Shoo~
Earth's POV ~°•°
"Lolo Le. Pahiram po ng sumbrero ninyo. Marami pong thank you! Ibabalik ko rin po. Hehe!" Sinusulat ko ang mga sinasabi sabay ngiti. Nilapag ko sa mesa sa salas ang sulat at sinuot ang sumbrero ni Lolo saka lumabas.
Nakayuko ako at sinilip ang kalye. Natanaw ko si Kuya Em palayo na kaya nagmadali akong nakayuko habang naglakad-takbo at sinundan siya.
"Operation. Mag-sorry kay kuya Em. Kasi naman! Para siyang galit parin sa akin dahil sa pagkakadagan ko sa kanya kahapon. Tapos hindi siya natulog sa kwarto. At hindi niya pa nagustuhan iyong jokes ko. Kaya mag-sosorry na lang ako, direct to the point. Ay wow hahah 'direct to the point' hahahah!" Wala ng papalag sa 'direct to the point' ko.
Lumiko na ako sa kanto na dinaanan ni Kuya Em. Nakita ko naman siyang kakasakay palang ng jeep.
"Kakasakay?! Hala!" Napasigaw ako at mabilis na tumakbo palapit sa jeep. "Weyt manong!" sigaw ko pero hindi na ako narinig.
Nakita ko si kuya Em nasa dulo ng upuan malapit sa pintuan ng jeep. Malapit na ako sa jeep at nginitian ko si kuya sabay kapit sa hawakan papasok ng jeep at tumalon para makasakay.
Napangiti ako, "Yeheeey!"
"Jusko po bata ka."
"Ano ba 'yan. Huwag kang sasampa naku malaglag ka."
"Mag-ingat ka iha," sabi ng mga pasahero sa akin.
Nakaupo ako sa daanan papasok ng jeep at nakaharap sa labas kaya nilingon ko sila, "Sorry po. Hehehe! si manong kasi hindi ako narinig eh. Hindi na po mauulit. Na sa jeep ako tatalon kasi sa ten wheeler truck na po."
"Hhahaha! Naku iha hahaha!"
"Ha naku lang hahaha goodluck, iha."
"Sino bang kasama ng babaeng 'to? Jusko po," komento nanaman nila. 'Di mabiro sila nanay.
"Joke lang naman po! 'Di kayo mabiro 'Nay. Sorry po ulit hehehe!" Nakangiti kong nilingon si kuya Em na nasa gilid ko.
Hindi maipinta ang mukha ni kuya Em, kahit si Leonardo hindi to mapipinta. Leonardo? Leonardo da dedidodu chos lang, Leonardo da Vinci!
Nginitian ko si kuya, "Buti nahabol kita kuya."
"Kung gusto mong magpakamatay sabihan mo ako. Ako mismo ang papatay sayo." Tiim-bagang na sabi ni kuya.
"Hindi ko gustong magpakamatay. Bakit mo naman kuya naisip na gusto kong magpakamatay?"
"Idiot."
"Lah. Lah. Hahahaha! Grabe 'to magsalita." Tinawanan ko lang siya tapos tumingin ako sa harap. Ang saya pala sa puwesto na 'to hahaha! Nakakapit ako sa magkabilang bakal at nag-iisway-sway kasi ang hangin. Tapos si manong jeepney driver nagpapatugtog pa ng kanta. English na kanta! At hindi ko alam kong anong title basta kanta at napapaisway ako.
"Two thousand and two~oohuu!" May pa birit ko pang hirit. Eh wala ng napansin sa akin eh. Saka ang saya kaya sa puwesto ko.
Tinanggal ko ang sumbrero at T-shirt na binalot ko sa mukha para 'di ako mapansin ni kuya Em. Eh kasalanan ko bang nagpahabol 'tong jeep kaya ang ending nahuli rin ako ni kuya Em.
Ang plano kasi talaga, Ay wow may plano hahaha! Ang plano ko kasi talaga titingnan ko kung saan pupunta si kuya Em ng palihim, uupo sa upuan sa jeep ng hindi niya nalalaman tapos susundan siya paglabas, ganern. Eh kaso ito ako ngayon. Hahahaha! Ako lang may karapatan tumawa.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔
General FictionThe two letter-named, Em is a villian who is killing those villians. He is a child with the burning history, engraving the Gang world with his bravery. Para mas magawa ang paghihiganti niya ay tinanggap niya ang trabaho'ng maging isang bodyguard ng...