Her CharmEarth's POV ~°•°
"No, I am dreaming," sabi ni Kuya Pating. Mali talagang bulabugin ang bagong gising.
Nawala 'yong mga lasing rito, napalitan ng kuya Pating na kakagising. Naloloka na siya. Hinawakan ko siya sa balikat, "Kuya Pating anong dreaming?"
Tiningnan niya ang kamay ko saka siya tumingin sa akin. Saglit na kumunot ang noo niya tapos umiling siya at dahan-dahan tumayo mula sa kama. Tinitigan ko lang siya. At mukhang hindi siya okay. Wala akong kasalanan d'yan! Kararating ko lang!
Ano naman kayang nangyari sa kanya nitong mga nagdaang araw? Lagi ko siyang iniisip, minsan napapanaginipan pa. Kinakabahan ako kapag hindi ko alam kung nasaan siya. Basta gusto ko siyang makita at makumusta. Sabi ko rin sa kanya lagi ko siyang pupuntahan. Ayokong hindi tumupad sa pangako. Mali 'yon. Kaya hangga't free time ko hahanap ako ng paraan para puntahan siya. Kaya lagi kong ginagawang free ang time ko! Heheheh!
Tiningnan niya ako ulo hanggang paa nang magkaharap na kami. Tapos dahan-dahang umangat ang hintuturo niya. Sinundan ko iyon ng tingin, at sa kasamaang palad sa noo ko lumanding.
"Ach!" daing ko at napaatras ako. Hinawakan ko ang noo kong kawawa at nararamdaman ko pa ang daliri niyang dumiin dito.
"What the fuck are you doing here?!" Unti-unting lumakas ang boses niya. At may naamoy akong hindi maganda sa hininga niya. Monster!!!
"Ba't ka sumisigaw! Malapit lang ako sayo oh!" sabi ko sa kanya at umisang hakbang kaya maliit na lang ang pagitan namin. Hindi agad siya nakagalaw at umiwas ng tingin sa akin. Inamoy ko siya dahilan para mapaatras siya.
"Why are you here, Clumsy?" Galit niyang tanong kahit mahinahon ang boses niya. "Bakit ka andito at sinong kasama mo?"
"S-si Lolo Le. Ikaw pinunta namin dito. Ikaw rin, bakit ka andito at sinong kasama mo? At bakit ganyan amoy ng hininga mo?" Matapos kong magpaliwanag ay ginaya ko ang boses niya. Pakiramdam ko ang cool ko sa part na 'to, parang agent na nag-iimbestiga. Wiiiyong-wiiiyongg! Ay mali serena ng patrol 'yon!
"Why? You are not supposed to be here?!" sigaw niya ulit. At hindi niya pinansin ang mga tanong ko.
"B-bakit? Ayaw mo ba akong makita? E-eh iniisip kita saka gusto kitang makita. Wala naman akong ginagawang masama bakit ayaw mo akong makita?" Ayan nagtanong ulit ako.
"N-no. I mean—pft! Asar. Who told you I am here?"
"T-told me? Wala. Naisip ko lang baka andito ka. Tapos nagpasama ako kay Lolo Le eh saktong alam niya papunta rito. Tapos nanghiram kami kay kuya Art ng kotse. Tapos—."
"Okay. I get it."
"Galit ka?" tanong ko agad with matching kunot ng mukha.
At for the first time in forever! Tahimik si Kuya Pating na umiling sa tanong ko. May naaamoy akong kabaitan sa paligid. Nabuo ang masayang linya sa labi ko.
Umalis siya agad sa harap ko saka pumunta sa bag niya sa sulok ng kama at kumuha siya ng gamit doon. Naglakad siya papunta sa pinto habang nakasukbit sa balikat ang T-shirt niya at hawak ang ibang gamit na kinuha sa bag.
Nilingon niya ako bago tuluyang lumabas, "Stay here."
Buong ngiti akong tumango ng maraming beses.
"A-ahm... T-than—ah no, I mean, so-sorr--ah ahm..." Humarap siya sa akin at nauutal. Napakunot noo ako, "What I mean is, I mi-mis--ah nothing. Just stay here, idiot." Ayon ang sinabi niya sabay alis.
Narobot na ata siya. Nagsasalita siya putol-putol tapos hindi makatingin ng maayos. Robot na nalowbat.
"Ano daw sabi no'n. Than-Thank you?! Sorr-sorry? I mis-miss you?! Joke! HAHAHAH! Assumera ko, aba aba."
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔
General FictionThe two letter-named, Em is a villian who is killing those villians. He is a child with the burning history, engraving the Gang world with his bravery. Para mas magawa ang paghihiganti niya ay tinanggap niya ang trabaho'ng maging isang bodyguard ng...