyan na si Padrone."
Humakbang ako para makapasok. Nilibot ko ang paningin sa inn.
'It's changing...'
Binili ko ang katabing unit ng Inn. At pinapaayos ko ito pati na rin ang Inn. Magkasama kami ni Michel na muling tinatayo ang lugar.
Winasak ang buong bahay pero lahat ng kagamitan ay itinabi dahil ito rin ang gagamitin sa ibang parte ng Inn na bubuohin. Bumili ako ng ibang bagong kagamitan para rito. We are starting to make this thing more meaningful.
Nasa kanang bahagi ang ilang lumang yero na tinanggal. May mga sako ng semento sa kabilang bahagi, may mga hollowblocks, flywood at iba pang gamit sa construction. Nakakalat ang pitumpot dalawang kalalakihan na inutusan ni Michel na magtrabaho para sa amin.
Nakangiti sila sa akin habang nakatigil sa ginagawa. Sila naman ang pinalibutan ko ng tingin.
May mga nakahubad ang pang-itaas na damit, may mga gusgusin na tingnan, may mga hindi mo maintindihan kung anong pinagdaanan, may mga maiitim ang kulay, mga mapuputi, mga kayumanggi, at mga nakalimutang maghilod. May mga matatangkad, medyo may katangkaran at meron ding maliliit ang height. May ibang hindi masyadong nakakaintindi at nakakapagsalita ng Tagalog. Mayroong hitsura palang may lahi na, mayroong hitsura palang Pilipino na.
Pero isa ang magkakapareho sila, lahat sila inactive gang members. Mayroong tattoo, pero hindi na kailanman naglilingkod sa Padrone nila. Sa iisang layunin nagkakasundo sila, ang magliwaliw.
"Ah! Padrone!" Nagmamadaling lumapit sa akin si Michel mula sa loob ng inn na ang kalahati ay sinira na. Yumuko siya at nakangiting nag-angat ng ulo. "Buti bumisita kayo. Akala ko kung anong dahilan ng pagkatahimik ng mga lokong 'to." Nilingon niya ang mga gumagawa. Tahimik na silang kumikilos ng kanya-kanya.
May mga sumisira sa inn, mga naglilinis sa paligid, mga nagpuputol ng mga halaman sa likuran, naghahanda ng semento, at mga nag-hahagisan ng kung ano-anong madampot mula sa inaayos na lugar.
Humakbang ako para lapitan siya pero napatigil ang paa ko ng may matapan akong mabasa-basa. Dahan-dahan akong napatingin sa baba. Napansin kong nagtinginan lahat sa akin.
Natapakan ko lang naman ang maruming medyas na may kakaibang amoy sa loob nito. At ng matapakan ko ito ay lumabas mula rito ang sukā.
Nag-angat ako ng tingin. Nadatnan kong nangangalit ang hitsura ni Michel habang lumilingon sa mga tao sa paligid. Mabilis silang kumilos na parang busy'ing-busy. May mga sumipol at nagpanggap na walang nakikita.
"'Di ba sabi ko lahat ng kalat isako!" Dumagundong ang buong lugar sa sigaw ni Michel ng harapin niya ang mga kalalakihan.
Natigil ang mga ito at nagsig-atrasan.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔
Ficção GeralThe two letter-named, Em is a villian who is killing those villians. He is a child with the burning history, engraving the Gang world with his bravery. Para mas magawa ang paghihiganti niya ay tinanggap niya ang trabaho'ng maging isang bodyguard ng...