CallLolo Le's POV ~°•°
Hindi na nasundan pa ang pagbisita namin ni Earth kay Em. Pero... Nakikita ko si Em na palihim na binibisita si Earth. Mukhang bumalik na siya sa pag-iisip niya.
Kwento pa ni Earth sa akin ay lagi silang magkatawag ng apo ko. Hindi napapansin ni Earth na nasa paligid lagi si Em. At maraming beses ko na siyang nahuli habang kasama ko si Earth. Ang apo kong 'yon talaga.
Papalubog na ang araw at pabalik na ako sa bahay, hinatid ko si Earth sa bahay mismo nila galing coffee shop. Hindi ko iyon laging ginagawa kapag ka tumatawag lang si Earth sa akin ay saka ako pumupunta. Pero sa nagdaang mga araw, wala namang nangyaring hindi maganda.
"Ay." Napalingon ako sa babae at lalaki na naglalakad at maraming dala. Nalaglag ang balot ng mga lobo mula sa babae na hindi magkanda-ugaga sa hawak.
"Pre, kunin mo," ani ng lalaki sa babae na marami na ring dala.
Kalmado akong lumapit at nginitian sila, ako ang dumampot ng balot ng lobo. May nakalagay doon na 'Happy Birthday'. Ngumiti ako at kinuha iyon ng lalaki gamit ang nahihirapang kamay sa paghawak ng mga dala.
"Salamat po," tugon niya at sabay silang ngumiti sa akin saka umalis.
Natigilan ako sandali ng may maalala.
"Happy first birthday! Baby Mati," bati ni Vantrin sa sanggol na hawak-hawak ng asawa niya at bahagya niyang ginalaw ang pisnge nito. Nasa gilid ako ng anak ko at hindi maihahalintulad ang saya na nararamdaman sa tuwing nakikita ang anak kong masaya. Hinalikan ni Troy ang noo ni Vantrin.
"Anak..." Agad akong nilingon ni Vantrin. Bakas ang saya sa kanya. "Uwi na kayo sa Pilipinas. May kwarto na doon ang apo ko. At Papa Lo ang gusto kong itawag niya—nila," sabay lingon ko sa malaking tiyan ni Vantrin, "Iyon ang gusto kong itawag nila sa akin at hindi Lolo Le."
Natawa ang anak ko saka ako niyakap, "Pa... Uuwi po kami pero saka na..." Paglalambing ng anak ko. Niyakap ko rin siya. "Tara na po, kain na tayo. Where's Frieg? Nah! Kaunti na nga lang tayo ay nawala pa ang isang yon. Let's it?" aya ni Vantrin sa mga bisita.
Mga Xanadu at iilang Austere ang bisita sa birthday ni Mati. Hindi engrade gaya ng pangarap ko.
Kung ako lang ang masusunod sa mansiyon ginanap ang kaarawan ng panganay kong apo. At engrande iyon!
Nagsimula ng magsigkainan at magkwentuhan ang mga bisita pero wala parin si Frieg na siyang nagsisilbi kong kanang kamay pansamantala. Si Pli, isa sa six Aust ko ang pinamahala ko muna sa Pilipinas, hanggang sa makauwi ako.
"Troy... Troy m-my stomach..." Vantrin stutter and we stop and all in shock.
Iniluwal ng nangangalit na pinto ang kinakabahang si Frieg, "Padrone Gestoso! The Cosa Nostra."
"Aaaaaaaahhh!" Kasabay ng pagputok ng tubig sa sinapupunan ni Vantrin ay ang malalakas na pagsabog na maririnig sa labas.
Naalerto ang lahat. Nilabas ang armas.
"Gather!" sigaw ni Frieg sa mga kasamahan.
"Vantrin!" sigaw ko saka sinalo ang anak na namimilipit sa sakit.
"Vantrin! Shit! Shit!" Nalamon ng kaba si Troy habang hindi alam ang gagawin. Hawak niya ang panganay nila habang nag-aalala. "Papa, please take care of Mati. Please! Please!" Pakiusap ni Troy habang pinapasa sa akin si Baby Mati. Agad kong kinuha ang bata.
Nasundan ang mga pagputok ng baril at napayuko kaming lahat na nasa loob ng bahay.
"Aaaachh! Troy! It's hurt! Damn!" sigaw ni Vantrin. Hinalikan ni Troy ang gilid ng mga mata ni Vantrin na mayroong tumutulong luha.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔
General FictionThe two letter-named, Em is a villian who is killing those villians. He is a child with the burning history, engraving the Gang world with his bravery. Para mas magawa ang paghihiganti niya ay tinanggap niya ang trabaho'ng maging isang bodyguard ng...