Bilis
Earth's POV ~°•°
'Step one and two and three! Oh yeah! Oh yeah! Ah! Ah! Oh! Step two and clap! Turn! And oh yeah! Step three and down! Down! Up! Turn around and roll! Spaghetti pababa!'
Todo sayaw ako syempre. Tapos katawanan ko pa sila Lola. Kabisado ko na ang mga steps sa isip ko. Naghahanap nga ako ng isang Lola na babagay kay Lolo Le eh ayyiiii! Para naman may pasalubong ako sa kanya Chour HAHAH! Matandang binata kaya 'yon si Lolo Le? Ayyyt sana sinama namin siya edi sana masaya kami pareho dito. Pero ayos lang kwekwento ko na lang sa kanya.
"Aha aha yeah yeah! Step and step step! Huwaah!"
Nagtatawanan din sila lola sa gilid ko. Ang sasaya nila.
Napalingon ako kay Kuya Em, mukhang laging malungkot 'yon. Yayain ko nga. Tumigil ako at nakitang may kausap siya.
"Kuya Arttttt?!" Buong gulat kong sabi.
Lalapitan ko na sana sila ng biglang may humawak sa braso ko. Napatingin ako doon at napatingin ako sa may-ari. Dalawa silang lalaki na malaki. Ang isa ang may hawak sa braso ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya at nginitian siya.
"May kailangan ka kuya?" tanong ko. Nginitian niya lang ako.
"Wala," sabi niya saka tiningnan ang kasama. Napatingin din ako sa kasama niya.
"Ganda hikaw mo kuya ah," puri ko sa kasama ng kaharap ko. Kunot-noo itong tumingin sa kaharap ko.
"She said you have the coolest earrings," sabi ni kuya sa pinuri ko. Kailangang englishin ganoon?
"Ah englishero siya?" tanong ko.
"Oo eh. Ang totoo niyan Earth..." Nalungkot ang tono ng kausap ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano po 'yon? Kilala niyo ako?"
"Kaibigan siya ng Tita Gen mo na nasa Thailand."
"Hah? Ah? Talaga? Ah teka. Hindi ako masyadong marunong mag-english. Kuya-na-nagtatagalog pasabi naman kung kamusta ang tita ko?" Nakangiti kong tanong. Yumuko sila. Tapos humagulgol iyong nag-eenglish.
"Miss Delvalde... You need to come with us because your auntie is at the hospital."
"Ha?! Anong hospital!" Napatingin ako sa nagtatagalog.
"Earth. Sabi niya kailangan mong sumama sa amin papuntang Thailand kasi gusto ka niyang makita. Nang tita mo. Nga pala andoon na rin si Rainne," paliwanag ni kuya.
"Hala! Sige teka magpapaalam lang ako kay kuya Em—" Lumingon na ako sa gawi ni Kuya Em habang kausap si Kuya Art pero pinigilan ulit ako ng nag-eenglish na.
"N-no. We need to go. Now!" Nag-aalalang sabi niya sa akin.
Tumango ako agad dahil sa pagmamadali niya, "A-ah okay! S-sige. Tara na!"
Mabilis kaming naglakad at nag-aalala kong tinitingnan ang mga sinamahan.
'Hindi nabanggit ni tita Gen na may mga kaibigan siyang macho. Pero... Ah basta! Hinahanap ako ni Tita Gen.'
"Kuya anong pangalan mo?" Taka kong tanong.
"Ako si... Ken." Nakangiti niyang sabi. Napakunot ako at parang nakita ko na siya dati. Aaargh! Pero si tita talaga muna dapat kong isipin.
"Bilisan na natin," sabi ko at iginaya nila ako sa puting van.
Pero bago kami makarating doon nakita ko ang englisherong katabi sa kanan na nagtaas ng isang bagay gamit ang kanang kamay. Habang tinataas niya iyon ay unti-unting lumakas ang tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔
General FictionThe two letter-named, Em is a villian who is killing those villians. He is a child with the burning history, engraving the Gang world with his bravery. Para mas magawa ang paghihiganti niya ay tinanggap niya ang trabaho'ng maging isang bodyguard ng...